Nagmamahal

55 3 2
                                    


Sa mundo kong sinakop mo 

Mahirap makawala, mahirap makalimot


Hindi ko alam kung kaninong kasalanan

Pareho tayong napatingin sa kawalan


Anong nangyari sa dekada nating pagsasama

Paanong ang pagmamahalan ay nauwe sa wala


Mga panahong tayo'y masasaya't maligaya 

Bakit ngayon hindi mo na maala'ala


Bakit tila tayo'y bagong magkakilala?

Bakit tila ang layo layo mo na?


Mahal, ako pa ba ang may kasalanan?

Na binigay ang lahat dahil ayaw kong magkulang..


O ikaw? na nagpaka perpekto noon...

Na siya namang kinasanayan ko ngayon ☹


Pero ngayon, sobra sobrang luha na ang dulot mo..

 Gayunpaman, pagmamahal ko'y walang ipinagbago


Tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo

Kakayanin ko ang sakit nang pambabalewala mo


Masabi mo lang, tunay na dahilan nang biglaang panlalamig mo

May iba na ba sa puso mo? At natabunan na ang masasayang ala ala ko


Sabihin mo naman tunay na dahilan

 Para di ako nagmumukhang tanga tangahan



**** end****

NagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon