CHAPTER 1

80 51 9
                                    

Brie's POV:

Ikalawang araw na namin ngayon dito sa probinsya. Kasalukuyang kaming kumakain nang agahan, 6:30 am ganun ang routine dito kapag nagsimula nang lumabas ang araw.

  "Anak, gusto mo bang sumama samin. Pupunta kaming Sierra Cotta resort, balita namin maganda roon. Outing sana natin. Ano sasama ka ba?" tanong nang mama ko sa kalagitnaan nang aming pagkain.

"Ma, alam mo namang hindi ko ugaling lumabas nang kuwarto." Ani ko sakanya dahilan para mapatango-tango pa siya.

" Oh sige, kung gusto mo yan. Wala kaming magagawa tutal hindi mo naman talaga ugaling lumabas nang bahay." sang-ayon nang ama ko. At nagpatuloy na kami sa pagkain hindi ko narin inalintana pa ang aliwan nila sa sobrang ka-eksaytidan nang mga gagawin kuno. Nang mauna na akong matapos ay nagpaalam na ako sakanila na hindi naman nila inabala pang lingunin.

'Ganun naman palagi'

Habang nasa kuwarto na ako ay pumunta ako sa sarili kung veranda at doon nagmumuni-muni. Hindi parin nawawala ang aliwan sa kusina namin kung saan nagmumula ang ingay na galing sa pamilya ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko wala akong kakayahang magbigay nang kahit na ano sa kanila. Pero hindi ko naman maaalis sa sarili ko ang mag-alala. At hindi ko rin naman ulit masisisi ang sarili ko sa pagiging mailap sa mga tao. Kaya kakaunti lamang ang nakakakilala sakin dito sa probinsya. Ang mga may-ayaw sakin ang nagbansag nang katagang 'Solitude'. At tanggap ko rin naman yun wala naman akong magagawa kung yan ang tingin sakin nang mga tao.

Nang makita kung papaalis na ang pamilya ko ay nakita ko pa silang kumaway sakin dito sa veranda nang kuwarto ko saka sila umalis sakay nang van namin.

Hapon narin nang makabalik ang pamilya ko sa pag-outing. Nang maghapunan na kami ay panay kuwentuhan lang sila samantalang hindi ko naman ugali yun dahil wala naman akong ikukuwento sakanila.

"Alam mo ate, napakamisteryosa mo, tayo-tayo na nga lang magpapamilya mailap ka pa" usisa naman nang kapatid kung si Toni.

"Ah, ganun ba" alangan kung saad sakaniya dahilan para hindi ko na sila tingnan at kumain nalang.

"Ahm, gusto ko sanang lumabas nang bahay para magpahangin."  pagpapaalam ko sakanila nang matapos uli akong kumain.

"Pero gabi na!" Ani ni mama.

"Don't worry mom, I can handle myself. Saka madali lang naman ako diyan sa labas tamang pahangin lang. Punta lang ako sa park."

"Hay naku, Brie. Oh sige na nga basta bumalik ka agad at huwag pumunta kahit saan." Paalala pa nito sakin nang humakbang na ako sakaniya at yumakap ganun din sa tatay ko.
"Huwag mo kaming pag-alalahanin dalhin mo yung kendo stick mo tutal marunong ka naman nun saka sanay ka naman makipagbugbugan." Saad pa nang tatay ko. Tanda na parang alam na alam nga nito ang mga ginagawa ko.

'Hays, kailan nga ba hindi'

Habang naglalakad ako dala ng kendo stick ko sa kalsada papuntang park napagmasdan kung kakaunti lamang ang mga tao rito sa probinsya tuwing gabi kumpara sa lungsod na kahit mag-umaga ay makikita mong matao parin.

Nang makaupo na ako sa isa sa mga bench nang park, tumingala ako para tingnan ang bilugang buwan na nababalutan ng ulap na tila nagbabadya sa pag-ulan. Nang ilibot ko ang paningin ko nakita ko uli ang lalaking nagngangalang 'Diego' na mukhang tumatakbo. Kaya akin itong sinundan.

Nang lumiko na kami sa isa sa mga eskinita ng lugar ay nakita ko na rin itong tumigil at halatang hinihingal dahil sa pagtakbo mukhang nailigaw naman ang lalaking humahabol sakaniya. Agad naman akong lumbas sa pinagtataguan ko at hinarap ito.

"Bakit ka tumatakbo?" Tanong ko sakaniya dahilan para mabigla siya at harapin ako nang nanlalaking mata.

"Bakit ka narito?" agad na tanong rin nito sakin nang makabawi sa pagkagulat.

"Huwag mo akong sagutin nang tanong sa aking tanong" Ani ko sakaniya.

" Wala kang pake." Mukhang sagot nito sa tanung ko. 'Aba't kahapon ayos pa ito ah'  sabay kibit-balikat ko. At nagsimula nang humakbang pero kinabig niya ang balikat ko para humarap ako sakaniya.

"Bakit ka sumunod sakin?" Tanong nito

"Nakita kitang tumakbo kaya hinabol kita" sagot ko rito.

"Bakit mo ako hinabol hanggang dito kung puwede mo naman akong tawagin?" Tanong niya pa para magkibit-balikat lang ako at humakbang papaalis na.

"Sandali nga. Saan ka pupunta?" Tanong niya pa na kinibit-balikatan ko lang. Nakita ko namang naiinis na siya sakin at pinangkunutan niya lang ako nang nuo.

"Hindi mo man lang ba sasagutin ang tanong ko?" Saad niya sa naiirita nang tono.

  "Hindi ako sanay." Alangan ko pang sagot sakaniya.

"Tsk, pero kung makapagtanong ka parang handa ka rin sa itatanong sayo. " Naiinis nitong saad pa sakin. Na ikinailing ko nalang at naghanda na namang tumalikod na sakaniya para umuwi.

"Sandali nga." Sabay hawak sa balikat ko. "Saan ka ba pupunta? Kanina mo pa ako tinatalikuran"

"Aish, ano ba uuwi na ako" naaasik na saad ko.

"Samahan na kita" nahihiya niya pang sabi sakin. Dahilan para mapatulala ako at mapatango.

"Dito ang daan papunta samin" at sabay na kaming lumakad palabas ng eskinita.

Nang malapit na kami sa bahay ay huminto na ako dahilan para mapahinto na rin siya.

"Ah sige, hanggang dito nalang. Uwi ka na sainyo. Sige!" Pagpapaalam ko pa sakaniya pero hindi man lang siya natinag at nakita kung tulala. Kaya tinapik ko siya nang matauhan.

"Hoy, anong problema?" Tanong ko sakaniya

"Ah sige uwi na ako. Sige ingat!" Sabi niya pa bago umalis.

'Anong problema nun?" Naguguluhan kong tanong sa isip ko. Saka tumngo na sa bahay namin. Nang magawa ko na ang mga night routine ay saka pa lamang ako nahiga. Inaalala ang lahat nang mga nangyari nang biglang maalala ko ang lalaki na nakilala ko.

'tsk, ano kaya ang magiging papel mo sa buhay ko' naulinigan tanong nalang nang isip ko bago ako tuluyang makatulog dahil panibagong araw na naman bukas ang aking kakaharapin.







_______________________________________________

  Hello mga KaCalibsta 👋.

Ano nga kayang nangyari kay Diego? Hmm🤔

Hope yah like it
Thanks for reading!

LIKE, COMMENT & VOTE

@purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon