PAG-AHON

88 3 0
                                    

May mga araw na puso ko ay hinahanap-hanap ka,

Sobrang saya sa pakiramdam na ikaw ay makasama,

Sa tinagal-tagal na panahong tayo ay magkalayo,

Puso ko ay muling nabubuo,

Nang makita kitang nakatayo malapit sa bahay ko,

Sobrang saya, nakakatuwa,

Mga ngiti sa king labi ay hindi matanggal,

Nang magsimula ka ng maglakad sa akin ng mabagal,

"Na miss kita."

Tatlong letra ngunit nagbigay sa akin ng milyon-milyong saya.

Nakakamiss na makita ko muli ang iyong magagandang mata,

Pagmamahal lamang ang siyang dito ay nakikita,

Natapos na tayo sa mga pagtetext natin ng...

"Kamusta?"

"Kumain ka na ba?"

"Maganda umaga."

"Masaya ka ba?"

"Miss na kita."

"Mahal kita."

Dahil sa araw ngayon,

Pagsasamahan natin ay muling umahon,

Umahon sa lupa na matagal na nakabaon.

Muli nating inungkat ng magkasama,

Ang pagmamahalan natin na ngayon ay nabubuo na.

Sobrang tagal ng aking paghihintay,

Na makasama ka muli aking mahal,

Ilang taon ang iyong itinagal,

Pero wag kang mag-alala,

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na ikaw ay aking susukuan,

Mahal na mahal kita, yan ang lagi mong tatandaan,

Itatak mo yan sa iyong puso't-isipan.

Huwag mong kakalimutan hanggang sa ating kamatayan.

Ikaw lang ang aking mamahalin hanggang sa huli kong hininga,

Kahit na nalaman kong bumalik ka lang pala para magpaalam,

Magpaalam sa huling sandali,

Hindi mo sinabi sa akin na may dinaramdam ka na palang sakit,

Sobrang sakit,

Ang sakit-sakit na naglihim ka sa akin.

Napapatanong na lang ako kung minahal mo ba talaga ako at nagawa mong maglihim sa akin?

Bakit mo mas piniling umalis?

Bakit mas pinili mong lumayo?

Kaya naman kitang tulungang umahon.

Pero teka-teka?

Ano itong aking sinasabi?

Wala na akong matandaan sa aking mga binanggit...

Nang malaman kong lahat ng yon ay parte lang naman ng aking panaginip.

Walang siya...walang tayo.

Parte lang pala sila ng aking imahinasyon.

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon