In Heaven 2

47 3 1
                                    

 2 years later……………..

MARCUS POV

Kringgggg….kringg……..

 Napadilat sya ng marinig ang pagtunog ng alarm clock. It’s a new day again for him. Bagong araw na naman na haharapin nya.

 Sakay ng kanyang Mercedez Benz SLR Mclaren nagmamadali syang pumunta ng opisina. This past few days tambak ang mga trabaho nya. He can’t concentrate in his work. 4 days. Four days from now and it’s Angel's 2nd year death anniversary. His Angel.

He really miss her. After that tragic incident hindi na nya muli pang binuksan ang puso para sa iba. Dahil sa successful presentation nya mas maraming oportunidad at babae ang lumapit sa kanya. But only his Angel would make him happy again. Tila sya buhay na patay. Kung hindi dahil kay Suli baka palpak na ang ibang paper works na kailangan nyang isubmit at the end of the week.

     JYJ COMPANY (wala na akong maisip na ibang company name..okay na yan..)

“Good morning Sir.” Bati ni Suli sa kanya.

“Good Morning.”sagot nya ditto at agad na umupo sa kanyang swivel chair.

“Ahmm.. Sir may appointment po kayo with Mr. Cruz mamayang 10:00 am po. Then lunch meeting with Mr------

“Cancel all my appointments.” He said.

“Sir?”

“I said CANCEL ALL MY APPOINTMENTS!” nakita nya ang pagkagulat ni Suli. He never yelled at her. Bigla tuloy ay parang nakaramdam sya ng guilt sa nagawa.

“I-Im sorry. Just cancel it. I need time to sort some things lalo na at malapit na ang death anniversary nya.” Mahina nyang sabi.

“No Sir. I understand. Ako na pong bahala.” Sabi nito saka lumabas ng opisina.

PEACE MEMORIAL PARK

Loving Remembrance

Of

Angel Burren Zenandre

(August 15,1982-August 20, 2010)

And

Beloved Child

Angela Faith Zenandre

(August 20, 2010)

He place the roses and white teddy bear in their grave. Every week sinisigurado nya na pinupuntahan nya ang mag ina nya. Lagi syang humihingi ng tawad sa mga ito. Hinawakan nya ang lapida ng baby girl nila ni Angel. He named her Angela Faith. Such a wonderful name for her only daughter. Sayang nga lang at hindi man lang nya ito nakilala. Naalala nya tuloy ang araw na iyon. Ang araw kung saan tila gumuho ang lahat sa kanya.

*Flashback……

Nagmamadali syang pumunta ng ER. He can still feel the tears in his eyes. Tila walang tigil ang mga ito sa pagpatak.

NO!It can’t be! Please save them.!! Maghimala ka!.. hindi sya tumitigil sa pagdadasal na sana ay mabuhay ang mga ito.  Isang nurse ang sumalubong sa kanya tinanong nya agad kung nasan si Angel.

“Sir were very sorry we really did our best..but it’s too late.” Sabi ng doctor na sumalubong sa kanya.

“No! You did your best huh? Then bakit hindi sila nabuhay! Magbabayad ako kahit magkano! Just save them..Save my fiancee and my child please…” napahagulgol na sya. Wala na syang pakialam kung anuman ang iisipin ng ibang nandoon.

“Sir..”

“Do everything…Try again..Save them.. Hindi sila pwedeng mamatay..”

“Were very sorry sir.” Iyon na lang ang nasabi ng doctor at iniwan na sya. Napatingin sya sa kama. There he saw his Angel. Her face look so pale and lifeless. Puro dugo ang damit nito lalo na sa parteng hita. He hugged her tightly.

Kung sana lang pinili nyang sagutin ang phone nya.

Kung sana tinawagan man lang nya ito sa loob ng apat na buwan na umalis sya.

Kung sana lang……………………….

_________________________________________________________________________

 Yahh dedicated kay mzprettygirl.......yahhh!!!!!!!!!! unnie kamsahamnida!!!! Mianhe naiwan ko yung notebook kung saan nakasulat ung story.. hayaan mo na tinatamad pa din akong mag type.. Princess and the Hearthrob nasa phone ko ung update sa drafts inaayos ko pa kasi.. pag sinipag na akong mag type pramisss!!!... bogoshipda!!! <3

yung lang (Story is NOT EDITED....)

VOTE, FAN, COMMENT... 

In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon