SIMULA
Pau poh
Hi ako nga pala si Paulo Dela Peña (Pau) nalang for short,Tirik na tirik ang sinag ng araw sa aken muka habang naka higa ako sa aking maliit na kama,Bumangon ako sa pag kakaihiga habang pikit parin ang akin mata makalipas ilang segundo ay dahan dahan kumg minulat ang aking mata.
Inayos ko ang aking itsyura bago lumabas ng aking maliit na kwarto at ng pag bukas ng aking pinto ay naabutan ko ang aking dalawang kapatid na lalake na nagmamadaling kumaen at nag aayus naman ang aking nanay na mga paninda nya.
Yes,,,,Simple lang ang buhay namin meron akong Dalawang kapatid na lalake si Kuya Patrick at si Kuya Fourth si kuya Patrick ang panganay at ako naman ang bunso Tatlo kaming lalake pero dahil nahingahan ako ng mga bakla sa kanto ayun at eto at naging babae na nga ako este binabae.
Opo bakla nga po ako pero ako daw ang pinaka magandang Bakla dahil sa muka daw akong Babae tingan sakin matangos na ilong mahabang pilik mata at makakapal na kilay.
"Oh nako Paulo buti naman at nagising kana"Biglang salita ni nanay ng makita akong naghilamos
"Dalaga na talaga ang prisesa natin tol"Sabat naman ni kuya Patrick
Ganyan talaga silang dalawa lagi ako inaasar pero tanggap ako nyan at mahal na mahal ako nila.
"Paulo Pag kakain ng mga kapatid mo ay ligpitin mo ang mga pinag kainan at akoy aalis na" Bilin ni nanay ng maayos na ang ititinda
"Oo nay" Mahin hin kong sabi
Nag lalako kasi si nanay ng Puto,Spaghetti,Panset,Malabon at palabok tuwing umaga, Tapos pag sapit ng tanghali ay pupunta na sya kila Ma'am Katherine yung pinag lalaba at pinag lilinis nya ng bahay
Simple lang ang buhay namin, Oo mahirap pero masaya naman maliit lang ang bahay namin nakatira kami sa iskwater
"Oh Pau alis na kami" sabi ni kuya Fourth
"Kung aalis ka sarado mo bahay baka mawala isang milyon natin dyan hahahahah"Tawang sabi ni kuya Patrick
"Oa mo talaga" Tawang sabi ko din
By the way Nag aaral nga pala ko Grade 12 nako sa darating na pasukan bakasyon namin ngayon at balak kodin humanap ng work dalawang buwan din kasi akong walang pasok saka gusto kodin mag karoon ng sariling pera para kahit anong gusto ko mabibili ko diba.
"Baklang Malambot" Tawag sakin ni Ashley este Antonio hahahha.
Oo Antonio Cruz real name nya bakla din kasi yan, at gustong tawag sakanya ay Ashley kasi napaka laswa daw ng pangalan nya at matalik kong kaibigan yan,Dalawa silang kaibigan ko si Carla Aquino Babae yan mga tehh hahaha at mayaman pero kahit mayaman sila napaka bait nya at naging super mag kaibigan kami since grade 10 pero itong si baklitang Ashely dito lang din sa eskwater nakatira.
"Oiyy lande ka baket" pasigaw kong sambit.
"Ahh sinisigawan mona ko dyan ahhh" Maarteng sabi neto.
"Baket nga kasi"
"Sasama kaba saken mamaya"
"Saan" Maarte kong sabi.
"Pupunta kami ni Papa Chester sa Vegas Restaurant at Joy Bar, Sasama kaba?" Diretsyo nyang sabi
Ahh oo nga pala inaaya nya ko mag apply sa Vegas Restaurant at Joy Bar.
"Oo naman,,What time ba atie?"Masaya kong sabi.
"Mga 8, susunduin kasi tayo ni chester kaya libre ka narin sa pamasahe"
"What 8 eh 7:23 na ah" Gulat kong sabi
"Hiyang hiya naman kasi ako sayo nung isang araw kopa sinabi sayo yun" sabay irap sakin ng baklita
"Sorry naman po sigi maliligo na akezz" Pa cute kong sabi
"Dalian mo lang hano isang oras ka kaya naliligo" maarteng sabi at saka umalis
Oo nga pala kasi sinabi sakin ni Baklita na sasama daw nya ko mag apply sa Vegas Restaurant sikat na restaurant dito sa lugar namin sa Pasay nag hahanap din daw kasi sila ng waitress sobrang laki din kasi nung restaurant nayun doblehin mopa yung Mcdo
Tapos yung Joy Bar sikat na Bar din dito waitress lang din available kaso nag aalangan ako kasi puro lalaki dun at diko din bet
Si Chester naman ay jowa ni baklitang Ashley oo boyfriend nya gwapo at mayaman din si chester mabait din naman sya pero dipa sila legal sa pamilya ni chester kasi natatakot pa daw sila
Hala anong oras na nga pala,nag madali akong pumasok ng kwarto ko at kumuha ng tuwayla saka lumabas patakbo ng CR
Baklaaaaaaaaaaaaa
Tiling hiyaw nag baklita mula sa labas ng aming bahay habang ako ay nag pupusod ng buhok,Oo babae na talaga ang itsyura ko,pananamit galaw at ayus ay babae na ako talaga magandang binabae
Nag mamadali akong lumabas ng bahay at bumungad sakin ang muka ni baklita at ng jowa nyang si chester na natatawa tawa
"Kahit kelan talaga friend napaka tagal mong gumayak" Maarteng sambit nya
"Sorry na let's go" masayang kong sabi
Sabay sabay kaming laglakad palabas ng eskwater di kasi makakapasok ang sasakyan ni chester,Ford car lang naman kasi lagi nya gamit tapos my Mio sya ohh diba syosyal ang friend ko naka dagit ng mayaman, pero deserve naman nya yun
"Baks Ano pala kailangan dalin dun sa Vegas Restaurant? " tanong ko ng pasakay na kami ng sasakyan ni chester
"Wala naman daw basta interview lang daw yun" Sagot nya ng nasa loob na kami ng sasakyan
Medyo malayo din kasi dito ang Vegas Restaurant
mga 15 minutes din siguro isang sakay naman ng jeep mula dito sa L.A steet"Totoo ba" taka kong tanong
"Yes baks si Chester na ng pa schedule satin ng interview kaya Ok na lahat" sabi nya habang nakatingin sa cellphone
"Wow thank you chester" sabi ko
"Welcome pau" sambit naman ni chester
"Teka pati ba ikaw mag aapply?" na singit kong tanong
"Di ko rin alam hahaha si Ashley ehh walang kasama" Sambit nya na kinakilig ko naman
"Yiee sana all"Pangungutya ko
"che" maarteng sabi ni baklita
HELLO GUYS DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME LABYU
PLEASE SUPPORT THIS STORY
YOU ARE READING
DO YOU STILL LOVE ME?
Teen FictionSaan ka nga ba babase kapag dumating ang araw na kailangan mona mamili dahil nahihirapan kana sa inyong RELASYON Sa tagal ba ng inyong pinagsanahan kaya mananatili kapa rin ? O Bibitaw kana at sarili nalang muna ang piliin ? DO YOU STILL LOVE M...