Pangalan

29 4 0
                                    

Pagkatapos kong mangaso kasama ang aking kambal, niluto namin ang amin mga napatay na hayop.

"Ayos ah, gumagaling kana." Wika ni Apollo habang kinakain ang baboy.

"Hindi rin, nakatira lang ako salamat sa Aether mo." Binaba ko ang aking kinakain at tumungo.

"Artemio, wag mo nga lungkutin sarili mo. Totoo sinabi ko, hindi ba niligtas mo rin ako sa usa kanina?" Ngiti ni Apollo sakin. Nginitian ko rin siya , tumango ako at tumungo uli.

Pinat ako ni Apollo. "Gusto ko ngiti mo, pogi ka pag naka ngiti ka. Bagay sayo, lagi kang ngumiti, okay? Good job!" Yinakap ako ni Apollo at yinakap ko rin siya. 'Maswerte talaga ako sa kapatid ko.'

"Tayo na, uwi na tayo. Baka magalit sina nanay at tatay." Tumayo si Apollo at tinayo rin ako.

Naglakad palabas ng gubat si Apollo, susunod na sana ako pero may narinig akong tira ng pana. Napatigil ako at hinanap ko kung san nanggaling yung tunog.

May lalaki, may kasamang 2 aso, hound ata tawag don? Ewan, may tinitira siya pero ang layo niya hindi ko makita kung ano tinitira niya. Lumapit ako ng konti at pinanood siya.

"Cinor! Habulin mo." Utos ng lalaki sa isa niyang alaga, at ginawa ni Cinor. "Cajor, pakisabi saakin kung saan pupunta yung oso."

Oso? Weh? Seryoso ba siya? Ang mga oso dito ay mahirap tirahin, kahit ako nahihirapan.

Ginawa ni Cajor yung sinabi ng lalaki at tumahol, yung pagkatahol ng aso, tinira nang lalaki yung kanyang palaso.

Pagkatapos ng ilang segundo, may malalim na nakakatakot na boses ang sumigaw. Paiyak ata, may natamaan siya? Lumapit ako at nagtago ako sa likod ng puno.

Nilapitan ng lalaki ang kanyang natamaan at kinuha yung palaso. Pagkatapos niyang kunin, bumuka yung lupa at kinain ang oso. Tumaas yung lupa niyang tinatayuan at pumunta siya a may ulap. Lumapit ako para makakuha ng mas maayos na paningin. Pero bago ko gawin, may naramdaman akong kumapit sa braso ko.

"Artemio!" Sabi ni Apollo. "Saan ka pumunta? Kanina pa ako hanap nang hanap sayo." Pinagsabihan ako ni Apollo.

"Sorry na, pero may nakita rin kasi akong nangangaso eh."

"Eh? Sino?" Lumapit si Apollo sa tinayuan ng lalaki kanina pero wala siyang nakita. "Wala naman eh, halika na nga. Kukutusin kita pag-uwi natin!" Tumawa si Apollo.

Ano kaya pangalan nung lalaki? Ang galing niyang mangaso... Pati ang kanyang Aether, ang astig! Nakokontrol niya ang lupa? O yung Earth? Napakagaling niya naman..... Gusto ko malaman ang pangalan niya.

Iniibig Kong OrionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon