CHAPTER 6

685 14 0
                                    

Chapter 6



"Oh alis ka na?" Tanong ni mama na kasalukuyang naglalaba sa harap ng bahay namin.

"Opo ma" sabi ko.

"Sige sige ingat ka" nagtataka ko siyang tinignan. Naglalaba siya ngayon. San niya nakuha yung pera pambili ng mga sabon?

Pinagkibit balikat ko nalang iyon at tumungo na sa Hacienda ng mga Estabillo. Hanggang ngayon wala pa rin yung mga magulang nila Devon at Cairo. Busy sa manila.

Habang naglalakad ay di ko maiwasang ngumiti. Totoo ba yun? Mag kaibigan na kami ni Devon. Ang bilis pero wala na akong pake.

"Good morning Ma'am Belle" agad na bati ko pagpasok ko sa mansion.

Tinignan naman ako ni Ma'am Belle mula ulo hanggang paa. Di ko maiwasang mailang sa pamamaraan niya ng pagtitig.

May inuutos siya sa mga kasamahan kong kasambahay dito bago siya bumaling ulit saakin.

"Good morning din, totoo nga sabi nila na palagi kang maaga. Alas syete pa trabaho mo pero andito kana ng six" mahabang sabi niya.

Ngumiti nalang ako sakanya.

"Chinny hali ka dito!" Sigaw niya sa isang kasambahay na kasalukuyang nagwawalis sa malawak na living room.

Agad lumapit saamin si Chinny na hula ko ay magkasing edad lang kami.

"Samahan mo tong si Alliah na ilagay ang kanyang bag sa lugar niyo at bihisan mo na rin siya tulad ng sayo" napayuko si Chinny nun at lumingon saakin. Tanda na dapat sundan ko siya.

Nagpaalam ako kay Ma'am Belle. Pero hindi niya napansin yung sinabi ko dahil busy siya sa pangungutos sa mga katulong.

Nakarating kami sa isang maliit na silid.

"Ilagay mo lang uhm yang bag mo dito" tinuro niya ang maliit na mesa at ngumiti saakin.

Kinuha ko yung bag ko at nilagay sa mesa na yun.

"Tas eto yung uniform mo, yun ang  C.r. pwede ka ng magpalit" tumango ako sakanya at tinggap yung uniform.

Bago ako tuluyang makapasok sa C.r. ay tinignan ko si Chinny na palabas na ng silid na to.

"Teka,chinny!" Tawag ko. Lumingon siya sa gawi ko na may pagtataka sa kanyang mukha.

"Bakit?" Ani niya

"Wag mo kong iwan. Baka mawala ako" pag aamin ko.

Tumawa siya sa sinabi ko pero pumasok siya ulit sa silid na to at umupo sa isang silya.

"Sige basta bilisan mong mag bihis" tumango agad ako at pumasok na sa C.r.

Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako at nakita kong nakaawang ang labi ni Chinny habang sinusuri ang kabuuan ko.

"Kahit yan ang suot mo ang ganda mo pa rin" sabi niya. Namula naman ako dun at nagpasalamat. Sabay kaming tumungo kung san si Ma'am Belle.

"Alliah ikaw na maghatid mg breakfast nila Sir Devon at Sir Cairo" sabi ni Ma'am Belle. Tumango agad ako.

Pumunta ako sakanilang kusina at  nakita ko agad yung pagkain nilang dalawa. Bitbit ko ito habang paakyat sa hagdanan.

Habang umaakyat ako ay muntik ko ng mabitawan ang dala kong pagkain dahil sa naisip ko. Shit di ko alam kung san yung kwarto ng dalawang iyon! Sana nagpasama ako kay Chinny.

La Hacienda [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon