Chapter 14

10 4 0
                                    

Isha Karmela Montes

Oras na ng dismissal namin pero parang nawawalan ako ng ganang lumabas ng room namin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin, ang puntahan si kc o si jasmin o ang pag usapin silang dalawa, ang iwasan si ralph kung sakaling makasalubong ko siya sa labas ng pasilyo o ang umuwi

Nagpasya na akong lumabas at sa hindi ko inaasahan ay nandoon na si jasmin nakahalukipkip sa dingding. Tulala ito at mukhang malalim ang iniisip

Kung may hindi man sila pagkakaintindihan ni kc ay alam ko na huhupa din iyon. Kung naiintindihan ko si kc, ganon din ako kay jasmin ayoko rin na lagi na lang siya ang nasasaktan. Dahil alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan

Nilapitan ko si jasmin at ng naramdaman niya ang presensya ko ay tumayo ito ng diretso. Ngumiti siya sa akin at kumaway

"Hi ralph"

Una ay kumunot ang noo

Teka inaasar niya ba ko? Alam niya bang may gusto sa akin si ralph

Pero nagulat ako ng lumampas sa akin si jasmin, di ko namalayan nasa likod ko pala si ralph. Okay ako na assuming

Tinignan ko lang sila, may pinaguusapan sila pero hindi ko ito masyadong rinig kaya lumapit ako ng kaunti

"Dala mo ba altis mo? Pasabay naman ako oh wala kasi yung driver namin" ani ni jasmin

Nilingon ko si ralph
"Sure why not, wala rin naman akong ihahatid, and si kuya mag overtime daw ngayon" ngiting sagot niya

So ano ako? Hindi ba't lagi niya akong hinahatid sa bahay namin? Nakalimutan niya na ba ako agad?

Ngumiwi na lamang ako sa sarili
Nagngitian pa silang dalawa na tila tuwang tuwang sa mga pinagsasabi nila sa isa't isa

So hindi niya talaga ako napapansin dito? Ang bilis naman niyang makalimot, kung manliligaw siya aba'y dapat ako ang inuuna na, pero bakit parang mas inuuna niya ang iba

Wait, why am i sound bitter and jealous?

Tss dahil lang yun sa dissappointment ko sa kaniya yun lang yon!

"Tss" sa sobrang inis ko ay nasabi ko iyon ng malakas dahilan para lumingon sa akin ang dalawa

Matabang na tumingin sa akin si jasmin at gulat naman si ralph
Hindi ko na sila inantay na magsalita at naglakad na ako palabas ng building

Nakakainis silang dalawa na lang ang magsama, tutal mukhang enjoy nila ang isa't isa

Teka bakit ba ako ganito? I'm not jealous!

Wala akong pakialam sa kanila, kahit na tawagin pa ako ng bwiset na lalaking yon hindi ako lilingon

"Ishka!"

Agad akong napahinto ng marinig ko ang tinig ni ralph

"Wait hindi ka ba sasabay sa akin?"

Tinignan ko lamang siya ng matabang
"Hindi na kaya ko na ang sarili ko"
Tinatanong ba pa iyon? Akala ko ba you wanted to court me e bakit parang hindi ka naman gumagawa ng paraan!

"You sure?"

Napairap ako
"Sasabihin ko ba yon kung hindi ako sure!"
Fuck shit naman talaga oh bakit ba ako ganito! Bakit ka ganyan ralph!

"Okay" tipid niyang tugon
"Mauna na ako, may lakad pa kasi ako"

Lumakad na siya at sumunod sa  kaniya si jasmin

Tss may lakad, baka may date

Nilagpasan lang ako muli ni jasmin kaya hindi na ako nakapigil at tinawag ko siya

My FateWhere stories live. Discover now