Paalala:Lahat ang nasabing lugar, pangalan, o pangyayari ay kathang-isip lamang ng author. Ito po ay isang fiction lamang kaya wag masyadong seryosohin. Sorry po sa typo and grammar, tinamad na mag-edit si author.
Maraming salamat!
This work based on imagination
-author
Cindy Lopez Point of View
Middle school
May taong sobrang crush ko, si William. Magbestfriend yung parents namin at magkapitbahay rin, nasa taas kami habang sila ay nasa baba.
Mga nagustuhan ko sa kanya ay gwapo, matalino, at mabait. Noon pa man ay sobrang sungit na niya at ayaw niya rin sa maingay. Hindi ko pa nga nakikitang ngumiti yun e. Kapag bumibisita ako sa kanila ay lagi siyang nasa kwarto.
Pero kahit ganon ay crush na crush ko pa rin siya. Kahit na ayaw niya akong kasama ay lagi pa rin ako lumalapit sa kanya. Para na nga akong aso nun na laging sumusunod sa kanya hanggang sa masanay na lang siya.
High school
Hanggang ngayon ay crush ko pa rin siya pero marami na akong naging karibal. Siya ang top 1 sa buong year namin at lagi rin siyang kasama sa mga events.
Hindi ko na siya nasusundan sa school dahil marami na ring sumusunod sa kanya. Nakakasama ko lang kapag pumupunta ako sa kanila at pag-uwi. Ganun pa rin naman, ayaw niya pa rin akong kasama.
Ewan ko ba kung bakit baliw na baliw ako sa kanya. Wala naman siyang ginawa sakin kundi sungitan at iwasan ako.
College
Gusto ng parents namin na sa iisang school pa rin kaming dalawa ni William. Dahil dun ay natupad nga yung plano nila. Engineer siya habang ako ay nasa arts. Sobrang layo ng building naming dalawa.
Pero onti-unti na rin akong napagod kakasunod sa kanya. Tuwing sabay yung pasok namin ay lumalayo ako ng kaonti para hindi kami magsabay. Kapag uwian naman ay pumupunta muna ako ng library para di siya makita.
Naging 50% yung nararamdaman ko sa kanya. Baka siguro kahihiyan na rin sa buhay ko yung maging aso niya.
***
(Present day)
Ayy sh*t late na naman ako! Hays bakit kasi ngayon pa nasira yung alarm clock ko.
"Kumain ka muna" sabi ni Mama habang inihahanda yung pagkain.
"Sa daan ko na lang kakainin, alis na po ako" kumuha ako ng dalawang slice bread at umalis agad sa bahay.
Tumakbo na ako habang yung tinapay ay nasa bibig ko dahil magtatali pa ko ng buhok.
"Cindy!" Di ko pa tapos yung pagtatali ko ay tinawag ako ni tita, mama ni William.
Nagulat ako nung katabi niya pala si William. Agad kong kinuha yung tinapay na nasa bibig ko.
"Good morning po!" sabi ko.
"Sabay na kayo ni William" -_- sinabi ko na kay Tita na wala na akong gusto sa anak niya.
Tinignan ko naman si William at masungit pa rin naman yung itsura niya. Dire-diretso na siyang naglakad kaya nagpaalam na rin ako kay Tita.
"Sige po" sabi ko kay Tita.
Nasa likuran niya ako at sobrang bagal niyang maglakad. Late na late na ako kung ganyang magsasabay kami.
BINABASA MO ANG
Shooting Stars | Short Story [Completed]
Teen FictionThe most beautiful ending for us.