Unclear

11 1 2
                                    

Nasubukan mo na bang madapa?
Bumangon? Bumangon sa kama?
Tapos humiga ulit. Tapos nalate ka.

Oo, ikaw ang nalate. Hindi ako. Hindi ako na-le-late. Iyan ang pinakaturo sa akin ng mommy ko.

Naalala ko dati 8:00 AM ang pasok ko, 7:00 pa lang nasa school na ako. Minsan nga 6:40 AM pa. Napaka-aga ko dati. Sobra, kasi may daddy pa akong taga-hatid-sundo sa akin.

Ngayon, wala na. Wala na siya. Mahal ko si mommy. Lahat naman tayo mahal ang ating ina dahil siyam na buwan silang nagdalang tao at iniluwal tayo kahit mapunta pa sa bingit ng kamatayan ang buhay nila kapalit ng buhay natin.

Kaso nga lang, mas mahal ko si daddy. Laking tatay kasi ako. Busy kasi si mommy sa trabaho noong bata pa ako. Ang hirap ng walang tatay. Pero syempre gaya nga ng sabi nila, mas mahirap daw pag walang nanay. Kesyo ganito ganyan pa, eh pareho naman na mahirap.

Papunta ako ngayon sa grocery, medyo madaming pinapabili sa akin si mudra. May listahan pa nga akong hawak para makasiguradong mabibili ko lahat ng binilin niya.

Minsan madalas mag-isa ako. Paminsan minsan sinasamahan ako ng mga barkada ko. Ngayon, ako lang. Kaya ko naman, syempre lumaki akong mag-isa. Walang kapatid. Madalas ngang tanong sa akin, mahirap ba mag-isa? Mahirap bang walang kapatid? Masaya ba? Minsan ang sagot ko oo, minsan hindi. Pero sanayan lang talaga.

"Lila!" Nagulat ako sa sumigaw na babae.

Si Gwen, isa sa mga close friends ko.

"Sino kasama mo?" Tanong ko sa kanya.

"Puntahan ko sila kuya Jake dun sa Roast Bar. Ikaw? Tara sama ka!"-Gwen

"Hindi ako pwede. Mag grocery ako inutusan ako ni mommy eh. Next time na lang! Sige!"

"Sige! Ingat!"-Gwen

Kumuha na ako ng pushcart at nag-ikot ikot. Pang-one month supply na ata tong mga ito. Ang dami.

Napatingin ako sa relo ko at halos isa't kalahating oras na pala akong nag-iikot sa grocery. Patapos na din naman ako.

After nito uuwi na ako. Hinila ko paatras iyong pushcart kasi medyo masikip iyong daan dito sa napasukan kong alley. Kaya atras tayo, daming tao eh.

"Ay sorry po!" Sabi ko nang maramdaman kong may natapakan akong paa. Napalingon naman ako sa likod ko.

Isang matangkad na lalakeng nakangiti ang nakita ko. Tapos nagising ako sa katotohanan na kilala ko pala itong kaharap ko.

"Ayos lang, kamusta? Saan ka?"-Yohan

"Ah? Dito lang. Patapos na din ako, pipila na lang ako sa cashier." Nginitian ko din siya pabalik. Nakasuot siya ng jacket pero nakashorts? Iyong totoo?

I get it, medyo malamig dito sa mall pero bakit ka magsho-shorts kung nilalamig ka? Hay naku.

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya pabalik.

"Dito lang din."-Yohan

"Sige una na ako." Naglakad na ako paalis sa harapan niya habang tulak tulak tong pushcart.

Pagkapunta ko sa pila, natulala ako saglit. Bangag ko ah. Kinuha ko na lang cellphone ko sa bulsa at nagbukas ng messenger.

"Hi."

Napansin ko ang message sa akin ni Nikko. Syempre nireplyan ko siya. Kahaba kaya ng pila, kabored ditong nakatayo mag-isa.

"Hello!"

"San ka?" -Nikko

"Mall, grocery. Inutusan ako ni mommy eh."

"Ah ganun ba. Sayang."-Nikko

The Man of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon