Chapter 5
"ANO?!"
Sabay sabay na sigaw nila ng sabihin ko sakanila na magtatrabaho ako bukas sa Mansion.
"Sanaol!" Sabi ni Marcon. Isa sa mga trabahador.
"Bakit biglaan naman ata?" Tanong ni Mang berto. Nagkibit balikat ako sakanyang tanong. Pati ako hindi din alam e.
"Tss nadala sa Landi" pakinig kong sabi ni Quincy.
Tinignan ko siya pero nakatanggap lang ako irap galing sakanya. Hindi ko na siya pinatulan pa dahil alam ko namang hindi yun totoo.
"Grabe Alliah, bago pa lang kayong magkakilala ni Sir Cairo tapos sa Mansion kana agad mag trabaho bukas" sabi ni Mang Berto.
"Oo nga po e" pilit na ngiti ang binigay ko sakanila.
Nakita kong nanliliit yung mata ni Aling Julie saakin. Napakurap ako pamamaraan ng pagtigtig niya.
"Di kaya may gusto yang si Sir Cairo sayo Alliah?" Tanong ng isang trabahante na hindi ko alam ang pangalan. Nagkibit balikat ako "Hindi naman po siguro 'tsaka mahirap lang kami" sagot ko.
"Sige Alliah basta bumisita ka saamin dito ah pag may oras ka" malungkot na sabi ni Mang Berto. Natawa ako dahil parang may pupuntahan akong malayo sakanyang sinabi.
"Mang Berto sa Mansion lang naman po ako magtatrabaho. Hindi po ako mangibang bansa" sabi ko.
Nakatanggap siya ng batok galing sakanyang kasamahan at kay Aling Julie. Napailing nalang ako. Kawawang Mang Berto.
"Hoy Kurt! Anong oras na?" Aling Julie.
Humarap saamin yung lalaking medyo bata saakin. Maitim na lalaki at maraming tagyawat sakanyang mukha. Tumingin ito sa kanyang itim na relo at ngumit.
"Tamang-tama! 5:31 pm na. Oras na para umuwi" sabi niya.
Nagligpit na ako sa aking gamit at inayos ang sarili.
Nakita ko sa aking gilid na palapit saaking banda si Aling Julie. Humarap ako sakanya at ngumiti. Ngumiti din siya pabalik saakin pero di abot sakanyang mata.
"Mag ingat ka Alliah ah?" Bigla niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko dun.
"P-po? mag-ingat san po?" Tanong ko. Di na kami halos napapansin ng iba dahil busy na din sila sa pag ligpit ng kanilang mga gamit dito sa kubo.
Napansin ko ang pagkibit balikat ni Aling Julie at pag kawala ng malalim na hininga.
"Basta mag-ingat ka sa Mansion. Lalo na sa Dalawang Estabillo. Kilala sila dito bilang pagiging playboy" napatango naman ako sa sinabi ni Aling Julie. Kaya pala.
"Wala naman po sa mukha nila na papatol sa kagaya kong mahirap pero salamat po talaga sa paalala" sabi ko at ngumiti. Nakita kong guminhawa si Aling Julie at niyakap ako, kaming dalawa nalang ang natira dito sa kubo.
"Hindi na kita mababantayan sa loob Alliah. Alam mo namang busy kami. Pero para saakin mas mabuting sa Piñahan ka nalang e at naghaharvest kesa dun sa Mansion"
Okay? Parang nagiging OA na sila. Di naman kasi malayo ang Mansion sa mga Pinagtaniman ng Piña. Medyo malayo lang.
"Okay lang po yun Aling Julie. Sa Mansion lang naman po ako magtatrabaho" kumalas na ito ng yakap saakin at tumango- tango.
Inayos niya yung buhok ko na humarang saaking mukha at nilagay ito sa likod ng aking tenga.
"Basta mag iingat ka sa Loob ng Mansion. Anak na ang turing ko sayo kaya nag-aalala ako" napatango ako dahil dun.
BINABASA MO ANG
La Hacienda [COMPLETED]
Short StoryIsa lamang trabahador sa Hacienda si Alliah nang makilala niya ang dalawang magkakapatid na Estabillo. Nung una ay hindi naniniwala sa Love at First Sight si Devon pero nung makita niyang nawalan ng malay si Alliah ay nakita niya ang pinakamagandang...