Doroteo Jose Station

164 1 3
                                    

“It was Oct. 8, 2012, Monday, the story of us started.”

**

--- GIRL MEETS BOY <3

Today, habang pauwi ako at naglalakad  dun sa mahaba-habang lakaran papunta sa LRT station ng djose, may naapakan akong something na ikinadulas ko.

Dahil dun na-outofbalance ako at natukod ko ang kaliwang kamay ko sa harapan sa may sahig habang ang kanang kamay ko nakakapit sa metal bar na hawakan.

Samantalang ang kanang hita ko nakastraight patalikod at ang kaliwa naman napabend.

Buti na lang di ako napasigaw. =____=

Muka kong spiderman na kababagsak lang sa lupa

Or should I say spiderman na nadulas dahil sa kagagawan ng HOTDOG na pakalat-kalat.

Epic man, hotdog ang dahilan ng pagkadulas ko. :l

Pagtingin ko dun sa hotdog lasog na ito. Naging giniling na. Kawawang hotdog. Hayyyy :bd

Tas pagkatapos nun tumayo na lang ako tsaka pinunas-punas yung sapatos ko sa sahig as if nakaapak ako ng tae para kunwari naiinis ako sa natapakan ko.

Pero hiyang-hiya na talaga ko kaya para dagdag arte, tinignan ko kung meron pang nakadikit na hotdog. Keri lang. :bd

Buti na lang ate yung nasa likod ko pero sana walang masyadong nakakita sa likod. Konti na lang din naman kasi yung tao sa kabilang side. Buti nakalagpas na yung madaming tao nung time nayun.

Naging maganda padin ang araw ko nun kahit nadulas ako. Haha

Ambait talaga ni Lord! Iloveyou Lord! :*

KINABUKASAN

Grabeeeeeeey. Ang inet >,<

Anlagkit ko na superrr. Wala akong masyadong gwapong nakita today.

Pero bago ako sumakay ng tricycle sa may palengke may nakita kong gwapo. :""""""">

Mukang nursing student. Nakakahiya ang haggard ko. >,<

Pero ays lang kasi nadaanan ko lang naman siya kasi nasa bungad sila. May binibili siguro para sa experiment dahil may mga kasama pa sya na naka-uniform din.

Bukod pa sa kanya may gwapo din sa Ad kaya lang 4th year na yata? Sayang =3=

Speaking of Ad. I'm an Advertising student, 1st year sa isang state university. Maputi, payat, average ang height, may pagkamalaki ang lips na pale, may pagka-brown ang buhok na lampas balikat, babae. ^^

Sabi nila maganda daw ako. Charr! :bd

Naniniwala ako sa kasabihan ko na ang tunay na maganda Single pa. ^^V

May pinaglalaban ako e. NBSB eh :)

Mahilig ako sa GWAPO :"""> Sino bang hindi? Kaya lang hanggang tingin lang kami lagi ng mga kaibigan ko. Mahirap na baka mainlababo e. :p

Bawal pa kasi ako magchurvakels. Strict ang parents e :) Chos. Ayoko din naman. Ewan ko ba?

College na kasi ako, siguro masyado na'kong nalibang nung 3rd at 4th yr highschool sa mga ganung bagay kaya wala ng dating sakin ngayong college?

Doroteo Jose StationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon