Chapter 2

25 4 0
                                    


Cindy's POV

(School)

"Pasensya na Sir baka hindi po muna makakapasok si Cindy ng mga ilang araw."

Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin kay William. Dahil sa kanya hindi ako pwedeng pumasok ng ilang araw. Kung may pagkakataon lang talaga, sasaktan ko yung bwesit na yun.

"Uyy Cindy" nakita kong papalapit sakin si Eunice. Niyakap niya yung braso ko. "Magpagaling ka atsaka wag kang masyadong magpastress" pag-aalala niya sakin.

Ano bang problema niya? Hindi naman ganun kalala yung sakit ko.

"Yes Maam"

"Pupuntahan na lang kita sa bahay niyo ahh" mas lalo niya pang hinigpitan yung pagkakayakap niya. Mabuti na lang at may kaibigan akong katulad niya.

***


"Ma wala namang gagawin dito sa bahay" reklamo ko. Buong araw andito lang ako sa bahay.

"Huwag mo munang gamitin yang kamay" paalala ni Mama sakin.

Lumabas na lang ako ng bahay para maglakad-lakad na rin. Kung hindi ko pwedeng gamitin yung kamay baka pwede yung paa.

Bigla namang lumitaw sa eksena si William. Hahahahaha kung sumasakto ka nga naman.

Lumapit ako sa harapan niya at straight face pa rin siya.

"Bakit mo sinabi kay Mama?" Medyo naiinis na tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at nakatingin pa rin siya sakin. Akala neto madadaan niya ako sa mga tinginan niya.

Sinenyasan ko siya na pumunta sa gilid at sumunod naman din siya sakin. Nakadikit siya sa pader ngayon.

Pinapractice ko kung pano siya sasaktan gamit yung paa ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya.

"Wala ito" sabi ko habang ginagalaw ko pa rin yung paa ko.

Nabigla ako nung lumapit siya sakin, as in sobrang lapit na halos dumikit na siya sakin. Kaya napa-atras ako ng kaonti sa kanya.

"Di ko sinabi kay Tita, sinabi ko kay Mama para sabihin niya. Tinupad ko naman yung sinabi mo." Teka lang m-may tama naman siya sa reason niya. But still nalaman pa rin ni Mama. "Nasagot ko na ba yung problema mo?"

Medyo naging masungit na naman siya. Dapat ako lang ang masungit ngayon!.

"Aahhh!" Tinapakan ko ng malakas yung paa niya at tumakbo ng mabilis.

Sa wakas nagawa ko na rin yun hahahahahahahaha. Kala niya siguro di ko kayang gawin yun sa kanya. Pero naisip ko tama naman yung reason niya, bakit ba di ko naisip yun?.

"Cindy saan ka na naman galing?" Bungad sakin ni Mama.

Pumunta muna ako sa balcony para abangan si William. Nakita ko na nahihirapan siyang maglakad dahil sa nangyari.

Pumasok na rin ako pagtapos ko siyang makita. "Nagpahangin lang"

"May business trip kami ng Papa mo. Mga 2 days kaming wala kaya inumin mo yang gamot mo." Sabi ni Mama.

Tuwing aalis sila lagi akong naiiwan sa bahay nila William. Sobrang saya ko kasi lagi kong nakikita si William pero ngayon sobrang lungkot ko na. Bakit kasi kailangan pa nilang pumunta sa ibang lugar?.

20 years old na ko pero ayaw ko na wala si Mama at Papa sa tabi ko.

***




(Next day)

Shooting Stars | Short Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon