Dummy World
***
75% Based from real events.
25% Pure fiction.
***
"Deza, ilan na followers mo?"
"3357 pa lang. Ikaw?"
"4500 plus na sa akin."
"Naks, naabutan mo na 'ko ha! 5000 sakto yung akin."
Napalingon ako sa kanila at napabuntong hininga. Ganyan naman sila palagi, puro paramihan ng followers ang bukambibig. Samantalang ako, hanggang Wattpad at Facebook lang, hindi na ako nag-ta-try ng ibang website. Sa Wattpad ako gagawa ng kwento at,sa Facebook naman magpopromote.
Habang maaga pa, lumayo na ako sa kanila. Paniguradong maya-maya lang mapupunta na sa akin ang kanilang atensyon. Ako na walang account doon.
Natapos ang buong araw ng matiwasay. Nakauwi ako sa bahay na humihinga pa naman. Kidding aside, umakyat ako sa second floor dahil nandoon ang kwarto namin ng ate ko. Magkasama kami sa iisang kwarto pero magkahiwalay ng kama.
Pagkarating doon, bumungad sa akin ang aking kapatid na tila kinikiliti sa kanyang inuupuan. O mas magandang sabihin na kinikilig na naman siya.
"Hay, nako Dee! Nararamdaman kong malapit na akong i-follow ni Calum Hood. My ghad! I can feel it!."
Hindi ko siya pinansin, dumiretso ako sa banyo upang magpalit ng damit. Paglabas, ayun busy pa rin siya sa cellphone niya. At dahil bukas ang wifi, nag-online na rin ako gamit ang sarili kong cellphone. Tutal nakapag-type na ako ng chapter kagabi, iaa-update ko na lang yung story ko bago magpunta sa Facebook.
Minutes passed, wala na akong magawa. Halos lahat na yata, nagawa ko na. Nanood ng kung ano-ano sa Youtube, nagsearch sa Google at naghanap ng gwapo sa Facebook. Nakakabagot na - "Yes!11900 na yung followers ko."
Napatingin ako sa kanya. What if, gumawa rin kaya ako ng account doon? Pero parehas lang naman yan. Sabi naman nila, nakakapag-post ka raw ng feelings mo, bakit sa Facebook din naman a? Malalaman mo raw ang latest updates ng mga idol mong artista at sila mismo ang may hawak ng account nila. Okay, bihira ang totoong artista sa facebook dahil karamihan ay poser. Isa pa, marami ring wattpad writers doon. Pwede silang i-tweet at nagre-reply sila.
Okay. Gagawa na ba ako?
"Ate Kim, pasahan mo nga ako ng Twitter na app."
"Magdownload ka na lang!"
Aapila pa sana ako pero nagsuot na siyang earphone. "Sabi ko nga!"
***
Masaya akong nagpunta sa school. May Twitter na ako, ibig sabihin, makakasali na ako sa kwentuhan nila.
As expected, mayroon na naman silang kanya-kanyang baon na istorya. Kesyo, nagtweet yung sikat na singer kagabi. Kesyo maraming nag-retweet at favorite ng ganito, ganyan.
Kung dati, lumalayo kaagad ako sa kanila kapag nagkwekwentuhan sila, ngayon hindi na. Agad akong napansin ni Kirsh at nagtanong, "Dee, may twitter ka ba?"
"Oo, gumawa ako kagabi." Tuwang-tuwa na lumapit si Deza at naupo sa tabi ko.
"Talaga? Ilan na followers mo?"
Tumahimik ako sandali at nag-isip."Hmm. I-I gained, t-twenty followers already!" Pagsisinungaling ko kahit sa totoo lang, wala pa sa sampu. Ayokong sabihin ang totoo dahil nakakahiya, thinking na ang rami ng followers nila tapos sa akin, kakarampot lang.
BINABASA MO ANG
Memoir
General FictionA compilation of short stories and entries from different writing contest throughout the years.