CHAPTER 7

688 19 1
                                    

Chapter 7



Grabe pa rin ang kaba ang aking naramdaman ngayon habang papauwi na ako.

Maaga akong umuwi dahil sinabi ko kay Ma'am Belle na di maganda pakiramdam ko. Labis ang pasasalamat ko nun ng pinayagan niya ako.

Ano ba talagang nangyayare saakin? Ilang araw ko palang nakikita si Devon pero ang lakas na ng tibok ng puso ko. Oo inaamin kong gusto ko siya pero hindi naman ata tama na sa ganun ka iksing panahon ay ganun ang mararamdaman ko.

Mali to e. Sobrang mali. Dapat hanggang maaga pa titigilan ko na itong nararamdaman ko dahil hindi ako pwedeng magkagusto sa isang kilalang tao.

Sa isang mayamang tao.

What if sasabihin ko nalang kay Ma'am Belle na babalik ako sa paghaharvest ng sa ganun ay malalayuan ko siya? Bahala na bukas.

Ala una palang ng hapon naglalakad na ako pauwi. Di ininda kung gaano ka init ang tumatama sa aking balat. Nakalimutan ko ring magpaalam kina Mang Berto at kina Aling Julie sa sobrang pagmamadali ko para makauwi. Ano ba kasing ginawa saaki  ni Devon? Bat ganito ako maka react pag malapit siya saakin?

Nang makapasok na ako sa bahay namin. Hinanap ko si Mama sa buong bahay pero wala akong makita ni anino man lang niya.

Ang tahimik dito sa bahay. Iniwan kami ni papa dahil may iba na siya. Iniwan niya kami dahil mayaman yung nakita niyang bago. Nagalit ako nun pero wala na akong magawa dahil hindi naman kinasal si Mama at Papa.

In-on ko yung T.V. namin pero walang lumabas na kuryente. Nagtaka ako kaya tinry kong buksan yung ilaw namin. Hindi rin umilaw. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa kabilang bahay. May kuryente naman sakanila ah? Bat saamin wala.

May pumara na tricycle sa harap ng bahay namin. Bumaba dun si Mama na may dalang cellophane na puro prutas ang laman.

Naglakad ko papunta sakanya. 'Nang mabayaran niya na yung tricycle ay napalingon siya sa banda ko. Nagulat siya ng makita ako.

"Nak napaaga ka ata?" Sabi niya habang papasok siya ng bahay.

Sumunod naman ako sakanya hanggang kusina. Nang mailatag na niya yung prutas sa mesa at hinarap ako. Dun ko na siya tinanong.

"Ma bat walang kuryente?" Ani ko. Hindi makatingin si Mama saakin kaya alam ko na kung bakit wala kaming kuryente.

"A-ano k-kasi nak" pinutol ko na agad yung sasabihin niya.

"Ma naman! Asan yung pera na binigay ko sa inyo?! Mas importante pa ba yan kesa kuryente? Ano? Sinugal mo na naman yung pera? Kaya ka bumili ng sabon panlaba at itong prutas na to?!" Sabay turo sa mesa kung saan yung mga prutas.

Isa din to sa dahilan kung bat kami iniwan ni Papa e. Dahil kay Mama. Lagi siyang humihingi ng pera kay Papa kahit na wala namang trabaho si Papa. Kaya nag-aaway sila dahil sa pera. Pinaka ayaw ko talagang nag-aaway sila o kami ni Mama dmng dahil lang sa Pera.

"Nak hindi mo ko naiintindihan e" Ani niya

"Talagang hindi Ma! Ang hirap mong intindihin! Mas inuuna mo yang sugal mo kesa dito sa bahay! Alam mo Ma? Nakakapagod ka na! Nakakabusog ba yang sugap mo ha?" Ani ko. Nakita ko siyang di makatingin saakin kaya napabuga ako ng malalim na hininga. Seriously?!

"Nak tinry ko lang naman yun baka sakaling manalo ako oh diba yayaman na tayo? Mabibili mo na lahat ng gusto mo" tinignan ko siya ng hindi makapaniwala.

"Ma! Seryoso ka ba dyan? Oh sige asan na yung napanalunan mo?" Nilahad ko yung kamay ko sakanya.

"Oh diba wala, bakit? Dahil talo ka? Ma naman! Tayong dalawa nalang andito sa bahay tas ganyan ka pa? Magtulungan naman tayo o hindi yang inuuna mo yang gusto mo" nakaramdam ako ng paghahapdi sa aking pisnge. Sinampal ako ni Mama.

La Hacienda [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon