Cindy's POVPagkauwi nila Mama galing sa business trip ay nagpumilit akong pumasok. Kahit na di pa magaling yung kamay ko. Sa huli ay napapayag ko naman sila.
Kinabisado ko yung schedule ni William. Ayoko muna siya maka-usap o makita.
"Nak pauwi ka na?" Napatawag si Papa sakin at sakto namang nasa bus na ako.
"Opo" medyo pagod na sagot ko sa kanya. Binuhos ko yung buong linggo ko sa lahat nung hindi ko napasa nung absent pa ako. Kaya ngayon ay sobrang stress ko na.
Medyo bumabalik ulit yung sakit ng kamay ko pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanila.
"Ibili mo naman kami ng beer pag-uwi mo"
Tinignan ko yung relo ko at 10:00pm na pero iinom pa rin sila.
"Sige po" sabi ko at binaba ko na rin agad yung tawag.
Pagkababa ko ng bus ay tumambad sakin si William.
Malamang inutis na naman siya para sunduin ako. Bakit kasi nakilala ko pa siya? Bakit ba naging magkapitbahay pa kami?
"400" bumili muna ako ng beer para kila Papa habang si William ay nag-aabang sa labas.
Paglabas ko ng store ay binigay ko agad yun sa kanya na walang sinasabing kahit ano.
Halos tahimik lang kaming naglalakad. Mabuti na rin to kesa sa anong bagay pa pag-usapan namin.
Pagkarating namin sa bahay, nakita ko sila na nasa labas.
"Uy Cindy halika dito" yaya ni Papa sakin. Lumapit din agad ako sa kanila. "Alam mo matanda ka na kaya dapat matuto ka ng uminom" hays mukhang lasing tong si Papa, kung ano-ano na naman pinagsasabi.
"May pasok pa ako bukas" pagdadahilan ko.
"Pano ka mag-aasawa niyan" sabi ni Papa at sabay-sabay silang nagtawanan. Anong connect nung beer sa pag-aasawa?
Tinignan ko si William na nilalapag yung pinamili kong beer. Mukhang wala siyang reaksyon sa sinabi ni Papa.
"Magpapahinga po muna ako" sabi ko kasi sobrang pagod na talaga ako. Halos babagsak na yung katawan ko.
Tuluyan na akong umalis sa kanila pero narinig kong nagsalita ulit si Papa.
"William, magkaaway ba kayo ni Cindy?" Nakakahiya na talaga to!!!
"Opo" pero mas lalo akong nahiya nung sinagot yun ni William.
Nababaliw na ba siya???
Hindi ako lumingon at diretso lang yung hakbang ko sa daan. Nagtitimpi na lang ako.
***
(Next day)"Mabuti naman at wala pang bus" as usual si Dave na naman yung bigla bigla na lang nagsasalita sa tabi ko. "Magaling na ba yang kamay mo?"
Bakit ba concern siya sakin?
"Ayos naman" napakasinungaling ko talaga.
"Paalala ko yung laro ko bukas sana andun ka" oo nga pala, muntik ko ng makalimutan yung laban niya.
"Oo naman" nakangiti kong sagot sa kanya.
Sakto naman yung pagdating ng bus. Walang vacant seat kaya tumayo na lang kaming dalawa.
"Ngapala may boyfriend ka na?"
Napa-isip ako sa tanong. Bakit niya kailangang malaman yung bagay na yun?
BINABASA MO ANG
Shooting Stars | Short Story [Completed]
Ficção AdolescenteThe most beautiful ending for us.