“Kain lang ng kain Summer ha, huwag kang mahihiya” ang masayang sabi ng mama ni Alex sa kanya habang kumakain sila. Talaga ngang naghanda ang mama nito para sa hapunan nila. Tatlong ulam kasi ang niluto nito. May manok na niluto sa oven, may baked macaroni at salad na gulay.
Kitang-kita ni Summer ang kabahan ng buhay nila Alex sa buhay nila at nakaramdam siya ng hiya ng mga sandaling iyun.
“Heto” ang sabi ni Alex na nakaupo sa kanyang tabi at ipinaglagay siya nito ng baked macaroni sa kanyang plato, “specialty ni mama yan” ang nakangiting sabi ni Alex.
“Salamat” ang mahinang sagot ni Summer, at pinagmasdan na lang si Alex habang ipinaglagay siya ng manok at salad na gulay sa kanyang plato.
“Naku Alex tama na yan, baka hindi ko maubos” ang sabi ni Summer.
“Dalhan mo pala si Nanay Ising ha, para sa magiging balae ko” ang sabi ng mama ni Alex.
Namula ang mga pisngi ni Summer at napatingin siya Kay Alex na hanggang tenga ang mga ngiti, “ma, nahiya na tuloy lalo si Summer sa sinabi ninyo” ang nakangiting sagot ni Alex sabay subo ng macaroni.
“Ganun ba, pasensiya ka na sa akin Summer ha, gustong – gusto ko kasi noon na magkaroon ng anak na babae, kaso isang lalaki ang ibinigay sa akin” ang sabi ng mama ni Alex.
“Isang gwapong anak na lalaki mama” ang nakangiting sabat ni Alex, “tikman mo to Summer masarap” ang biglang sabi nito sa kanya at inilapit nito ang kutsara na may baked mac.
Nahihiyang ibinuka ni Summer ang kanyang bibig at isinubo ni Alex ang macaroni.
“Style mo anak ha, manang-mana ka sa tatay mo” ang biro ng mama ni Alex.
Lalong namula ang mga pisngi ni Summer, at para di na maulit ang nangyari ay nagsimula na niyang kainin ang pagkain na nasa kanyang plato.
“Masarap nga po kayong magluto Mrs. Carpio” ang pormal na papuri ni Summer, at isang malakas na tawa ang pinakawalan ng mama ni Alex.
“Mama na lang itawag mo sa akin” ang sagot nito sa kanya.
“P-po?” ang gulat na tanong ni Summer at nanlaki pa ang kanyang mga mata. Mabuti na lang at walang laman ang kanyang bibig kundi baka naibuga niya ito o baka nabulunan na siya.
Isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ni Alex, “si mama talaga oh, pero tama siya Summer, mama na lang itawag mo kay mama” ang sagot ni Alex.
Ano ba itong nangyayari ngayong gabi? Ang takang tanong ni Summer sa sarili. Bakit biglaan siyang inimbita ng mama ni Alex para mag hapunan tapos, gusto pa nito na mama ang itawag ko sa kanya? Ang naguguluhan na sabi ni Summer.
“Alam mo bang naging kaibigan ko ang mama mo Summer? Halos magkasing edad lang kami na dalawa” ang kwento ng mama ni Alex.
“Talaga po?” ang interisadong tanong ni Summer, bata pa kasi siya ng mamatay ang kanyang mama at wala siyang matandaan sa mama niya. Hindi naman masyadong nagkukwento ang kanyang lola patungkol sa kanyang namayapang ina.
“Oo, nauna lang akong nag-asawa sa kanya kasi, mabilis ang tatay nitong si Alex eh, kaya ingat ka sa anak ko ha” ang biro ng mama ni Alex.
Nanlaki ang mga mata ni Summer at uminit ang kanyang mga pisngi, paano mangyayari yun e hindi naman niya boyfriend si Alex? Ang tanong ni Summer sa sarili.
“Mama talaga oh, anak mo ba talaga ako? Bakit inihuhulog mo ako?” ang natatawang sagot ni Alex.
“Ayun nga, lagi kaming magkasama noong nag-aaral pa rin kami kaya kilala ko si nanay Ising, pero nakahiwalay na rin kami ng mag-asawa ako agad, siya naman ay di na rin nakapag-aral ng kolehiyo at naging tindera siya sa pasalubong center sa bayan ng San Vicente, at doon nga niya nakilala ang papa mo.
“Na-nakita nyo po ang papa ko?” ang interisadong tanong ni Summer, na halos di na makakain dahil ang atensyon niya ay nasa ikinukwento ng mama ni Alex.
“Ma, di na makakain si Summer” ang natatawang sabat ni Alex, “gusto mo subuan kita?” ang malambing na tanong ni Akex sa kanya.
“Hindi na, kakain ako habang nakikinig” ang sagot ni Summer, ano ba naman itong si Alex, masyadong pafall! Kinikilig na siyang masyado sa pag-aasikaso nito. Umaasta na nga itong boyfriend niya. Hays! Ano ba puso ko, masyado kang pinatataba ng katabi ko, ang sabi ni Summer sa sarili.
Hinintay muna ng mama ni Alex na makakain si Summer bago ito muling nag kwento, “yun na nga ano, doon niya nakilala ang papa mo isang French an bakasyunista. Niligawan siya nito at naging magkatipan sila, then, umuwi na lang ng Villa Elena ang mama mo na malaki na ang tiyan, kasama ang Pranses na tatay mo.
“Nagkita pa nga kami noon sa bayan, at nagbatian at nag-usap kami, ipinakilala niya rin ako sa papa mo, alam mo, kamukha mo ang iyong papa, pati kulay ng balat at mata na parang ginto” ang sabi nito sa kanya habang tinititigan siya.
“Tapos sabi ko pa nga sa kanya, na kapag babae ang anak niya, irereto ko sa anak ko dahil tiyak na maganda, nakuuu, mukhang magkakatotoo ang sinabi kong iyun!” ang masayang sabi ng mama ni Alex.
Muli na namang nakaramdam ng hiya si Summer habang si Alex ay patay malisya at pangiti ngiti lang.
“Ahm, Mrs. – ah, m-mama?” ang sabi ni Summer kahit nahihiya siya dahil nang sasabihin niya sana ay misis kumunot ang noo ng mama ni Alex sa kanya.
“Hmm, ano yun?” ang balik tanong nito sa kanya.
“A-alam nyo po ba ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang mama at papa ko?” ang tanong niya.
Kumunot ang noo ng mama ni Alex, “bakit Summer, hindi mo ba alam ang dahilan?” ang takang tanong ng mama ni Alex.
Umiling lang si Summer, at napabuntong-hininga ang mama ni Alex, “kung hindi sa iyo sinabi ng iyong lola ay wala kami sa lugar para sabihin iyun6sa iyo. Ayokong pangunahan ang lola mo Summer” ang malumanay na sabi nito sa kanya.
Inihatid na ni Alex si Summer sa kanilang bahay pagkatapos niyang saluhan ang mga ito sa isang masayang hapunan. Nawala na rin ang kanyang hiya sa mama ni Alex na sobrang makwento at palatawa. Ngayon alam na niya kung sana nakuha ni Alex ang pagiging jolly nito.
Hindi pa ito pumayag6na hindi siya mag-uwi ng pagkain para sa kanyang lola. Nagpasalamat siya rito bago siya nagpaalam na umuwi at muli na naman siya nitong inimbitahan para sa isang dinner daw, isang araw pagkatapos ng kanyang graduation. Nahihiya man ay pumayag na lang siya.
“Alex salamat ng marami ha? Nakakahiya pinagdala nyo pa ako ng pagkain” ang sabi ni Summer kay Alex na nanatiling nakaupo sa may motorsiklo nito.
“Anong masasabi mo kay mama?” ang nakangiting tanong sa kanya ni Alex.
“Ang bait ng mama mo sobra” ang sagot niya, “pakisabi na salamat ulit” ang bilin niya rito.
“O, tandaan mo yung sinabi ni mama ha?” ang paalala ni Alex.
“Ang alin?” ang takang tanong niya.
“Na mama na ang itawag mo sa kanya” ang seryosong sagot ni Alex sa kanya at tiningnan siya nito sa kanyang mga mata.
Isang matipid na ngiti ang isinagot niya at pagtango, bago pinaandar ni Alex ang makina ng motor nito.
“Summer, bukas ulit ka, sunduin kita” ang sabi ni Alex.
“S-sige, salamat ulit, at ingat sa pagdidrive” ang sagot ni Summer, pero ng paaandarin na ni Alex ang motor nito ay nagulat siya sa ginawa ni Alex.
Dumukwang ito papalapit sa kanya at hinalikan siya nito ng mabilis sa kanyang pisngi bago nito pinaandar ang motorsiklo nito papalayo.
Hinawakan ni Summer ang kanyang pisngi na hinalikan ni Alex at bumilis ang pintig6ng kanyang puso. Ano bang ginagawa mo sa akin Alex? Lalo lang nahuhulog ang puso ko sa mga ikinikilos mo? Ang sabi niya sa sarili. At isang ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi.
Sobrang kagalakan ang nadarama niya ng mga sandaling iyun, hindi siya makapaniwala. May gusto na sa kanya si Alex? Ang masayang tanong niya sa sarili, at nang maalala niya ang halik nito sa kanyang pisngi ay parang may kuryente na dumaloy sa buo niyang katawan. Mabuti na lang at hindi siya hinimatay sa kilig ng mga sandaling iyun.
Naglakad siya papasok sa loob ng bahay na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Nagpapakita na ba ng pagkagusto sa kanya si Alex? Ang masayang tanong niya sa sarili.
Pagsara niya ng pinto pagpasok niya sa loob ay napasandal pa siya sa pinto at muli niyang hinimas ang kanyang pisngi. Napabuntong-hininga siya, para siyang nasa langit ng mga sandaling iyun.
“Lola! Nandito na po ako!” ang masayang sabi ni Summer.
“Apo nandito ako sa kusina, parine ka na lang” ang malakas na sagot ng lola niya.
Nakangiti pa rin na naglakad patungo sa kusina si Summer at naabutan niya ang lola niya na pumasok sa kainan galing sa kusina.
“O ano yang dala mo?” ang tanong ng lola niya nang makita ang bag na kanyang bitbit.
“Lola, pinadala po ng mama ni Alex para daw po sa inyo” ang masayang sagot ni Summer.
“Naku, hindi kaya nakakahiya Summer? Mukhang mamahalin pa ang mga yan” ang sabi ng lola niya nang binuksan niya ang mga baunan na pinaglagyan ng mga pagkain.
“Ang sarap nga po magluto ng mama ni Alex lola” ang masayang sabi ni Summer. Nangingiti na lang si Ising sa kanya habang nagkukwento. Kitang-kita niya sa mukha ng apo ang lubos na kaligayahan.
“At saka lola, kilala pala ng mama ni Alex si mama?” ang tanong niya rito.
“Oo naging magkaibigan ang dalawa noon” ang sagot ng lola niya.
“Eh, lola, tinanong ko po ang mama ni Alex kung alam niya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina mama at papa noon?” ang usisa ni Summer. Sa matagal na panahon ngayon lang siya nagtanong sa kanyang lola ng dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang niya.
Napabuntong-hininga si Ising, kung itutuloy niya ang plano ay kailangang malaman ni Summer ang nakaraan ng kanyang magulang.
“Summer, naghiwalay ang mama at papa mo dahil sa, maysakit na noon ang iyung mama habang ipinagbubuntis ka niya at inilihim niya iyun sa iyong papa. Kailangan ng bumalik ng papa mo sa Pransya dahil nga sa turista lang siya rito, at isinasama na siya ng papa mo pero, tumanggi ang iyong mama” ang malungkot na sabi ng kanyang lola.
“Umalis na malungkot ang iyong ama na sa pag-aakala nito na hindi siya mahal ng mama mo, pero dahil sa ayaw siyang masaktan ng mama mo ay hindi siya sumama rito dahil sa maysakit na rin siya” ang sagot ng lola niya.
“Ano po ba ang sakit ni mama lola?” yung pulmon po ba ang sakit ni mama?” ang malungkot na tanong ni Summer.
Mabagal na tumangu-tango ang kanyang lola, at pinahid nito ang mga luha sa pisngi. Hindi rin namalayan ni Summer na lumuha na rin pala siya.
Suminghot ang kanyang lola at pinunasan ang mga luha nito sa mata, at pilit na ngumiti.
“Hay naku apo, nakaraan na iyun, kalimutan na natin ang mga malulungkot na pangyayari ang importante ay ang kasalukuyan na masaya at ang hinaharap” ang sabi ng kanyang lola na pilit na pinasaya.
Tama ang kanyang lola, ang importante ay ang ngayon, ang sabi niya sa sarili. Lalo na at maganda ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon kahit pa may suliranin sila ng kanyang lola sa pinansiyal na aspeto. Magagawan niya iyun ng paraan, handa siyang magtrabaho para sa kanila ng kanyang lola.
“Apo may maganda akong balita sa iyo, tiyak na matutuwa ka!” ang excited na sabi ng lola niya habang magkatabi sila at magkaharap na nakaupo.
“Ano po iyun?” ang nasasabik na niyang tanong sa kanyang lola na halata ang pananabik nito.
“Ito” ang sagot ng lola niya sabay pakita ng isang malapad na sobre.
“Ano po iyan lola?” ang muli niyang tanong.
“Ang kasagutan sa pag-aaral mo! Sa mga pangarap mo!” ang masayang sagot ng lola niya.
Nanlaki ang mga mata ni Summer, hindi siya makapaniwala sa narinig, dininig na ng Diyos ang panalangin nila? Makakapag aral na siya ng kolehiyo?!
“Talaga po lola? Makakapag aral na po ako sa San Vicente?” ang masayang patanong na sagot ni Summer.
Umiling ang kanyang lola pero may malapad pa rin na ngiti sa mga labi nito, “hindi apo, mas maganda pa roon” ang sagot ni Ising.
“Talaga lola saan po?” ang usisa niya.
“Makakapag-aral ka na sa ibang bansa. Sa Pransya”
BINABASA MO ANG
The One That almost Got Away [complete]
RomanceFor mature readers only! 18 and up!!! Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay nagkita kayong muli ng babaeng matagal mong hinintay at minahal? Ipagtatapat mo na ba ang iyong pag-ibig at gagawin ang lahat para maangkin ang kanyang puso? O susuko ka n...