7

15 0 0
                                    

"Ano ba! Ambagal naman kumilos!" Pasigaw na reklamo ko kay Tricia.






Paano ba naman kasi? Dapat kanina pa kaming 9 naka-alis para magsimba. Pero hindi na kami makaka-abot kaya sa 11 AM na lang kami. Kanina pa kami naghihintay ni Nicole dito sa baba.






"Palibhasa hindi kayo nagmemake up kaya hindi niyo ako maintindihan! Masyado kayong nagmamadali eh 11 pa naman!" Bumaba na siya, halatang hindi pa nakakapagsuklay ng buhok. Sa tinagal niya sa kwarto niya, hindi pa talaga siya nakapagayos ng buhok ha?






Nagtinginan lang kami ni Nicole at nagsuot ng sapatos. Nagbook na rin akong grab papunta sa simbahan. Hindi kami Catholic, sa GCF kami nagsisimba.






Dumating naman kami before 11, as usual, magsheshake hands sa mga ushers pagpasok kapag mamalayan ka nila. Sa second to the last row kami naupo para hindi masyadong maginaw.






As always, may opening speech at welcoming of guests, mauunang tumayo yung mga first time magsimba dito tapos tatayo lahat at magsheshake hands na naman with churchmates.






"May we call on the new members of our family to stand up, ang mga first time mag-attend, and let's welcome them." Sabi ng pastor.






May limang tumayo sa second row, from right to left, matipunong lalaki, halatang siya ang tatay, tapos babae, siya siguro ang nanay, sa tabi niya batang babae na parang 5 years old, babae na tama ang height para sa grade 7, isa pang babae na mas matangkad nang kaunti, tapos lalaking matangkad.






Naningkit mata ko sa lalaking matangkad, parang familiar.






"Is that?" Nakatingin din si Nicole sa likod ng tinitingnan ko.






Kahit nakikipagkamay ko sa ibang church members, nang makatayo kaming lahat, hindi pa rin nawawala tingin ko sa lalaki, may nakikipagshake hands din sa kanya. When he turned to us, our eyes met.






Si Chase.






Napangiti siya tapos naglakad sa aisle, dumiretso sa'kin tapos nakipagshake hands. Sa second row pa siya sa harapan tapos sa second to the last row ako ha? Pero pumunta talaga siya.






"Ay iba din." Mahinang sabi ni Tricia sa gilid ko pagtalikod ni Chase.






Yun lang talaga ginawa niya, nakipagshake hands lang sa'kin. Sinundan ko siyang tingin hanggang makabalik siya sa pwesto niya, nakatingin sa'kin yung pinakabatang babae. I smiled at her, she waved at me then humarap na sa pastor.






"Wait lang, hintayin niyo 'ko." Sabi ko kila Nicole bago dumiretso sa cr.






Tapos na kasi ang misa. Pagpasok kong cr, andoon yung mga katabi ni Chase kanina, yung mommy niya yata at tatlong babaeng kapatid. Nag-aayos sila sa salamin. Ang gandang lahi, palahi po, juk.





Napatingin sa'kin yung batang babaeng kumaway kanina.






"Hello! Aren't you the girl kuya shook hands with kanina?" She smiled.






Gago. Napatingin silang lahat sa'kin.






"Hi, yes," I smiled at her, "You even waved at me."






The Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon