-19-

280 5 0
                                    

"But i'm way crazier, co'z i have just put my own father in jail ...  for a woman like you"

Nabura ang mga ngiti sa aking labi sa mga salitang kanyang binulalas. Di ko maisip kung dapat ba akong maging masaya?, Oo dapat pala akong maging masaya wala na si mr.nakamura.

Maayos na rin ang kalagayan ng aking ina. Nakalaya na rin ako sa bar na aking naging hawla. Napangatawanan na ni mr.nakamura ang tunay na silbi nya. Isang demonyong nagbalat kayong anghel para makatulong sa akin.

Sa aking pagmumuni ay di ko na pansing tumalikod na pala si eros papalayo sa akin. Agad kong binunot ang nakabaong karayom sa aking mga kamay. Gamit ang nangangatog kong tuhod ay tumakbo ako sabay akap sa likod nya.

Niligkis ko ng mahigpit ang kanyang baywang. Pikit mata ko syang niyakap patalikod. Ang init ng kanyang katawan at ang kanyang amoy na aking nalalanghap ay nagmistulang mga gamot na nagpagaling sa aking mga karamdaman.  Pinatong nya ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking mga kamay. Hinawakan nya ito.

"You don't love me right?"

Parang mga palasong isa isang tumama sa aking dibdib. Walang mintis at sapol lahat sa aking puso. Di ako makapagsalita, di ako makagalaw. Mga palasong nagpamanhid sa aking puso ngunit nagpalinaw sa aking isip.

Oo nga pala isa akong puta. Hinila ko ang mga kamay kong nakapulupot sa kanya. Wala syang ginawa, di nya ako pinigilan at ganon din ako sa kanya. Bumalik ako sa aking kama nahiga at ninamnam ang kalayaang aking tinatamasa.

Muli akong nagising ng wala ng araw at nagkalat na ang dilim di lang sa labas pati na rin sa aking kwarto. Mabilis kong binuhay ang mga ilaw. Di pa lubusang bumabalik ang aking lakas. Kinailangan ko pang humawak sa pader para lang makarating sa banyo.

Gaya ng nakagawian ay dumeritso na ako sa shower room ng di manlang tinitingan ang sarili sa salamin. May mga natitira paring mga bakas ng pasa sa aking tyan lalo na sa aking dibdib. Dahan dahan ko itong sinabon pero di ko maiwasang di mapikit  kapag medyo nadiinan.

Natapos na ang lahat, nabalot na ng tuwalya ang aking ulo at katawan. Sa pagharap ko sa salimin ay maputlang mukha ang aking nakita. Isang napakapekeng ngiti ang aking binigay sa aking sarili.

Mabagal akong gumagalaw sa paglalakad lalo na sa pagbaba ko sa hagdan. Humawak ako sa   hawakan para maalalayan ko ang aking sarili sa pag hakbang. Walang tao ang sala kaya dumeritso na ako sa kusina.

"Food will be ready soon" nasa bungad palang ako ng kusina ay nagsalita na sya. Dumeritso ako sa paglalakad at naupo sa bar table. Mabilis ang galawan nyang pang profissional.

Isinara nya ang kaldero at nagumpisa ng kumuha ng mga kubiertos at plato. "No stay there i can handle this" utos nito sa akin ng akma kong kukunin ang iba nya pang-ilalagay sa mesa.

"Okey"

Arroz caldo, amoy na amoy mo ang manok na nilagyan ng luy-a, paminta at dahon ng sibuyas. "No solid food for days, your body needs to cope up with some changes. Try to enjoy this porridge"

"Porridge?"

"Lugaw"

"Ahhh porridge, lugaw" tumango tango ako sa panibagong kalaman na aking natutunan. "Bakit?, Ilang araw ba akong... Na alam mo na" Halatang ilang sya kung sasagot ba sya. "Wag kang mag alala kaya ko"

"You were played for almost two days after that you were... Brought to the hospital for having intense fever. You were being delusional started screaming. You went on a total rampage and needed to be put on tranquilizer for two to three days"

"So... Ilan?" Nalilito kong tanong dito. "A week, about a week" nginitian ko sya, at nilasap ang masarap na lugaw na hinain nya sa akin. Mas na una akong matapos na kumain sa kanya.

"Alam mo?" Tanong ko na nagpatigil sa pagsubo nya. "Go back to your room you need to rest" salita nito ng di manlang tumitingin sa akin at tuloy lang sya sa pagkain. Inabot ko ang kanyang kaliwang kamay "di ako galit, thank you"

Tumayo ako at hinalikan ko sya sa pisngi bago tuluyan syang iwanan. bumalik na ako sa kwarto. Di ko mapigilang di makaramdam ng takot. Mga biglaang pagtaas ng balahibo, pakiramdam ng may mga matang nakamasid sayo.

Tumatakbo ako ng mabilis, sa mga naapakan kong tuyong mga sanga at dahon ng kahoy na gumagawa ng ingay. Tumatakbo ako patungo sa kaloob-looban ng kagubatan habang hinahabol.

Hinahabol ako ng isang nilalang. Lumilingon ako patalikod pero di ko sya maaninag, tuloy lang ako sapagtakbo. Humahangos na ako na parang mauubusan na ng hangin.

Biglang may mga kamay na galing sa ilalim ng lupa na humablot sa aking mga paa. Tuluyan na akong napadapa at mapasalampak sa lupa. Nakaabot na sa akin ang dewende, dewendeng humahagik-hik. Dewendeng kamukha ni mr.nakamura. sumigaw ako ng napakalakas.

Pero bigla akong natigilan ng bigla nya akong sakalin gamit ang kanyang maliliit na kamay. Ina-alogalog nya ang aking lalamunan "papatayin kita magda, papatayin kita" tuloy lang sya sa pagalog sa aking leeg pati na rin ang aking katawan.

Umaalog ang aking katawan "wag, wag, wag mo kong patayin" pagmamaka-awa ka dito "magda wake up your dreaming" "wag please, wa" tuloy parin ang pag alog sa akin "magda wake up!" Biglang bumukas ang aking mga mata sa malakas na sigaw ni eros.

Humahangos akong yumakap kay eros sabay hagol-gol sa kanyang akap. Nanatili kami sa ganong posisiyon di parin ako tumatahan at tuloy parin sa pag-iyak. "I'll get you some water" "wag" pagpigil ko dito.

"But you need to drink"

"Sasama ako" pagpupumilit ko dito. Magaalas tres na ng madaling araw ng tumingin ako sa malaking orasan. Dere-deretso kami sa kusina. Inabot nya sa akin ang isang basong tubig at ininom ito ng isahan lang.

"Feel better now?" Tanong nito sa akin na tinangoan ko lang. Inalalayan nya ako pabalik sa taas at pinahiga na ulit sa kama. Matapos nyang ipatong sakin ang makapal na kumot ay pumunta na ito sa harap ng pintuan.

"Dito ka lang please, wag mo kong iwan"

Ilang segundo syang napatayo sa pinto "please" humarap sya sa akin. Naglakad ito papalapit sa kama. "Okey, now go to sleep" nakatayo lang sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin.

"Di ba pwedeng tumabi ka nalang dito, ang lapad pa naman nitong kama"

Umiling lang ito sensyales ng kanyang pagtangi "ilang beses ka ng tumabi sa akin dito ngayon ka pa ba tatanggi?" Pagsusumamo ko dito. "What do you want, im already here!" Biglang pagtaas nito ng boses sa akin.


"what do i want. I want you to lay next to me and talk me in tagalog peste!" Nakipagpalitan ako ng pakikipataasan ng boses sa kanya. "I get it now this is just one of your tricks again right?"

"You, acting all helpless and scared, for me to come to you and, and, and rescue you and fall for you. No, not a chance" mautal utal nitong sabi.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Bigla syang nanggigil na sinabunutan ang kanyang sarili. Huminga sya ng malalim. "Move a side, give me some space" inangat nya ang kumot at tumabi sa akin.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari, sa mga salita nya, sa mga galaw nya. Isa syang librong di mo malaman kung ano ang paksa "shhhh don't think" bigla nya akong hinila sa mga yakap nya.

Sa mainit na yakap nya, na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Kaligatasan, kaligayahan, kapayapaan. "Good night eros"

"Good night"

Anikdota ni Magda (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon