Mahal kong Maria Apule,
Nakita ko ang iyong anino na tumatakbo,
Parang may tinatakasan na kung sino.
Akala ko ako'y namamalikmata lamang ng ika'y akin makita.
Narinig ko kay Pedro, s'yang tunay na ika'y akin nakita.Nilibot ko ang buong paaralan pero iyong presensya'y hindi ko mahagilap.
Daig mo pa ang magnanakaw, kung makapagtago ay sobrang ilap.
Nadaan ko iyong kaibigan, Pilar ang pangalan.
S'yang sabi'y ika'y humahagos na tumatakbo palayo sa akin.Anong aking nagawa, gayong iyong pagkakataranta?
Ako ba'y may kasalanan ng hindi ko namamalayan.
Mag-usap tayong dalawa ng masinsinan,
Pakiusap aking iniirog, Maria.Nakikiusap,
Felipe Fernandez
BINABASA MO ANG
El Hombre Que No Se Puede Mover - (SHARDON)
Historical FictionThe Man Who Can't Be Moved in his PAST. 🔜 DATE STARTED: APRIL 26, 2020 DATE FINISHED: