Chloe Pov's
Parang nasusuka ako tangina.
"Oy cr lang ako balik ako kaagad." sabi ko kay Roxanne at Angela
"Sige girl siguraduhin mo na babalik ka." sabi ni Angela habang kausap si Dave
Tumango na lang ako tsaka pumunta sa cr, tangina sakit ng ulo ka pati mga mata ko nanlalabo na dahil sa dami ng alak na nainom ko.
Habang nasa cr ako narinig ko yung dalawang babae na nag-uusap tungkol kay Lanze, syempre curios ako eh pinakinggan ko sila.
"Oy girl alam mo ba engaged na raw si Lanze." sabi nung isang babae na akala mo naman kagandahan eh puno naman ng make up yung mukha niya
"Ay oo nga girl nalman ko rin kanina, usap-usapan kase na engaged na siya." sabi ring nung isa na ang pangit ng mukha di naman kagandahan
"Oo nga eh, tsaka buti hindi si Chloe yung babaeng papakasalan niya." sabi nung babaeng parang clown sa dami ng make up
"Oo nga eh girl buti hindi siya yung papakasalan, pero kawawa pa rin si Chloe kase diba since highschool patay na patay kay Lanze yun." sabi nung panget na babae.
Edi ako na kawawa, wagas makapag tsismis itong dalawang ito tungkol sa akin akala ko mo kung sinong magaganda eh parang clown yung mga mukha nila na puno ng make up.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinigawan silang dalawa.
"Hoy kayo pag pinag-uusapan ninyo ako make sure na mas maganda kayo kesa sa akin tsaka hindi ako kawawa kung hindi man ako ang ikakasal kay Lanze, eh fixed marriage lang naman iyon, as if naman kung magtatagal sila, sa akin pa rin si Lanze kahit anong mangyari." sigaw ko sa dalwang babaeng pinagchismisan ako.
Pagkatapos ng sinabi ko tumakbo kaagad yung dalawang babae palabas. Pagkalabas nilang dalawa naghilamos ako ng mukha para naman mahimasmasan ako konti, namumula na kase itong mga mukha ko kanina pa tsaka pakiramdam ko ang init init.
Lumabas na ako sa cr tsaka diretso sa pwesto namin."Girl bat ang tagal mo sa cr?" tanong ni Roxanne sa akin
"Wala dami kaseng umiihi eh kaya natagalan ako." sabi ko na lang
Hindi ko na sinabi yung nangyari kanina kase baka balikan pa ni Roxanne yung mga yun.
Mag aala-una na ng umaga pero andito pa rin kame sa bar at hanggang ngayon umiinom pa rin kame, tangina lasing na ako sakit na ng ulo ko at parang gusto ko na lang humiga dito sa upuan at matulog na lang.
"Girl wag ka matulog diyan di ka namin mabubuhat." sabi ni Angela sa akin
Inom pa rin kame ng inom ng nag aya ng umuwi si Dave at Marco.
"Guys tara na uwi na tayo tsaka umaga na magsasara na itong bar."
sabi ni Dave sa amin"Ayoko ko pa umuwi." sabi ko sa kanilanh lahat
"Girl tara na umuwi na tayo mag-uumaga na." sabi ni Angela sa akin
"Eh sa ayoko pa nga umuwi eh." sabi ko sa kanila
Gusto ko magwala tangina, gusto ko ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko ngayon, na yung ka isa isang lalaking mahal ko eh engaged na pala. Syempre sino ba naman kase ako para mahalin ng isang Lanze Salazar. Palagi na lang ako yung umuuwing luhaan, talunan, at higit sa lahat hindi kamahal-mahal.
"Girl ano ba lasing ka na kaya tara na uwi na tayo." pagpupumilit sa akin ni Angela
"Ayoko nga umuwi tangina." sabi ko sa kanila
Roxanne Pov's
"Angela anong gagawin natin dito kay Chloe eh ayaw umuwi, baka mamaya magwala ito dito." sabi ko kay Angela
Nauna na kaseng umuwi si Marco at Dave kase may klase pa sila bukas, syempre kame meron rin pasok pero nakakahiya naman kung paghihintayin pa namin sila kaya pinauna ko na silang umuwi.
"Oy girl lumabas si Chloe, gaga talaga ito may balak pa atang magwala." sabi ni Angela sa akin tas tumayo na kaming dalawa para sundan si Chloe.
Pagkalabas namin naabutan namin siya na nagwawala sa may kalsada.
"Tangina niyo lahat, ginagawa ko naman lahat para mapansin mo ako...
Okay lang naman sa akin putangina kung ayaw mo akong kausapin kase nga diba kasalanan ko, pero ang hindi ko matanggap tangina eh iyong ikakasal ka na, kase ang sakit na sakit, sagad na yung sakit." sigaw ni Chloe habang umiiyakParang ako yung nasasaktan kapag nakikita ko yung kaibigan ko na nasasaktan dahil lang sa isang lalake.
Di naman kasalanan ni Chloe kung bakit nangyari yung aksidenteng yun, siya ang sinisisi ng lahat dahil sa pagkawala niya."Roxanne, tangina di ko kaya na nakikita si Chloe na ganyan." sabi ni Angela sa akin sabay pahid ng kanyang mga luha
Iyak lang ng iyak si Chloe ayaw magpaawat, alam kong masakit yung pinagdadaanan niya kaya hinahayaan na lang muna namin titigil rin siya pag pagod na.
"Roxanne kunan mo nga ako alak doon, yung pinaka malakas na alak ang kunin mo." sabi ni Chloe sa akin habang umiiyak pa rin
"Ano ba Chloe papatayin mo ba yang sarili mo sa alak tangina, may bukas pa hindi yung oras oras kailangan mong uminom." sabi ni Angela kay Chloe na galit na
"Sabi niyo inom lang ako ng inom tas ngayon pipigilan niyo ako." sabi ulit ni Chloe sa amin
"Oo sinabi namim yung Chloe, pero hindi ganyan na, na sa tuwing nasasaktan ka kay Lanze yung alak ang hahanapin mo, tangina Chloe andito kame, andito kame ni Roxanne para makinig sayo kase kaibigan ka namin, mahal ka namin." sabi ni Angela kay Chloe na umiiyak na
"Ayaw niyo kumuha pwes ako ang kukuha." sabi ni Chloe tsaka tumayo sa kalsada
Ang tigas ng ulo ni Chloe, lasing na lasing na nga siya iinom pa tangina.
"Chloe ano ba, alam namin na nasasaktan ka ngayon dahil ikakasal na si Lanze pero huwang naman ganito." sabi ko kay Chloe
"Oo tangina nasasaktan ako, alam niyo yung sakit na nararamdaman ko sagad sagad na, naipon kase yung sakit dito sa puso ko, kaya nga ako iinom para makalimot man lang sandali, kase ang sakit sakit na talaga." sabi ni Chloe ng umiiyak
"Naiintindihan ka namin Chloe, alam namin kung gaano kasakit yan pinagdadaanan mo ngayon pero pwede umuwi na tayo dahil ang dami ng taong nanonood sa atin dito." sabi ko kay Chloe ng mahinahon
"Tangina wala akong pake sa mga taong nanonood diyan basta ang gusto ko alak." sabi ulit ni Chloe sa amin
"Putangina Chloe." sabi ni Angela
"Kung gusto niyo ng umuwi edi umuwi kayo, ganyan naman kayong lahat eh iniiwan niyo na lang ako palagi, alam ko naman yun eh na hindi ako ka mahal mahal at hindi ako kapili-pili." sabi ni Chloe ng umiiyak
Di ko na alam gagawin ko kay Chloe, pero may alam ako na isang taong makakapag pa tahan sa kanya.
YOU ARE READING
Chasing That Boy
Teen FictionHi everyone my name is Chloe Rivera, and yes mayaman kame kaya nga nasa akin na lahat ng gusto ko, pero may isa akong hiling na hindi matupad tupad at iyon ay mahalin ako ng taong mahal ko. Okay naman noon nung mga bata pa kame, kaso nga lang sa isa...