066// Bay Max

141 20 76
                                    

Bay Max (11-09-18)
***

Bay Max
Active now •

Fri 20:12

Bay Max

What's up?

Sonya

Still fine

Bay Max

Sinabi mo na sa kaniya?

Sonya

Kanino? Ang alin?

Bay Max

Kay Theo.

Yung tungkol kay ano.

Sonya

Ahh.

Slight. Yung iba lang

Bay Max

Katulad ng ano?

Sonya

Tumagal kami ng 1 year at ilang buwan tas walang ibang nakakaalam

Yun lang

Bay Max

What do you feel?

Feel better?

Sonya

Medyo.

Naniwala kasi siya. Atleast may nakakaalam na kahit isang tao

Bay Max

Isang tao lang ba??

Sonya

Fine. Dalawa kayo

Happy??

Bay Max

Hahahaha.

Sabihin mo na rin sa iba mo pang mga kaibigan kapag kaya mo na. Tunay naman sila

By the way, congrats sa tryout!! Buti nakapasok ka ulit. May mapapanood na ulit ako.

Sonya

Tysm.

Bay Max

Atsaka, may sasabihin ako.

Pag laro, laro lang ah. 'Wag hahanapin yung basketball players. Hahahaha. Magkatabi lang kasi yung court kaya tanaw na tanaw mo.


Sonya

May closure na nga di ba?

Ibig sabihin

Tama na. Awat na.

kinompronta ko na siya noong isang araw pero 'di ako pinansin. Si Theo pa ang nakakita. Sakit

Bay Max

Nice. Ipaalala mo 'yan lagi sa sarili mo, ah! Baka makalimutan mo. Haha.

Sonya

kapag nakalimutan ko, ipaalala mo ah. Namiss ko na yung mapanakit mong linyahan. Haha

Joke

Bay Max

Atleast natauhan ka dahil sa mga salitang 'yon.

Sonya

Yeah. Ang lakas ng impact eh.

Bay Max

Haha.

Just a reminder, you can fool others, but not yourself. You can deny your feelings, but at the end of the day, you will realize that you're just hurting yourself by denying it.

Accept the truth, Sonya.

And move forward. Learn from the lessons of the past and let go of the worries for the future.

Sonya

Sige english pa

Bat mo yan sinasabi? Anong ibig mong sabihin

?????

Bay Max

It's okay to cry when you're hurting.

Ang ibig kong sabihin, tatagan mo yung loob mo. May mga katotohanang hindi mo nalalaman dahil hindi mo inoobserbahan. At kung sakali mang may malaman ka, pwede mong iyakan, pero 'wag palagi.

May mga pagsubok na dumarating sa buhay natin. Maraming ka pang pagdadaanan. At kapag sinabing pagdadaanan, "dadaan" ka lang dapat at hindi tatambay sa problemang iyon. Sana may natutunan ka sa nakaraan mo, Sonya.

Sonya

Are you still acting like baymax or what??

Bakit words of wisdom na yung sinasabi mo?

Magpapaalam ka na ba?

Bay Max

Not all of the time I will be here.

But nope, 'di ako namamaalam.

Sonya

Akala ko ba nandito ka 24/7??

Or joke lang yun?

Bay Max

Galit ka ba?
seen 21:21

21:41

Bay Max

Galit ka nga.

I'll talk to you when you calm down.

He's Online! (Online #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon