CHAPTER 10

1.3K 27 5
                                    

N/A Hindi ko talaga hinahabaan ang bawat chapter....Pati mga conversations hindi ako masyadong detailed..sorry for that...Gusto ko lang i deliver ang bawat chapter na hindi masyadong dragging....Fast pace para hindi masyadong nakakaburyo.....Para mabilis ang bawat palit ng eksena...

By the ways.....thanks sa mga likers ng story ko....Sa mga nagcocomment thanks din....sobrang naappreciate ko........

NOEMI'S POV

Nasa Tagaytay ako......obvious naman saan pa ba makikita ang Taal Volcano...Bumiyahe kami mula Manila hanggang dito...At ngayon nandito kami sa pinakamataas na bahagi ng lugar tanaw na tanaw ang buong lawa...Hindi naman masyadong madilim dahil may mga ilaw naman na prinovide para sa lugar na talagang pasyalan...Medyo late na nga kaya wala rin masyadong tao....

"Ngayon mas malapit ka na sa langit konti na lng maabot mo na.....For sure mas malakas na ang signal mo para marinig ka ng diyos....Pwede ka ng magsumbong sa kanya pwede mo na pakawalan lahat ng nandyan sa puso mo....Mas maririnig nya kung anong gusto mong sabihin"

Pinikit ko ang aking mga mata ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa aking pisngi....Kinausap ko si Papa God na alam ko na sa pagkakataon na ito sya lang ang aalalay sakin....Na sana bigyan nya ako ng dagdag na lakas para harapin ang lahat ng pagbabagong ito sa buhay ko...Alam ko mahirap alam ko marami akong bagay na dapat tiisin pero hindi ako pwedeng sumuko hindi ako pwedeng maging mahina dahil umaasa ako isang araw mahahanap rin ni nanay ang kapatawaran sa puso nya..at yun ang higit kong ipagdadasal na sana mawala na ang lahat ng galit sa puso ng nanay na sa kabilang banda ay mahanap na nya ang kapatawaran..yun lang Papa God ok na ako...

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata...kahit paano nabawasan ang sakit na nararamdaman ko...at napangiti ako ng mapatingin ako sa dereksyon ni Sir Marco nakapikit sya nagdadasal din kaya sya? Napabuntong hininga na lang ako.....

Ilang sandali lang ay iminulat na nya ang kanyang mga mata huli na ng iwasan ko sya ng tingin kaya nagabot na ang aming mga mata.....

"Kanina mo pa ako tiningnan?"tanong nya..

"Hindi po Sir...."sagot ko..totoo nmn saglit ko pa nga lang sya tinititigan.....

"Ano ok ka na ba?pinagdasal na rin kita kung tayong dalawa mas effective diba?"

"Salamat po Sir..."konti na lang ay tutulo na ang luha ko...Ni sa panaghinip hindi ko inaasahan na ang pinaka hambog ...ubod ng yabang at sobrang antipatiko na taong nakilala ko ayvkasama ko ngayon sa gitna ng gabi at dinadamayan ako sa problema ko..Na ibinibigay ang oras nya sa ordinaryong empleyado lang nya...Ngayon nararamdaman ko ang puso nya sa bawat salitang binibitawan nya...

I LOVE YOU...till forever..(ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon