Distansya

125 4 4
                                    

Distansya

 

Dedicated to: Reynaplingay

 

Message to: Reynaplingay

 

Hoy babaitang malandot. Eto na yung kalandian mo sa buhay slash kababalaghan mo sa buhay xD ahahahah peace yow ^^ Gomenesia. Eto nay un. Sana magustuhan mo ;) Labyuu baboy xD

-From your Goddess Friend ;)

 

One Shot Story

 

By: FearlessMaknae16

**

 

Nagsimula yun ng lumipat ka sa eskwelahan namin. Halos lahat ng kababaihan ay nahumaling sayo. Ang problema nga lang noon ay Bad Boy ka. Naging kaklase kita. Nalaman ko ang ugali mo, Totoo nga ang sabi nila. Bad Boy ka nga. Lahat napagtritripan mo maski ang kaklase natin na nananahimik lamang sa isang tabi. Maski ang abnoy nating kaklase ay napagtritripan mo. Lahat napapansin mo hanggang sa dumating ang araw na ako naman ang napagtripan mo.

 

“Hoy baboy ! Magpapayat ka nga !” Tandang tanda ko ang mga sinabi mo noon saakin habang nagpapatugtog lamang ako sa isang sulok. Hindi kita pinansin noon dahil pagpinansin kita, Alam kong wala ka ng tigil sa pagasar pagnakita mong naiinis ako. Patuloy lang ako sa pagpapatugtog hanggang sa umupo ka sa harapan ko na nakaindian seat take note ! Nakangiti pa sya ng malapad habang nakatingin saakin. Nakaupo lang din ako ng Indian seat sa sahig at tinignan sya ng walang reaksyon.

 

“Hi baboy” Di ko alam pero bigla na lang parang may kung ano sa tyan ko at parang namumula ang mga pisngi ko. Matutuwa na sana ako dahil sa pagbati nya pero may ‘baboy’ sa huli. Aaminin ko mataba ako pero hindi naman ung sobrang taba. Napasimangot pa nga ako noon at tinignan ka ng masama. Tinanong kita kung anong problema mo pero ang tanging sagot mo lang ay “Wala, Ang taba mo kasi eh” sabay tumayo ka habang may panginis na ngiti sa iyong labi at naglakad na agad palayo. Di ko alam kung bakit bigla na lang akong napangiti sa inasta mo.

 

Dun nagsimula ang pagaasarin natin. Lagi na tayong nagaaway, Ultimo aso’t pusa. May parte sakin na naiinis at may parte naman saakin ang natutuwa. Umabot nga sa puntong inasar na nila ako saiyo. Nalaman ng mga kaklase natin na meron na kong pagtingin saiyo pero bakit simula noon ? Parang nilalayuan mo na ako ? Bakit nung nalaman mo iyon iba na ang inaasar mo ? Iba na ang pinagtritripan mo hindi ako ?

 

Bakit ang lagi mo na lang pinapansin ang isa pa nating kaklase na ang pagkakaalam ko ay ang muse na room natin ? Oo alam kong mas mataas sya kumbaga saakin. Matalino, maganda pero pagdating sa ugali .. Hindi. Hindi mo ba alam ang ugali nya ? Bakit sya pa ? Oo matalino sya at maganda kumbaga saakin pero mas angat ako sa ugali.

 

Hindi ko maintindihan kung bakit lagi ka na lang umiiwas o sabihin na nating .. Dumidistansya ka ba saakin ? Pero bakit  ka dumidistansya saakin ? Hindi mo ba nagustuhan ang nalaman mo na may gusto ako sayo kaya ka lumayo ?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Distansya [One-Shot]Where stories live. Discover now