"Beeeeee, anong ginagawa mo at tumatawa ka na naman kaharap 'yang cellphone mo?" Tanong ko sa kaibigan kong si Chynna. Dahil kanina ko pa s'ya nakikitang busy sa cellpnone n'ya, at dahil mabait ako guguluhin ko s'ya.
"Huh? Ah, yung katext ko kasi parang tanga, puro kakornihan." Sabi n'ya at tumawa na naman habang hindi pa din inaalis ang tingin sa kanyang cellphone. Hay nako, humaharot na naman ang gaga."Tama ba 'yan? Sinagot mo nga tanong ko, pero hindi ka naman nakatingin sa'kin." Sagot ko sa kanya, pero ang maharot kong kaibigan hindi pa din talaga tumitingin sa'kin. Gigil ako nito ah.
"Sino ba 'yang katext mo at hindi kita makausap ng maayos, ha?" "May itatanong ako sa'yo kaya kausapin mo 'kong bruha ka, hindi yung lumalandi ka d'yan." Medyo nilagyan ko na ng konting inis yung boses ko para tumingin na s'ya sa'kin at huminto sa ginagawa n'ya kahit ang totoo gusto ko lang talaga s'yang guluhin.
"Grabe ka naman be, ang sama mo ah, lumalandi agad? Ano bang itatanong mo? Bilis!" Aba aba!, nagmamaldita na sa'kin 'tong isang 'to ah.
"Gwapo ba 'yan?" Tanong ko ulit sa kanya at umupo sa table n'ya. "Huh?" Lutang n'yang sagot sa'kin, pa'nong hindi magiging lutang 'tong babaeng 'to hindi maalis yung atensyon sa katext. Hay nako! Sasambutan ko talaga 'tong bruha na 'to.
"Sabi ko, gwapo ba 'yan?" Sagot ko.
"Hindi ko pa alam, kagabi lang naman kami nagkatext e. Bakit? Haharutin mo no? Sabihin mo lang be, papakilala kita agad." Sabay ngisi n'ya. "At saka ipapaalala ko lang, ikaw 'tong tunay na maharot at malandi sa'tin no, hinawaan mo lang naman ako e." Mapang asar n'ya pang sagot sa'kin.
"Tse! Oo na lang, by the way, back to the topic na tayo." Sagot ko sa kanya at sinundan ko ng tawang mahina.
"Syempre, kung gwapo 'yan in other term complete package pakilala mo 'ko agad, pero kung medyo lang, sige sa'yo na lang susuportahan pa kita." Sagot ko at sabay kaming tumawa na parang wala yung iba naming kaklase sa loob ng classroom. Nahinto lang yung tawanan naming yun nang dumating na yung iba pa naming kaklase at subject teacher para maglesson.
Natapos yung klase namin ng araw na yun na puro kami reports, buti na nga lang at natapos na kami parehas magreport ni Chynna ngayon para wala na kaming iisipin na makakapag stress sa amin. Naglalakad na kaming dalawa ngayon pauwi habang kumakain ng fishball na binili namin kay Kuyang tindero na suki na din namin kaya kapag bumibili kami sa kanya ay may pasobra sa amin. Well, ganyan talaga basta magaganda.
"Be, pupunta daw bukas si Jairus sa school, susunduin n'ya daw ako." Biglang sabi ni Chynna, na halos umabot na sa tenga yung ngiti.
"Ha? Sinong Jairus?" Nagtaka naman ako kung sino yung Jairus na tinutukoy nitong babaeng 'to kaya tinanong ko kung sino yun, wala naman kasi akong kilalang Jairus malay ko ba kung sino yun.
"Ay, oo nga pala sorry, si Jairus s'ya yung katext ko kanina pa na sinabi kong puro kakornihan yung pinagsasabi. Gusto n'ya daw kasing makita ako sa personal para naman daw makapagpakilala s'ya ng maayos sa'kin pati sa'yo."
"Sa'kin? Ba't sa'kin at pa'no n'ya 'ko nakilala? Stalker 'yan no? Tsk tsk, na'ko be, 'wag kang makipagkita d'yan baka mamaya mamamatay tao 'yan." Sabi ko agad, mahirap na no, mapahamak pa kaibigan ko cargo de conciencia ko pa.
"Gaga! Mamamatay tao agad? Napakasama mo mag-isip be, gusto lang makipagkilala in person nung tao. At saka tigil tigilan mo nga 'yang panonood mo ng mga movie na puro patayan, laman tuloy ng utak mo puro din patayan, pati yung ibang tao na walang kaalam alam nadadamay d'yan sa pagiging OA mo." Mahaba n'yang lintanya.
"Masama na ba ngayon ang advance mag isip ha? Mabuti nang handa no!"
"Hay nako! Ewan ko sa'yo Kriesha! D'yan ka na nga, 'yan na yung bahay mo oh." Sagot n'ya sa'kin at tinuro ang bahay namin. "Say my beautiful hello to tita and tito. Babush!"
BINABASA MO ANG
Fallin'
Short StoryHe once said "Don't fall for me" and she replied "Of course, I won't fall for you" but when short time flies she realized that she failed. This story is base on true life. Some details are changed like name of the characters, events and some conver...