Courageous Edith

1K 34 8
                                    

Author's Note

Only the story written by me will be posted here.

Wala po akong karapatang i-post ang kuwento ng ibang kasamahan kong manunulat na nakapaloob sa librong ito.



*****

This is inspired from Mrs. Editha E. Tiongson's story. A wife, a mother. And a breast cancer survivor.


"Edith, love, be strong. Masakit din sa akin pero kailangan nating tanggapin nang maluwag ang nangyari. Mga bata pa naman tayo. Magkakaanak pa tayo uli."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses narinig ang salitang ganon mula pa noong isang linggo. Wala na rin halos akong iluha pero sa loob ko, patuloy na tumatangis ang aking pusong-ina. Anim na buwan lang ang baby ko nang mamatay ito. Ang inosenteng bata na kumumpleto sa amin ni Rollie bilang pamilya, hindi ko inaasahang babawiin din pala dahil sa simpleng sakit na hindi kinaya ng resistensya nito.

"Itabi na kaya natin ang ibang gamit. Para hindi maalikabukan," maingat na sabi niya.

"Hindi!" matigas na sabi ko. "Wala munang gagalawin kahit ano."

Hindi na kumibo si Rollie at iniwan na ako.

Hinayon ko ng tingin ang kabuuan ng nursery. Parang nakikita ko pa ang baby ko sa kuna. O nai-imagine ko si Rollie na kalong ito sa rocking chair at mambubuska ako na nauna pang nakatulog ang ama kesa sa anak. Ah, napakarami ng memories. Mula pa sa araw na malaman kong buntis ako sa kanya hanggang ngayon na hirap na hirap akong tanggapin na wala na siya. Gumulong ang luha sa mga pisngi ko nang ilapat ko ang pinto. Hindi pa rin pala nasasaid ang luha ko.

Inabutan ko si Rollie na nakaupo sa kama. Awtomatikong inilapag niya sa kama ang remote control ng TV nang makita ako. Ibig sabihin, ako ang masusunod sa panonood. Napakabait talaga ng asawa ko. Napaka-considerate. Alam kong masakit din sa kanya ang pagkamatay ng anak naming pero sa aming dalawa, mas matatag siya.

"Love, isang linggo mo nang na-miss iyong teleseryeng sinusubaybayan mo. Manood ka na tapos mamasahihin kita para ma-relax ka." Tumayo pa siya para salubungin ako.

Niyakap ko si Rollie. Iyong yakap na mahigpit kasabay ng paglalakbay ng mga kamay ko sa katawan niya. My lips found his. I kissed him passionately. "Let's make love," halos desperadang sabi niya. "Gusto kong magkaanak tayo uli."


*****

Gising na ako. Pero ayokong magmulat ng mga mata. Ang totoo para ngang ayoko na ring magising. Hindi nakakasanay sa damdamin ang makunan. Kung gaano kasakit na namatayan ako ng anak, ganoon din ang sakit sa tuwing magigising ako pagkaraspa sa akin. Pangatlong beses na ito na hindi nakakaabot sa full term ang pagbubuntis ko. Palagi na lang akong nakukunan sa second trimester ko.

"Tulog pa pala ang Tita Edith mo. Huwag kang malikot, ha." Boses iyon ng kapatid kong si Beth. Napilitan akong dumilat nang tinagtag ng pamangkin ko ang kamay ko.

"Tita, tita. Bakit hindi na malaki ang tiyan mo?"

"Kiel!" saway ni Beth sa anak at nagkatinginan kami. "Pasensya na, Ate. Sa labas na nga lang muna kami," nahihiyang sabi niya.

Tumango ako at inihatid sila ng tanaw.

Noon tumayo si Rollie at ini-lock ang pinto. Madilim ang mukha niya. Kagaya ko ay punong-puno rin ng lungkot at kabiguan. Lalong bumigat ang dibdib ko sa nakita kong anyo niya.

Through Rose Colored Glasses (Courageous Edith)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon