My Brother (One Shot)

1 0 0
                                    

My Brother

After all those times I thought he lied...
But then when that time came.. He never did.

Ako si Ema, isang simpleng babae na nagmula sa isang simpleng broken family.

Ngayon ay ang kasangga ko na lamang sa buhay ay ang aking kuya na si Emette, magmula nang iniwan kami ng aming magulang ay si kuya na ang tumataguyod sa aming dalawa.

Working student noon si kuya, pero ngayong nakapagtapos na siya ay may negosyo na siya, ngunit hindi man lang niya itong masabi sa akin kung ano.

Isang araw ay gumising ako na may malayang araw, matapos magbihis ay dali dali akong lumabas ng kuwarto.

Nakita kong nakaupo si kuya sa kusina habang sumisipsip ng kape.

"Kuya, wala naman akong klase sa hapon, gusto mo puntahan kita sa trabaho mo then magla lunch tayo!" excited kong sambit.

"Wag na bunso, mag-aral ka na lamang dito nang maka graduate kana tapos tulong-tulong tayo sa pagpapatayo ng negosyo" sambit niya.

"Bakit kuya? Hindi mo ba gusto ang negosyo mo ngayon?"

"Hindi naman bunso" sagot niya. "Mas maganda ang bago, magsimula muli" dagdag pa niya habang may ngiti, ngunit napansin ko ang kalungkutan sa mga mata nito.

Tumango-tango na lamang ako tsaka umalis na.

Pagkapasok ko ng paaralan ay nakita ko ang kaibigan kong si Rosie. Magkasama naming tinungo ang aming classroom.

Grade 9 student pa lang kami kaya there is really a long way to go.

Nang matapos ang araw ay umuwi na agad ako, at dahil ayaw ni kuya na papuntahin ako at hindi ko rin naman alam kung ano ang trabaho niya kaya uuwi ako at kakain na dahil gutom ako.

Mabuti naman ay may natuto akong konting skills sa TLE class namin kaya marunong akong magluto, konti nga lang naman.

Nang matapos ay pumunta na lamang ako sa aking kuwarto at nanood ng movie gamit ang sirang laptop na inayos ni kuya.

Hindi ko namalayang gabi na nang matapos ko ang pangatlong movie. Lumabas ako at saktong naabutan ko si kuya na kakapasok lamang habang hinihingal.

"Kuya? Okay ka lang? Bakit ka tumakbo? Alam mo naman na may hika ka tapos-- ba't ganyan suot mo?" hindi naman sa ano pero nagtaka ako nang makita siyang naka itim tapos may mask pa siya habang may sombrerong itim.

"Kagagaling ko lamang gym kaya naglakad lang ako pauwi para exercise, sinuot ko 'to kasi nga mausok sa daan may hika pa naman ako. Mainit kasi kanina kaya nagsombrero ako" pagpapaliwanag niya kaya tumango-tango na lamang ako.

Nagtungo ako sa salas at doon pinagpatuloy ang pag-aaral ko.

"Kumain ka na bunso?" dinig kong tanong niya mula sa kwarto.

"Hindi pa kuya" sagot ko naman habang nagbabasa ng libro.

"Gutom ka na?" tanong niyang muli at lumabas sa kwarto na iba na ang damit.

"Wala akong gana kuya" sagot ko na lamang at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Sige, matapos mag-aral ay matulog agad ha? Wag masyadong magpuyat" paalala nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Brother (One Shot)Where stories live. Discover now