Chen is an aspiring singer. May banda sila na tumutogtog sa maliliit na bars and events. Kasama niya sa banda ang best friend na si Jae. Kababata niya rin ito. Secret crush ni Jae si Chen. Simula pa noong mga bata pa sila. Mapagbiro si Chen kaya "troll" ang tawag sa kanya ng mga kaibigan. Hindi alam ni Chen na may pagtingin sa kanya ang best friend (kaya nga secret di ba?). Ang alam lang nya, hindi siya mabubuhay kung wala ito. Madalas silang magkasama. Simula pa noong 5 years old pa lang sila. Naging magkaibigan sila noong lumipat sina Chen sa probinsiya dahil sa may tinatakbuhang utang ang ama nya sa Maynila. Naging magkaklase sila sa kindergarten hanggang sa elementary at iisa din ang eskewalahang pinapasukan ngayong high school. Graduating na sila ngayong taon. Boyish si Jae, kaya siguro komportable si Chen sa kanya. Parehong Chinese ang mga magulang ni Chen pero dito na sa Pilipinas ipinanganak. Mahilig siya sa nusika, ganun din ang kaibigang si Jae kaya sila magkasundo. Kampante si Jae na balang araw malalaman din ni Chen ang nararamdaman niya at silang dalawa ang magkakatuloyan. Ito ang nasa puso't isip ni Jae hanggang isang araw, nakilala ni Chen ang babaeng nagpa-boom boom ng sleeping niyang heartu! Ang seste, no-way siya dun sa girlalou! As in, no no! (Excited ka na ba? Ako rin!) Let's start this story then...
wait!
Di ko pa pala napapakilala ang girl! Wag atat! This girl... Hmmm... Paanu ko ba siya idedescribe? Okay, si Clarice... ang weird ng personality nya. Siya yung tipo ng tao na maganda pero natatakot ang iba sa kanya. Wala siyang kaibigan sa school. Madalas siyang iwasan. Panu kasi ang paniwala ng mga kaklase nya, may "jinx" daw siya! (Alam mo ba yung jinx? Hindi? Bahala kang magresearch) Isa lang ang hindi naniniwala sa ganito...si Chen. Ang istoryang ito ay magsisimula sa unang pagkakataon na kinausap ni Chen si Clarice...