<very short update>
-----------------------------
Chapter 7
Take it or Leave it
"Weh? Di nga? Nagdedate na kayo?" Ilang beses kong narinig yan sa loob lang ng isang araw. Mula sa dorm hanggang sa mga interviews namin.
Hindi ko na nga lang pinatulan dahil napakagwapo ko para sagutin ang mga tanong na 'yon. Tatawanan ko lang sila kasi hindi naman totoo at kapag inisip ko ngang totoo 'yun, syempre kikiligin ako.
Hindi naman kami at hindi pa kami nagdedate. Sya na nga 'tong nag-iinvite sa aking magdinner pero tinatanggihan ko. Kasi nga pogi ako. Dapat pa-hard to get! Ha-ha.
Wag kayong maniwala sa akin kasi hindi totoo ang mga sinabi ko. Actually, ako nga itong hindi nag-iinvite ng date kaya hindi pa kami at hindi pa rin kami nagdedate. Ano daw? Kasi, masyado pang komplikado lahat.
Alam nyo naman, ang usap-usapan e malandi raw si Qwerty dahil pinagsasabay nya kami ni Anthony 'kuno' at nabuntis daw sya ni Anthony tapos ako raw ung aako maging ama tas maghihiwalay rin daw kami kasi narealize ni Qwerty na mas okay ang maging single mom kesa makipag-away sa libo-libong fans ko na nagkakandahumaling sa akin. Lord, patawarin nyo ako. Ang gwapo kong sinungaling.
Kulang na lang siguro ay ipatapon ako sa Han River para pagbayaran ang mga kasinungalingang kalokohang pinagsasabi ko ngayon. Kanina pa ako nakatulala sa kawalan habang nakatayo sa harapan ko si Gunther at kanina pa salita ng salita pero hindi ko sya pinapansin. Kasi nga malapit na akong maging author ng wattpad.
"Nakikinig ka ba?" Tanong nya sa akin.
"Hindi."
"Nak ng! 30 minutes na akong nagsasalita dito." Reklamo nya with matching pasway-sway pa ng kamay.
"10 minutes pa lang, wag kang OA." sagot ko sabay tingin sa relo ko. Aware naman ako sa oras at alam kong imposibleng dakdakan nya ako for 30 minutes. Malabong mangyari yun.
Inirapan lang nya ako at sinabi nyang wala raw akong kwentang kaibigan. Joke lang naman nya 'yon kaya okay lang. Abno yun minsan eh. Hindi pala, madalas.
Sa katunayan, ako talaga ang pinakamatino sa grupo. Yang si Clayne, mukha lang matino yan, pero mas kiti-kiti pa kay Zero yan.
Si Zero naman, ayun di tumitigil ang pagtangkad. Di man lang ako binigyan. Minsan nga lumapit ako kay Lord. Ang sabi ko, Lord, napakafair nyo talaga. Si Zero sobra sobra sa tangkad. At ako sobra sobra sa kagwapuhan. Bigyan nyo naman po kami ng pagkakataong ishare ang aming mga blessings sa iba.
Si Tyrell, nako, kung alam nyo lang kung ilang pakete ang tinitira nun araw-araw. Haha! Biro lang.
Si Etzel, miss ko na sya. Aww! Ilang araw na kaming hindi nagkikita kasi busy sya sa paghohost sa kanyang noon time show. Miss ko na ang chijiburger nya.
"I'm giving you a~~a~~aaalll of me." Papalabas ng dorm si Zero habang tumutula ng All of Me ni John Mayer.
"Magagalit si John Mayer sa ginagawa mong yan." Sabi ko sa kanya.
"Talagang magagalit yon kasi dinamay mo sya. John Legend, hindi John Mayer!!" He rolled his eyes.
"John Legendary legendary ka dyan?! John Mayer at John Legend parehas namang John! Iisa lang yun!" Sigaw ko sa kanya. Bakit ba kasi ang bilis maglakad nun? Ay di pala. Naka skateboard sya.
"Jogging?" Sunod na lumabas naman ng pintuan si Tyrell. "Sabay na tayo." Aya nya.
"Ayoko. Baka pasinghutin mo rin ako eh." Sagot ko. Inirapan lang nya ako at sinuot ang bluetoothed earphones nya at nagsimula ng magstretching.
BINABASA MO ANG
Best Absolute Pogi (BAP Book 2) [DISCONT.]
Umor"Ako si Moon Stone, ang pinakapogi sa balat ng tinalupan, pero si Qwerty melabs hindi pa rin tinatalaban ng poging powers ko. Paano na?" Ang prologue po nito'y nasa last part ng Book 1 Cover credits: @cutiegogo ^__^