Chapter VI: Diary ng Panget (Diary ni Belle) FanFic- Entry #6
Bzzt Bzzt.
Nagising ako sa pagkaka-idlip ko. Agad kong sinagot yung phone
.
"Belle."
That voice.
"I-Ikaw pala Chad. Napatawag ka?"
I'm on my way to your house. See you there!"
"Huh? What? Ngayon na? Pero.." *toot toot*
Ow-kay? What was that for? Ano naman ang gagawin niya dito?
Siguro, bibisitahin niya si kambal
.
Ouch <//////3 Parang gusto kong umiyak. Magiging masaya ba ako kay kambal dahil nahanap na niya yung missing part niya, o the other way around dahil I sacrificed my own happiness?
Ipinikit ko ng mariin ang mata ko at tinalukbong yung unan sa mukha ko.
Maya-maya kumatok yung katulong namin at sinabi na may bisita daw ako. At kilala ko na kung sino.
Nakita ko siyang nakatalikod sa may veranda habang nakaupo at hawak yung juice.
"So, ano palang pinunta mo dito?" Umupo ako sa tabi niya. "Kai?!" Tumingin siya sa akin. "I-Ikaw? Paano mo nalaman itong bahay namin? Tsaka teka..I thought, si Chad--"
"Belle!" Nakita kong papalapit si Chad sa akin at bigla niya akong inakbayan.
How I miss his presence kahit ilang araw ko palang siyang hindi nakikita.
"Oh, H-Hi."
"May bisita ka pala, Belle. Classmate mo?" -Chad
"Ah--"
"Oo, classmate niya ako. Sige, mauna na ako Belle. Mukhang naistorbo pa kita." -Kai
I was about to speak pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Tumingin ako kay Chad at nginitian niya ako.
"Anyway, Belle. Kaya ako nagpunta dito..kasi I need ypur help."
Help? Anong klaseng help?
"Ano yun? Basta ba kaya ko."
"I know kaya mo yan! Kasi alam kong ikaw lang yung nakakaalam ng lahat kaya sayo na ako magpapatulong." tiningnan ko lang siya at hinihintay yung sasabihin niya. "Can you help me prepare my surprise date with your twin?"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
In a moment, hindi ako agad nakasagot. Pero for the sake na maging masaya na si kambal, umoo na lang ako.
"Yes! Thanks Belle! Siguradong magugustuhan niya tong surprise ko sa kanya dahil ikaw ang tutulong sakin. Thank you talaga." nagulat ako habang nagthathank you ay niyakap niya ako. OMO O///O
"O-Okay lang yun. Basta para sa kambal ko, gagawin ko lahat para maging masaya siya." Kahit ang pagpaparaya pa.
Pagkatapos ng pag-uusap namin umalis na din siya kasi may aasikasuhin pa daw sandali. Dumiretso na ako sa kwarto at umupo sa kama.
Bukas daw balak ni Chad i-surprise si Kambal para sa dinner date nila.
"B-bakit naman ako yung gusto mong hingan ng tulong? Pwede naman sa restaurant na kayo magdate diba?" Wala na akong paki kahit bitter na. Masakit eh. </////3
"Kasi mas romantic daw para sa isang babae pag sa isang garden gaganapin yung date nila. At mas special pa kapag makikita niya yung mga favorite niyang bulaklak na ako mismo yung nagprepare diba? At lalo pang magiging maganda yung kalalabasan dahil alam kong tutulungan mo ako."
BINABASA MO ANG
Diary ng Panget (Diary ni Belle) FanFic
FanfictionNOT A PLAGIARIZED STORY. THIS IS THE CONTINUATION OF (DNP) DIARY NI BELLE FANFIC BY QeshleeBB :) Read :>