Chapter 20

54 4 0
                                    

Sam's P.O.V

Nagising ako dahil may naramdaman akong nag tatanggal ng buhok ko sa mukha at idagdag pa ang boses na naririnig ko.

Pagkamulat ko nakita kong si Rhed pala yun.

"Bakit ka kasi hindi kumain? Yaan tuloy nahimatay kapa, pinahirapan mo pa akong mag buhat sayo, at ang bigat mo pa" wala sa sariling kausap niya sa akin saka niya inalis ang tumatabing na buhok sa mukha ko.

"Sinabi ko bang buhatin mo ako?" Sabi ko, at natawa ako dahil hindi niya nahalata na ako yung kumakausap sakanya.

"Syempre bubuhatin kita dahil mahal kita at ayaw kong makitang nasasaktan ka" nagulat ako sa sinabi niya

"Mahal mo talaga ako? " seryoso kong sabi.

"Mahal na mahal" napahinto siya sa pag tanggal ng buhok sa mukha ko ng makita niyang nakamulat at nakatingin ako sakanya.

Nakita ko ang paglunok niya ng makitang ako pala ang kausap niya.

"K-kanina.. ka-kapa gi-gising? " utal niyang sabi.

"Mmm.." tango ko.

"Na..narinig mo yu-yung s-sinabi ko? " tumango ulit ako.

"Aishhh..ang tanga mo talaga Rhed.." napahilamos siya samukha habang binulong yun.

"Rhed"agawa atensyon kong sabi"About kanina at noong time na umamin ka a-ano.." nahihiyang sabi ko.

"Sam its ok, ypu don't have to forced your self"

"Actually, ngayon ko lang na realize na I have feelings for you" saka ako umiwas ng tingin dahil nahiya ako sa mga sinabi ko.

"I love you more than the number of the star, my one and only superstar" saka niya ako hinalikan sa noo, napapikit naman ako,at nakapag pagaan sa loob ko ang mga katagang sinabi niya. "Allow me to court you"

Tumango ako biglang sinyales na pumapayag akong mag paligaw sakanya.

"Nausog kana ata at ayaw mo ng magsalita"pabiro niyang sabi"Kinikilg ka parin ba mahal ko? " panunukso niya.

"Papansin ka" saka ako umiwas ng tingin dahil ayaw kong makita niya akong mamula.

"Let's eat, bumili ako ng pang lunch natin and this is special" habang inaalis niya ang tinake out niyang pagkain.

"You don't have to do that,ayos lang naman ako sa mga karinderya"

"Ang pangit namang makitang pinapakain ko sa mahal ko eh hindi masarap at hindi sigurado ang pinag lutuan"Dahan dahan niya akong pinaupo at sinandag sa headboard ng kama."Oh..kain na"nagtaka naman ako sa ginawa niya"Why? Ayaw mo ba ng pagkain na to? "

"Hindi yun kundi yaan" nginuso ko yung hawak niyang kutsara na may lamang pagkain"Susubuan mo ba ako? "

"Mmmm..kaya ahhh.." parang nanay niyang sabi.

"Ako na, ok naman na ako at hindi ako baldado para mag pasubo pa sayo" agaw ko sa kutasara saka sinubo ang pagkain. "Kumain ka narin para may energy ka mamaya"

Tapos na kaming kumain at hindi pa ako pinayagan ng nurse na tumayo,pinagpahinga niya muna ako ng isa pang oras,hindi naman ako iniwan ni Rhed at binantayan niya ako hanggang sa pinayagan na akong lumabas.

"Di kaba pupunta sa training niyo? "

"Pahinga daw muna,baka matuluyan kasi si Kim kapag nag tuloy kami sa pag train"

"Edi ikaw nalang mag training,saka balita ko makalalaban mo si Justine magaling pamandin yun" napahinto siya sa paglalakad kaya huminto din ako.

"Talagang tutok ka sakanya noon ahh..samantalang ako hindi mo man lang ma cheer" parang bata niyang sabi at nag pout pa ang  loko.

"Past is past,ikaw naman ang tututukan ko ngayon dahil ikaw ang present at ang one and only ko" pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako.

"Hoy antay naman diyan!" habol niya sa akin.

Lizel's P. O. V

Papunta ako sa clinic dahil nandoon si Rhed pero wala akong nadatnan na tao doon maliban sa nurse.

"Excuse me nasaan yung patient kanina? "

"Ahh..umalis na kasama yung pogi after nilang mag lunch dito"

"Pinag nanasahan mo ba ang boyfriend ko? " asar kong sabi.

"Sinong boyfriend mo? Yung nag dala ba ng nahimatay na patient na babae kanina na nahimat dahil natamaan ng bola? " takang sabi niya.

"Oo siya nga!" sigaw ko.

"Pero kung ikaw ang girlfriend bakit ang sweet niya sa patient kanina? Hinalikan niya pa nga sa noo ehh..tapos sinubuan niya"

"WHAT?! "napasigaw na ako at naihampas ko ang kamay ko sa table.

Mangaagaw ka talaga Doreen Samantha Jannis..tandaan mong akin lang si Allen at mapapahamak ka talaga.

Hinanap ko sila hanggang mapadpad ako sa may garden pagkalingon ko sa may kaliwa ko ay nahagip naman sila ng mga mata ko.

Lunapit ako sa kanila at halata mong masaya sila sa pinaguusapn nila.

"Why did you suddenly stop? " nakangiti kong sabi ng makalapit ako.

"Wala kana don" bulong ni Allen.

"Rhed?!" suway ni Doreen.

"Mukhang may dalaw ka ngayon Allen ah? "pang aasar ko.

"Pshhh" singhal niya.

"Dont mind him Liz, have a seat"yaya nito. Umupo naman ako sa tabi ni Rhed na mas ikinayamot nito.

"Anong pinagtatawanan niyo kanina? " sabi ko.

"Somethings"

Bigla namang nag ring ang phone ko at napunta ang attention nila sa akin.

"Excuse me for a while, I need to answer this" sabi ko saka tumayo at lumayo ng konti sa kanila.

"What took you so long to answer the phone?" inis na sabi ni Zette sa kabilang line.

"Mmm..Im with a friend eh" malumanay kong sabi.

"Who? "

"Guess it" nakangiting sabi ko at tumingin pa ako kina Allen at Doreen.

"Shit..dont tell me.."

"Hahaha" natatawa kong sabi.

"With your friend or with your Rhed? " nanunukso niyang sabi.

"Shhh..I'll hang up na"

"Wait,pupunta ako diyan" pahabol nito.

"What? Sabi mo last time na magpapakita ka sakanila sa sports fest" taka kong sabi.

"I have a plan dont worry, where are you?"

I told her the place then I hang up at pumunta na kina Allen.

Few moments later natanaw kona si Zette na kumakaway at sinigaw ang panglan ko.

"Hi" bati niya ng makalapit ito sa amin.

Napatayo naman ang dalawa dahil sa gulat na makita ito. Napangisi ako ng palihim dahil sa naging reaction nila.

"Ahmm..guys,meet my friend from London,Juzette"sabi ko. At napalingon naman silang dalawa sa akin na nakanganga.

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon