Author's Note: Back with an update. Sorry if medyo slow. Dedicated to: bluebutterfly21 kasi masyado akong natuwa sa comment niya sa isang story ko. Love ko na siya. XD
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos niya ako iset-up sa first date na naranasan ko ever, matapos niya ako ipakilala sa mama niya, at matapos siyang umiyak sa harap ko, wala ding nangyari. Bumalik din siya sa dati niyang ugali, playboy, rude, airhead, full of himself. Di niya man lang ako tinawagan or pinuntahan sa bahay matapos ako mag-speech ng mahaba, wala ding kwenta. Napanis lang ang laway ko.
Pero okay lang. Inimagine ko na lang na walang nangyari, na hindi ko siya nakilala. After all, balik normal ang buhay ko ngayon na wala na siya. Pero meron talagang tao na di maka-move on at nasasayangan sa “what could have been” between us kuno ni Keeno. At ang taong ‘yun ay si Janice.
“Uy Izzie, sigurado ka bang pakakawalan mo lang si Keeno, si Keeno na campus crush, si Keeno na MVP ng school’s basketball team natin, si Keeno na...” Simula ni Janice na mukhang kung ano-ano na naman ang pumasok sa utak niya. Pero di ko siya hinayaang magsalita pa. Nakakabingi na since ilang araw na niya sa aking sinasabi ‘yan.
“Si Keeno na walang isang salita. Nandoon ka nung prinopose niya sa akin yung deal na ‘yun Nichie at nakikita mo ngayon kung paano niya ‘to binabaliwala.
“Pero Zee,” she tried to say again pero ayoko na talaga. Ayoko nang isipin pa ang mga bagay-bagay na yun.
“Nich please, stop. I don’t wan’na talk about it,” sabi ko at agad ng umalis sa lugar na ‘yon. Makapunta na lang nga sa class ko. At least dun di ko siya maiisip. What? Ano daw ‘yun? Anong sinabi ko? Replay nga. ‘At least dun di ko siya maiisip.’ Bakit? Iniisip ko ba siya? Bakit ko naman iisipin yun? Hibang na ba ako? Kakainis naman eh.
Naging maganda naman ang flow ng klase ko ngayong hapon. Nag-concentrate ako ng mabuti kaya kahit isang saglit, di pumasok sa isipan ko ang Keeno. It only proves na wala akong pakialam sa kanya kasi kung meron man, eh ‘di dapat distracted ako kanina. Pero whoa! Wala, walang nangyari. Normal ako, normal. Whahahaha pero bakit parang kulang? Ay hindi joke lang, walang kulang.
Papauwi na ako mula sa klase ko nung may nakita akong babae sa may gate namin. Based sa uniform niya, ‘di siya taga school namin kundi taga-Saint Gabriel, yung isang school dito sa amin for medicinal courses.
Grabe, ang ganda niya. Mahaba ang buhok, maputi at mapupungay ang mga mata. Ano kaya ang ginagawa niya dito? Mukhang may hinahanap siya eh.
Habang naghihintay ako ng tricycle papunta sa paradahan namin para makauwi na ako, di ko maiwasang tumingin sa kanya. Nakaka-distract ang ganda niya. Hala! Wait, teka nga. Ano bang sinasabi ko? Natitibo ba ako sa babaeng ‘to? Shit! Lord ‘wag naman sana. Okay lang sa akin na maging loner ako forever basta ‘wag niyo lang akong gawing tibo. Magma-madre na lang ako. Sabin ng utak ko na mukhang nagpa-panic na sa mga nangyayari.
Napatagal ata ang tingin ko sa kanya kasi maya-maya pa ay napansin niya na na nakatingin ako sa kanya. Eh ako naman nagpapainosente din, siyempre bigla akong umiwas ng tingin noong tumingin siya. Akala ko nga nakaiwas na ako eh, pero maya-maya lang lumapit siya sa akin sabay sabi, “Hi.”
Ahh…ehh…bakit siya lumapit? Pero sige na nga, baka sabihin niya ang rude ko. “Hello,” sagot ko sa kanya.
“Ang ganda mo naman,” sabi niya sabay ngiti sa akin. Huh? Seryoso bang babae ‘to or di lang niya nakita ang sarili niya sa salamin? Or baka sarcastic lang siya at kabaliktaran pala ang ibig niyang sabihin?
“Ahh…ehh…salamat,” awkward na sagot ko sa kanya sabay tingin sa kalsada as if nag-aabang na ng trike.
“Brie nga pala ang name ko,” sabi niya ulit sabay smile. “Uhm, Frizz,” sagot ko at nag-smile na din. Magpapaalam na sana ako at tatawid ng kalsada pero naunahan niya na naman akong mag-salita eh.
“Uhm, nagmamadali ka ba?” Tanong niya sa akin. Haist, hindi naman sana pero kung hindi ang isagot ko, ano kaya ang ipapagawa niya? I have a feeling pagsisisihan ko ‘to. Baka lang kasi may boyfriend siya sa loob tapos ang pagawin sa akin ipasabi sa kanya na break na sila. It’s possible! I mean, sa ganda ng babaeng ‘to. Posible talaga yun.
I wan’na say no pero di ko magawa? Bakit? Dahil lang naman sa cute na puppy dog eyes na ginagawa niya. Ang unfair ng mga magaganda. Magpa-cute lang sila sa tao di na makahindi sa kanila. Haist!
“Uhm, hindi naman. Bakit?” Sagot ko na lang. Sige na. Bibilisan ko na lang kung ano man ang ipapagawa niya.
“Then pwede hanapin mo ang kaibigan ko para sa akin? Singkit siya, na matangkad at payat na taga-HM department. Popular naman siya dito kaya siguro di ka na mahihirapan. Keeno nga pala…” pero di na siya nakatapos sa pagsasalita ng bigla akong napasigaw sa gulat. “Si tsonggo? Siya ang hinahanap mo?” Laking gulat ko.
She looked at me weirdly sabay sabi, “Tsonggo? Hahaha tsonggo ang tawag mo kay Keeno? Ang cute naman.” Tawa siya ng tawa matapos nun. Ang cute niya pag-tumawa. Parang ang sarap maging kaibigan ng babaeng ito.
“Hoy pangit, bakit ka nandito?” Sabi ng isang boses lalake. Napatigil sa pagtawa si Brie nung na-realize namin pareho kung sino ang nandoon. Ang tsonggo na hinahanap niya.
“Hi Keeno ay este, tsonggo pala. Hahahaha,” sabi nya na wagas pa ring makatawa nung makita na niya si Keeno dun.
“Kung tsonggo ako ikaw naman ipis. Umalis ka nga dito, baka magkalat ka pa ng germs mo,” sagot niya.
“Aray naman. Joke lang naman eh. Eto kasing si Frizz, ‘yun ang tawag sa ‘yo. Hahaha,” sabi niya ulit sabay turo sa akin habang tawa ng tawa. Hala! Damayin ba naman ako sa away nila. Nananahimik ako dito eh.
Tumingin sa akin saglit si Keeno at binalik din naman agad ang tingin niya kay Brie. “Hoy pangit, kung nandito ka para lang ulit ‘dun eto lang ang masasabi ko sa ‘yo. Wala ka ng pakialam dun,” sabi niya sabay lakad papunta sa amin. Akala ko dadaanan niya lang kami eh, yung tipong walk-out mode lang. Pero nung dumaan siya sa gitna namin, bigla ba namang hinila ang kamay ko.
“Uy, ano ba? Bitiwan mo nga ako. Uuwi na ako no,” sigaw ko sa kanya habang trina-try na makakalas sa kanya. Pero masiyadong mahigpit ang pagkahawak niya sa akin kaya walang masiyadong magawa ang efforts ko.
“Teka lang, may sasabihin ako,” sabi niya.
Hmm. May desisyon na ba siya about sa deal namin? Sasabihin na ba niya na ayaw na niya? Sige na nga, pakikingan ko nalang kung ano man ang gusto niyang sabihin.
Nagpahila ako sa kanya hanggang makarating kami sa plaza na hindi naman gaanong kalayuan sa school namin. Agad siyang huminto sa lugar na walang masyadong tao. “Wag kang makikipag-usap dun. Baka mahawa ka sa kabaliwan niya,” ika nito.
Huh? ‘Yun lang ang gusto niyang sabihin? Paano yung deal?
“Wala akong paki dun. Yung deal ang gusto kong pag-usapan kaya ako sumama dito,” sagot ko sa kanya. Balewala sa akin ang ibang bagay ngayon. Gusto ko lang talagang malaman ang plano niya.
Naging seryoso ang tingin niya sa akin. Nanahimik siya ng ilang minuto as if pinag-iisipan niyang mabuti ang isasagot niya sa akin. Yumuko siya pagkatapos. Di ko alam kung ano ang iniisip niya pero nagulat ako nung tumingala siya ulit at may luha na ang mata niya.
“Eh?” Gulat na sabi ko. Ano ‘yan? Ano na naman ang luha na ‘yan? Bakit palagi na lang siyang umiiyak tuwing kasama ako?
Lumakad siya papunta sa akin at yinakap niya ako ng mahigpit habang lumuluha siya. Grabe, nanginginig pa siya. Ano kaya ang nangyari at nagkakaganito siya?
Di ko na namalayan nung unti-unti na siyang yakapin ng mga kamay ko. Di ko din alam kung bakit bigla kong ginawa ‘yun. Pero nung mga moment na ‘yun, iisa lang ang nasa isip ko. Kailangan niya ng malalabasan ng sama ng loob kaya di ko siya iiwan…di ko siya pwedeng iwan. Dito lang ako.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?