PART 1- INDENIAL

85 0 0
  • Dedicated kay JOYCE ERIKA GONZALES
                                    

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan dahil hindi ko rin alam kung paano ko tatapusin. Ang hirap din pala talagang makalimot lalo na sa isang taong alam mong naging isang malaking parte ng buhay mo.. isang taong alam mong lubos na nagpabago sa iyo at sa buo mong pagkatao. Kung dati bago mo siya nakakilala isa ka lang malaking pabigat sa lipunan at parang sakit na pinangingilagan dahil sa reputasyon mong hindi mo naman din ginusto isang diablong nagkatawang tao ika nga nila at iyon ang bagay na nagdulot sa iyo ng kawalang pag-asa para mabuhay. Hindi mo na kailangang pahalagahan ang sarili mo basta ang importante para sa isang tulad mo ay mabuhay. Ito ang buhay ko ang buhay na puno ng emosyon, kalungkutan at karahasan. Ngunit siguro nga hindi ka pa rin pinapabayaan ng diyos dahil nagpadala siya ng isang anghel na ang pangalan ay joyce. Sa simula hindi ko inakalang magagawa niya akong baguhin dahil hindi naman kami magkatulad isang Diablo at Anghel ? korny ng tandem namin. hindi ko inaasahan ang pagdating niya sa buhay ko palagi ko pa nga siya niloloko na para siyang isang gago na ayaw mawala sa tabi ko. Nakakatawa siya dahil hindi mo siya kakakitaan ng takot sa mata para siyang isang inosenteng bata basta nakakatuwa talaga siya lalo na kapag ginagaya niya ang isang pusa sa pagkukusot ng mata ang cute niya hahahaha.. mahirap din kasing ipaliwanag kung paano niya ako napapasunod kahit ako sa sarili ko hindi ko rin alam kung paano ehh basta ang naaalala ko lang hindi ko siya magawang hindi sundin. Para siyang may “magic” ang hirap tanggihan. Simula nung araw na dumating siya sa buhay ko hindi ko na alam kung bakit at paano ako nagbago unti-unti ko na lang basta na naramdaman na parang may iba talaga sa kanya. Isang beses pa nga ginabi siya ng pag-uwe galing eskwela hindi ko napigilan ang sarili ko na pagalitan ko siya alam mo sagot niya? “ sorry naman bestfriend me date lang.” nung time na yun hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko biglang parang natahimik ako na para bang pwede bang pakiulit yung sinabi niya? nabingi ako bigla ehh. Parang biglang tumigil mundo ko at hindi ako nakapagsalita agad dahil sa narinig ko kung hindi niya pa ako penektusan hindi ako matatauhan sabay sabi niya pa “ayos ka lang best?” naisagot ko na lang “huh?”.. sabay tawa syempre para di halata.. sabay kwento pa siya “ alam mo best astig si Jason ang gentleman pala niya noh? Wala lang sa itsura” sabay tawa ang lokaloka. Ako naman parang tanga kasi ewan ko huh parang nawala ako sa sarili ko bigla kasi dahil sa sinabi niyang nakipagdate daw siya? Bakit hindi ko alam? At teka bakit ko naman dapat malaman? Oo nga ano naman pakialam ko sa lovelife niya at tska sino naman si Jason?bwisit talaga tong bestfriend ko na to ehh nagbabanggit ng pangalan ng tao na hindi ko naman kilala.Bigla ba naman ako dinagukan sabay tanong sa akin kung ano daw ba problema ko? Ang lakas niya mangdagok grabeng babae to parang maton ee kung hindi ko lang to bestfriend sinapak ko na to siya lang nakakagawa nang ganyan sa akin walangya siya makakabawi din ako sa kanya. Hanggang sa nakauwe na kami pareho bigla naman nagtext ang lola mo “uy bestfriend?” naku me kailangan nanaman to “ ohh problema mo wala kaming yelo nagdefrost.” Hahahaha.. harsh ko ba sa kanya pero mas harsh ang sagot niya “nililigawan ako ni Jason hahahaha. Gravity best ok na ba akong magjowa?kinikilig ako best.” Napamura ako bigla mag-isa sa kwarto ehh anu daw sabi niya me nangliligaw daw sa kanya?anu daw pangalan Johnson?bronson? anu nga ulit pakibasa nga nang text niya ahh “Jason” T*****A sino naman ang walangyang “Jason” na yun?. “ ano sabi mo best me nangliligaw sayo? Tanga ba yun hindi niya ba alam na maton ka?hahaha” bawi bawi din pag me time. “ WALANGYA KA BEST TANDAAN MO PAG IKAW NAGKAGUSTO SA AKIN BUSTED KAWHO YOU KA SA AKIN?” hahaha ohh di ba nakabawi ako sa kanya? All CAPS ang reply nang lola mo hahaha. BOOM PANES!!! “ ehh ano naman kung nililigawan ka niya as if I care best? Lovelife mo yan push mo yan.” Pero deep inside me “ouch” akong naramdaman ehh pakiramdam ko kasi hindi ako sanay ng ganun yung kaming dalawa tapos me eextra bigla? Ayoko ng me kahati sa attention ng bestfriend ko gusto ko ako lang lagi niya kasama na parang kapag wala siya magwawala ako at walang aawat yung ganung feeling ba .. teka nga bakit ko ba naiisip yun eeh hindi pa naman sila “NANGLILIGAW” pa lang naman sa kanya diba? Oo tama me panahon pang ipabugbog yung Bronson na yun.. ha..ha..ha..ha . biglang nag ring yung phone ko tumatawag si bestfriend “ohh bakit?” pagkasagot ko ng phone “ HOY!!!!! Bakit ang tagal mo magreply sa text ko?” sinigawan agad ako galit na galit lang teh? Hahaha. “ magrereply pa lang ako nung tumawag ka.” “ohh ano na best palagay mo sasagutin ko ba?” “ huh? Sasagutin mo sino?sino ba nagtatanong sayo?” “ LECHE ka best you are not paying attention kasi ehh hmmp” paying attention daw sabi niya? Wala akong pambayad hahaha. “bakit ano ba sabi mo?” “ sabi ko me nangliligaw sa akin si Jason kung sasagutin ko ba siya?” ahh ok oo nga pala yun yung tinatanung niya kanina sa akin sorry loading isip ko ehh.. “ ganun ba best? Ok .” “ huh? Anung ok ?best seryoso nga kasi ohh” wawa naman best ko namomoroblema sa lovelife niya hahahaha..  “ edi sagutin mo best gusto mo naman ata siya ehh wag ako tanungin mo sa mga ganyan wala akong alam sa ganyan hahahaha.” “ napaka mo talaga best noh? La talaga kwenta kausap to kung hindi lang kita bestfriend naku.” “ ohh bakit nanaman ba Ms. JOYCE ERIKA DE CHAVEZ GONZALES?’. Ano nanaman ang ginawa ko sayo?” “ maka buo ng pangalan wagas lang? kasi best I think I like him na ehh.” “ like who? Yung Bronson thingy?” “ anung Bronson? Jason best Jason hindi Bronson ok?” “ KDOT.hahaha mas maganda kasi kung broson na lang ehh..” “ ang sama mo best gwapo yung noh di kagaya ng iba dyan FEELER!!!” “ hoy FYI lang hindi ako FEELER noh sila nagsasabing gwapo daw ako ibang tao na nagsasabi nun hindi ako.” “ KAPAL!!!! Edi kaw na gwapo best pero best ok lang ba talaga sayong maging kami?” “ pakialam ko naman sa lovelife mo? Hahaha.. wag ako best iba na lang tanungin mo dyan.” “ YEAH RIGHT!! Whatever sige na la ka talaga kwentang hingan ng opinion HMMMPP!!!!” “ hahaha.. your WELCOME BESTFRIEND.”

My Bestfriend , My First loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon