Chapter 2
"andiyan na silaaaaaaaa", sigaw ni mama, Kulang nalang marinig na ng buong barangay yung sigaw nya eh.
Sumilip ako sa bintana at nakita kong may nakaparada na ngang black fortuner sa harapan ng bahay.
Wow! Mayaman ah, Siguro, business partner to ni mama?
Kanina pa ko hula ng hula. Ayaw kasi nilang ipaalam sa akin eh. Pag nalaman ko daw, wala ng thrill. Sus! daming alam eh.
Inayos ko na uli yung hair ko. Konting suklay at re-touch na rin para magmukhang presentable. Lumabas na ako kasama si Kuya Nathan.
Natatanaw ko mula dito sa balkonahe namin na bumaba na yung nasa sasakyan. Sinalubong iyon ni mama.
"KUMAREEE!! Salamat sa Diyos at nakarating kayo rito ng maayos"
Anong sabi ni mama? Kumare? As in yung kumare niya na bestfriend niya ever since na mommy ng bestfriend kong si JanJan?
Andito rin kaya siya?
Sumama din kaya siya pabalik dito?
"Si Katkat na ba to? naku iha, dalagang dalaga ka na!", sabay yakap sakin ni Tita at humalik sa noo ko. Ganoon din ang ginawa niya kay kuya.
Pumasok na kami sa loob. Natutuwa naman ako at dumalaw si tita dito. Pero mas nakakatuwa sana kung pati siya, kasama.
Andito na kami sa sala. Kumuha ako ng juice para kay Tita. Matagal din kaming nagkwentuhan.Tungkol sa kung bakit siya napadalaw. Kung kamusta na siya at kung ano ano pa.
Pero seriously, hindi ko na mapigilan ang bunganga ko para itanong to.
"Tita, mag isa nyo po bang umuwi? Hindi nyo po ba kasama si Ja------"
BINABASA MO ANG
Love Knows No End (Completed)
FanfictionFighting for love even if it means fighting against destiny. Paano kaya nila haharapin ang mga pagsubok? Paano sila pagtitibayin nito?