“Christian, pwede bang dito na lang kami uupo ni Clarissa sa bench ng mga manunuod? Maganda yung neutral lang kami, pareho namin kayong kaibigan ni Alex” ang sabi ni Summer at napasulyap siya kay Alex na sandaling tumingin sa kanila, at sandaling nagtama ang kanilang mga mata, pero ito na rin mismo ang umiwas ng tingin sa kanya. At nagpatuloy na ito sa pagwawarm up.
Napatingin din si Christian sa direksyon ni Alex, “sige naintindihan ko naman, iwan ko na kayo” ang sabi nito.
“Gusto mo kami na bahala sa gamit mo?” ang habol na sabi ni Clarissa.
“Pwede ba?” ang nahihiyang tanong ni Christian at bumalik ito sa kanila.
“Oo, naman” ang nakangiting sagot ni Summer.
“Thank you, madadaganan kasi ng ibang mga gamit yan kapag inihalo ko doon” ang sabi ni Christian at iniabot niya ang bag kay Summer.
“Sige na mag warm-up ka na” ang nakangiting sabi ni Summer. At pinagmasdan niya si Christian na patakbong lumapit sa mga ka team niya na nagwawarm – up na sa court.
Kung nagtuturuan lang sana ang puso, baka ibinigay na niya kay Christian ang hinihingi nito sa kanya. Pero, hindi niya kaya. Ayaw niyang gamitin si Christian na panakip butas sa pagmamahal niya na nakalaan lang talaga kay Alex.
At napasulyap na naman siya rito at nakita niyang nakatingin sa kanya si Alex, muling nagtama ang kanilang mga mata. Tama ba ang nakita niya sa mga mata ni Alex? May lungkot sa mga mata nito, hindi ito katulad ng dati na kapag tumitingin sa kanila ay laging nakangiti ang mga mata nito.
Pero natuon ang mga mata niya sa bandang dulo, at nakita niya si Jacel na masayang nakikipag kwentuhan sa mga nobya rin ng mga ka team mates ni Alex.
Abala sa pagwawarm – up si Alex nang magsalita ang ka teammate niya, “yan na captainball nila, si Sendoh” ang mahinang sabi nito.
Napalingon naman si Alex sa direksyon na tiningnan ng kasama, at pa simple nga niyang tiningnan ang papasok na si Christian, kasabay nito sina Summer at Clarissa. At nakaramdam ng kirot at pananabik sa puso niya si Alex. Ang tagal niyang hindi nakita si Summer mula ng mag-usap sila at inihatid niya ito sa bahay. Parang may pagbabago rito, parang nagdalaga na ito sa kanyang mga mata.
Mas lalo siyang nasaktan ng makita niyang iniabot ni Christian ang bag nito lay Summer. Boyfriend na kaya niya ito? Ang tanong ni Alex sa sarili. At nagtama ang kanilang mga mata at nakita niya ang gulat sa mga mata nito. Nagulat ba ito na makita siyang tinititigan ito? Ang sabi ni Alex sa sarili. Pero mabilis din nitong iniiwas ang mga mata sa kanya. Nakaramdam siya ng panibagong bigat sa kanyang dibdib at selos?
Maya-maya pa ay nagsimula na ang laban, isa-isang tinawag at ipinakilala ang mga manlalaro ng magkabilang team. Kanya-kanyang hiyawan ang mga fans ng magkabilang koponan. Marami rin na taga San Luis na dumayo sa kanilang lugar para manood ng championship, kaya naman dumadagundong ang basketball court ng mga sandaling iyun. Lalo na ng pumwesto na sina Alex at Christian sa gitna para sa jump ball. Saglit na iniabot ni Christian ang kamay nito kay Alex.
“May the best team win” ang sabi ni Christian habang nakalahad ang palad nito para sa handshake.
Tiningnan muna iyun ni Alex, may the best man win, yun ang sinabi ni Alex sa kanyang sarili, iniabot niya ang kanyang palad at nag handshake ang dalawa.
“Ilalampaso namin kayo” ang mariing sabi ni Alex, na hindi niya malaman kung si ang team ang tinutukoy niya o si Christian ang gusto niyang ilampaso ng mga sandaling iyun, ang inis na sabi ni Alex sa sarili.
Pagpito ng referee at paghagis ng bola ay sabay na tumalon ang dalawa, agad na natapik ni Christian ang bola. Kaya nanggigil agad si Alex.
Bwisit! Ang galit na sabi niya sa sarili! Hindi siya papatalo sa lalaking ito, hindi niya hahayaan na maagaw nito ang lahat ng kanya! Naging intense ang laban sa pagitan ng dalawang koponan, hindi nagagawang lumamang ng bawat isa. Nagsasagutan ng puntos ang dalawa.
Hanggang sa umabot na ang second half at saglit na nakapag pahinga ang mga players. Dumiretso si Alex sa kanilang bench at kinuha ang tubig na iniabot sa kanya ni Jacel at tinungga niya ang laman ng kanyang water bottle.
“Punasan ko ang pawis mo Alex” ang sabi ni Jacel sa kanya at pinunasan nito ang kanyang mukha, leeg, batok at likod. Pero wala kay Jacel ang atensyon niya kundi na kina Summer at Christian, na sa halip na sa bench ng team nito dumiretso ay sa upuan nila Summer na agad na nagbigay ng towel at water bottle. Pinagbuksan pa ito ni Summer takip ng baunan ng tubig.
Iyun ang dating ginagawa sa kanya ni Summer, ang ngitngit niya sa sarili. Unti-unting nadadagdagan ang bigat na nadarama ng kanyang dibdib. Pinagmasdan pa niya ng lagyan ni Summer ng towel ang likod nito.
“Alex, kaya nyo yan, ilampaso nyo yang San Luis, you can do it honey” ang giit ni Jacel sa kanya, pero kalahati lang ng tenga ni Alex ang nakikinig dito. Oo, ilalampaso niya si Christian.
Umiling si Alex, “di ko hahayaan na makuha niya ang lahat sa akin” ang sagot ni Alex habang nakatingin sa nag-uusap na sina Summer at Christian.
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
Любовные романыFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...