-9-

455 5 0
                                    

Muling bumukas ang pinto at sa muling pagpasok ng nurse ay may dala-dalang injections at mga tubes na ito "Oras na po ng gamot nya maam."

"Ah sige paalis na rin naman na kami, pwede bang paki inform nalang ako sa oras na magising sya naiwan ko naman na dito ang number ko" nakangiting bilin ko dito. "Sige po maam wala pong problema"

Lumipas ang mga oras at naging araw hanggang naging linggo. Tuluyan na nga akong nabili ni mr.nakamura di lang sa bar pati na rin siguro sa nanay ko ng di man lang nya nalalaman.

Pera ni mr.nakamura ang rason kung bakit ko pa nakakausap ang nanay ko ngayon. May mahihinang katok sa pinto "wake up, lunch is ready".

Nagigising na lang akong wala na si mr.nakamura sa tabi ko isang linggo narin pala akong nakatira dito. Madalas nalang akong magising sa mga katok ni eros sa aking pinto.

"Andyan na sunod nalang ako" pabalik balik ako sa hospital, bahay tapos hospital ulit. Mabuti nalang at hatid sundo ako ni eros kaya wala akong problema sa pamasahe.

"Thank you" sambit ko pagkaupo ko sa harap ng mesa " thank you rin" nakakapagtakang sagot nito. "Para saan?" " For not attempting to rape me again for almost a week" sarkastikong sagot nito.

Napabulalas ako ng tawa "bakit nami-miss mo no?" Pang iinis ko dito "no freaking way!" sa kahit papano ay unti-unti na ring naging casual ang pag sasama namin ni eros.

may kunting progresso ika nga "saan ba pumupunta palagi ang papa mo at parang ang aga nya naman atang umaalis?" Pagusyoso ko.

"Mas nauuna pang tumayo yan bago pa tumilaok ang manok, deretso na sya sa kompanya" matatas na pag salita nito sa tagalog " alam mo mas gwapo ka pag nagtatagalog" sabay kindat ko dito.

Kitang-kita ko ang paglagok nya "andyan ka na naman" muli akong bumitiw ng tawa "pupunta ka ba ulit sa hospital" tanong nito sa akin "iwan, ikaw wala ka bang ibang pupuntahan halos ako nalang parati ang nakakasama mo baka mainlove kana sakin nyan" inabot ko ang baso ng juice at dahan dahang ininom ito.

"Well father asked me to assist you at any possible way"

"English na naman, Di ba sabi ko sayo kanina mas gwapo ka pag nag tatagalog ka" iniliyad ko papalapit sa kanya ang aking mukha. "All right i think im done here" tyempong papatayo na sya.

"Oi joke lang, ito naman di na mabiro wag kang tumayo andami pa kayang tira sa pagkain mo" pagsusumamo ko dito habang tinuro ang kanyang plato at ang muling pag agwat ko sa kinauupuan nya.

Di naman nya ako binigo at di nga naman sya tuluyang tumayo. Natapos ng matiwasay ang aking umagahan at ang kanyang pananghalian.

Bilang at kalkulado ang aking mga galaw. Sa bawat umiikling metro na nababawas sa pagitan namin ay ang mas humahabang pag-asa ang tuluyang magkalapit kami.

Habang nakaupo sa bartop at pinagmamasdan ang matambok na pwet nya habang naghuhugas ng aming pinagkaiinan ay gusto kong hablutin ang pagkakataong mas makilala pa sya.

"So asan yung mama mo?" Biglang di sya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan kita ko ang pag iba ng pinta ng kanyang mukha. Alam kong di ko dapat binubuksan ng basta basta ang mga pribadong pahina ng buhay nya.

"Sorry, alam mo ang sarap ng adobo kanina, ang galing mong magluto ha" pilit kong binali ang paksang aking binuksan. "Wala akong kinagisnang ina, pwera na lang siguro sa kung sino-sinong babae ang dinadala dito ni papa" salita nya habang kinikiskis ang isang tinidor.

"show girl sya sa japan ng makikilala raw ni papa kaya wala rin namang pinagkaiba sa mga babaeng dinadala ni papa dito. Isang mababang bayarang puta," tuloy tuloy lang syang naghuhugas ng pinggan habang nagkekwento. "By the way glaze pork chop yun hindi adobo" pahabol pa nito.


Di ko maiwasang di magdamdam sa mga salitang lumabas sa kanyang mga labi. Bumitiw ako ng malakas na paghinga ayukong masayang ang aking pinaghirapan, kung papairalin ko lang ang aking emosyon.

"Wala naman sigurong babae dito sa mundo ang pinangarap ang maging isang puta diba?. Ang makantot ng ibat-ibang lalaki. Ang pandirian ng kung sino-sinong mararangal na babae. Di ko sinasabing unawain o kaawaan mo ako, kami, kasi di naman namin to ginusto pangkakataon at tadhana nalang siguro ang humatol sa amin ng ganito."

"But you always have a choice!" Medyo pagtaas ng kanyang boses.

"What choice?, choice kung pano ko buhayin ang naghihingalo kong ina, choice kong pano ko babayaran yung libo-libo naming utang sa hospital, choice kong pano ko mapapakain ang sarili ko at mabuhay... What choice. Choice kung pano ang pagkakaalam ko sa niluto mo ay adobo at di kung ano-ano"

Nanlumo ang balikat nya "pero oo nga naman isa nga lang naman kaming hamak na mga puta, basura ng lipunan kalat ng lansanagan"
Tumayo na ako tinalikuran sya at dumeritso sa aking kwarto.

Ang pagpigil ng galit ay nagdadala ng kakaibang init. Mula sa virandang aking kinatatayuan ay tanaw ko ang malawak na asul na swimming pool. Agad agad akong tumakbo papunta dito. Di ko pa man natatanggal ang kahit na anong parte ng damit ko ay lumilipad na akong tumalon sa tubig nito.

Hinayaan kong lumubog ang sarili ko sa pinakamalalim na parte ng tubig habang pinipigilan ang paghinga. Nang umabot na ako sa aking limitasyon ay ang bigla kong pagsikad paangat ng tubig. Ang sarap ng unang paglanghap ng hangin.

Ramdam mo ang pag lubo at pagpasok ng sariwang hangin sa iyong baga " and i thought you don't know how to swim" nabaling ang aking atensyon kay eros sa tabi ng pool na may hawak na dalawang basong orange juice.

"And i thought na ang swimming pool ay pinaliit na dagat para sa mga mayayamang tao" ang malamig na tubig ang nagpakalma sakin at nakaya ko ng ngumiti dito.

"parihas lang tayong mali ng pagkakaalam. Paminsan minsan kasi ang alam nating tama yun pala mali at ang alam nating tama yung pala hindi" mga salita ko habang dahan dahang lumalapit sa kinaruru-unan nya.

"Okey, I'll admit it was kinda close minded of me to just randomly burst some nonsensical words, im sorry" sabay abot sa akin ng isang baso.

"Kiss mo ko" utos ko dito, gumuhit ang pagkabigla sa kanyang mukha. Pagkatapos kung inumin at ilagay sa gilid ng pool ang wala ng lamang baso. bumalik ako sa gitna ng pool kong saan ko tinanggal ang aking suot na damit.

"Catch" sigaw ko kay eros sabay bato ng basang puting blouse "ito pa" sunod namang lumipad ang short na maong na kanya ring na ilagan. Tanging parihas na pink na panty at bra nalang ang suot ko ngayon.

"Hoy san ka na pupunta?" Sigaw ko dito habang nakatalikod na syang nag lalakad palayo. "Im going back inside, masyadong mainit na dito" sagot nito ng di manlang humaharap sakin.

"Samahan mo ko dito, di ako marunong lumangoy" sabay kapa kapa ng tubig kagaya ng ginawa ko dati. Pero patay malisya lang syang tuluyang pumasok sa bahay.

Ang sarap magbabad sa tubig kung bibigyan lang ng pagkakataon ay ayuko ng umahon pa dito. Sa pag tirik ng araw ay ang pag hapdi rin ng pag dapo nito sa aking balat.

Napilitan na akong umahon at pumasok sa mansion. Nakaka-uhaw ang paglangoy buti nalang at merong coke in can sa loob ng mini bar. Pagkatapos kong magbihis ay ang pagbaba ko sa sala.

Kung saan nahuli kong nanood ng telibisyon si eros habang nakaupo sa sofa. "Pwede bang sumali" di pa man sya naka sagot ay naupo na ko sa tabi nya.

Lumayo sya sakin ng kunti at lumayo uli ng kunti hanggang nasa magkabilaang dulo na kami ng sofa naka upo.

Tinitigan ko sya ng masama "naiilang ka pa ba sakin?"

"nope, trying to focus on a film here, So kindly keep it down please."

Anikdota ni Magda (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon