Chloe Pov's
Andito na kame ngayon sa resthouse nila Lanze dito sa Tagaytay, di ko alam kung bakit dito niya ako dinala basta para sa akin masaya na ako na kasama ko siya ngayon. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit kaso baka sigawan niya ako o kaya mas lalo niya ako kamuhian.
Pagkababa ko ng kotse niya di niya pa rin ako pinapansin hanggang sa makarating kame sa loob ng resthouse nila.
"Kung gusto mo matulog pumili ka na lang ng mga kwarto diyan and may mya damit diyang kung gusto mo maligo." sabi ni Lanze sa akin
Tumango lang ako sa kanya, di na ako nagsalita baka may masabi akong hindi maganda.
Pagkapasok ko sa kwarto dito sa resthouse nila umupo agad ako sa kama tsaka huminga ng malalim.
"Ang tanga mo talaga Chloe, kung ano tuloy pinagsasabi ko kay Lanze na ayaw ko umuwi di andito kame ngayon sa Tagaytay." sabi ko sa sarili ko
Naligo na lang muna ako saka nagbihis ng pambahay isang pajama lang ang sinuot ko na kasya naman sa akin saka loose shirt na ang laki laki sa akin, wala na akong suot na bra, walang bra yung ginamit kong dress eh tsaka wala rin akong mahanap na bra dito sa closer na to kaya di na lang ako nag bra.
Naisipan ko na lumabas muna ng kwarto para magpahangin sa may balkonahe. Pagkarating ko sa balkonahe nadatnan ko doon si Lanze na nagpapahangin rin. Lumapit ako sa kanya kase baka ito na yung huling
araw na makasama ko siya ng malapitan, syempre susulitin ko na."So why did you get drunk?" Lanze ask me
Di ako nakapagsalita sa tanong niya.
"Is it because im engaged with Ana?"
Lanze asked me againShit paano ko sasabihin sa kanya na naglasing ako dahil lang sa rason na yun. Basta masakit sa part ko na yun na si Lanze na mahal na mahal ko ikakasal na, buti kung sa akin siya ikakasal pero malabo mangyari yun asa pa ako.
"Chloe answer me." Lanze said to me again
Nagulat naman ako sa kanya bigla bigla na lang siya magsasalita, pero okay na rin ito na kinakausap niya ako, sarap nga sa feeling eh na kinakausap niya ulit ako kahit alam ko na wala siyang choice kundi ang kausapin ako.
"Anong gusto mong sabihin ko? na naglasing ako dahil yung taong mahal ko ikakasal na." sabi ko kay Lanze habang pinipigilan yung iyak ko
Nararamdaman ko na naman yung sakit tangina.
"Wala eh, ikaw lang talaga itong tinitibok ng puso ko Lanze, kung pwede lang sana turuan to kung sino yung pwedeng mahalin matagal ko ng ginawa para di ako nasasaktan ngayon, kaso wala eh makulit rin itong puso ko, ikaw lang talaga ang gusto nito." sabi ko kay Lanze na umiiyak na
Habang umiiyak ako nakatingin lang siya sa akin, na parang naaawa sa kalagayan ko ngayon.
"Sorry Lanze ah kung hanggang ngayon mahal pa rin kita, pero di ako magsosorry dahil ikaw yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko since highschool, di ko rin alam kung bakit ikaw pa rin hanggang ngayon kahit ang ikakasal ka na." sabi ko kay Lanze na umiiyak pa rin
Siya pa rin talaga hanggang ngayon, balibaliktarin man natin ang mundo siya pa rin ang mamahalin ko kahit sa kabilang buhay pa yan siya pa rin.
"Alam ko naman na hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi ng lahat sa pagkamatay niya." natatawang sabi ko habang umiiyak
Wala eh kahit na ang sakit sakit na siya pa rin talaga, kahit na alam ko sa sarili ko na ikakasa na siya mahal ko pa rin siya.
"Siguro sa isip-isipan mo tinatawanan mo na ako kase hanggang ngayon mahal pa rin kita kahit na matagal na taon na tayong hindi nag-uusap." sabi ko kay Lanze na umiiyak pa rin
Nakakatawa na siguro itong mukha ko sa harapan niya ngayon, para akong batang inagawan ng candy na umiiyak.
"Lanze gusto ko lang sabihin sayo na kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin ang mahahalin ko." sabi ko kay Lanze na umiiyak pa rin sa harapan niya
Di pa rin siya nagsasalita hanggang ngayon.
"You better sleep Chloe it's getting late." sabi ni Lanze sa akin tsaka pumunta na sa loob para matulog
Andito na ako sa kwarto ngayon, di ako makatulog, iniisip ko pa rin yung mga sinabi ko kay Lanze kanina. Habang sinasabi ko sa kanya yun parang wala lang sa kanya lahat ng mga sinabi ko, siguro nga talagang do niya ko magugustuhan, tsaka ikakasal na rin siya. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip.
Kinaumagahan nagising ako dahil sa tumatawag sa cellphone ko.
"Hoy Chloe Rivera nasaan ka at bakit di ka umuwi kagabi, kasama mo ba si Lanze ahhh?" sigaw na tanong sa kin ni Roxanne
Ano ba yan umagang umaga boses ni Roxanne ang sasalubong sa akin.
"Nasa Tagaytag kame dito sa resthouse nila Lanze." sagot ko kay Roxanne
"Gaga ka, baka may nangyari na sa inyo diyan ah?" tanong ni Roxanne tsaka tumawa ng malakas
Umagang umaga sinisira kaagad ni Roxanne yung umaga ko bwct talaga.
"Gaga paanong may mangyayari eh di nga ako kinakausap." sagot ko kay Roxanne
"Ay wow girl, so kung kinausap ka niya baka may nangyari, ganon ba yon?" tanong ulit ni Roxanne habang tumatawa
"Gaga hindi walang mangyayari, malabo yon." sabi ko kay Roxanne ng nakasimangot
"Oh sige na girl papasok na rin kame ni Angela, tsaka sasabihin ko na lang sa mga prof mo na hindi ka muna makakapasok kase may emergency."
sabi ni Roxanne sa akin"Sige na, thank you text na lang kita pag nakauwi na kame." sagot ko kay Roxanne tsaka ko binaba yung tawag
______________________________________
Author's note: Mga bb's sorry sa mga typo ko pagpasensyahan niyo na kase alam niyao naman na baguhan palang ako sa pagsusat dito sa wattpad, maraming salamat mga bb's labyu all.
-lexx
YOU ARE READING
Chasing That Boy
Teen FictionHi everyone my name is Chloe Rivera, and yes mayaman kame kaya nga nasa akin na lahat ng gusto ko, pero may isa akong hiling na hindi matupad tupad at iyon ay mahalin ako ng taong mahal ko. Okay naman noon nung mga bata pa kame, kaso nga lang sa isa...