Habang naglalakad ako sa kahabaan ng eskinita pauwi sa tinitirahan kong condominium nakita ko ang isang babaeng nakahandusay sa tabi. Naka-mask siya at nakacap na itim. Kaya hindi ko masyado makita ang mukha niya lalo na't kakaunting liwanag lang naman ang makikita mo, nandito pa naman ako sa may parteng madilim at kakaunti ang liwanag dahil malayo pa ang kasunod na poste ng ilaw.
Sugatan
At
Animong hinang hina."Anong nangyari sa'yo? Bakit sugatan ka?" Nag-aalalang tanong ko dito.
Nagmulat siya ng isang mata bago ngumisi saakin.
"Pre, wala 'to nadapa lang." Marahang sagot nito bago pilit na bumangon at hinawakan ang batok niya.
Nadapa? Meron bang nadapa na ganito ang inaabot para siyang nabalda? Nabugbog!? Ga'non ba ang nadapa?
"Nadapa ka lang talaga? Grabe ang tinamo mo ah?"
Pero tumawa lang siya nang pilit. Bago sinubukang tumayo pero Hindi niya na kaya dahil sa sobrang panghihina.
Inilahad ko ang kanang kamay ko para maitayo siya.
Pero tinapik lang niya ito.
"It's okay. Kaya kong tumayo."
Bago siya tumayo na parang hirap na hirap.
Tutulungan na ayaw pa? Hayst.
Luminga-linga siya sa paligid.
"Umalis ka na, Baka madamay ka pa saakin."
"Huh??! Bakit may humahabol ba sa'yo?"
Umiling lang siya bago iika-ikang lumakad para makasandal siya sa pader.
"Wala. Iyong aso kasi saamin nagalit saakin at Hindi ko pinakain ng isang linggo. Kaya ayon hinabol ako. Nadapa tuloy ako at ito ang inabot ko. Kaya alis na at baka madamay ka pa."
Napapailing na lang ako na naglakad palayo sakaniya.
Kababaeng tao napakayabang. Tsk! She's weird. Damn weird.
(A/N: Kapag ire-read idamay na rin ang Vote! 😂)
(This book is a work of fiction. Any Names, characters, some places and incidents are all author's imagination.)
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE.
BINABASA MO ANG
You're not my Dream Girl
Teen FictionWhen the nedry guy meets the dying but a bad woman.