Chapter 4

17 4 0
                                    


Cindy's POV

(6 months after)

"Ma aalis na po ako!" Sabi ko kay Mama na nasa kusina.

"Mag-iingat ka" Kumuha ako ng dalawang slice breads sa mesa atsaka umalis.

Saktong nakita ko si William na naglalakad mag-isa. Well lagi naman siyang mag-isa.

Binilisan ko yung lakad para maabutan siya.

At nung nakalapit na ako ay dire-diretso akong naglakad at hindi siya pinansin. Naramdaman ko yung paglapit niya sakin at ginulo yung buhok ko.

Nung araw na rin yun ay tinanong niya ako at ako naman tong marupok ay umoo sa kanya. Natupad na rin yung matagal ko ng hiling at akala ko talaga ay di na matutupad

Ang kaso lang hindi ako nakapunta sa laban ni Dave. Humingi ako ng tawad sa kanya at pero bumawi naman rin ako.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya at inabot ko yung tinapay pero umiling siya. "Di ko naman talaga sayo to ibibigay" biro ko sa kanya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko. "Di ko na to bibitawan" bwesit kilig ko abot tenga dahil sa sinabi niya hahahahaha.

Sa anim buwan namin ay masasabi kong sobrang saya naming dalawa.
Marami na rin kaming nagagawa bagay na magkasama kami. Ginawa namin yung dati naming ginagawa nung bata pa kami.

Sabay na rin kaming pumasok at umuwi galing sa school. Nagsusungit pa rin naman siya kapag nangungulit ako.

Kung di dahil sa plano nila noon ay baka galit pa rin ako sa kanya. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanila hahaha.

*

*

*

*

After 3 years still strong pa rin kami pero netong mga nakaraang araw ay sa bahay na lang kami nagkikita. Naiintindihan ko na mahirap yung course niya at di rin ako matapos-tapos sa pagdadrawing.

Ilang linggo na lang din kasi ay gagraduate na ako. Pareho na rin kaming walang time sa isa't isa kaya ngayon araw ay gusto ko siyang supresahen.

Gusto ko sana na pumunta kami ng park at para makapag-usap na rin.

"Uyy sumama ka na kasi" yaya sakin ni Eunice.

May nag-ooffer ang isang malaking company na pwedeng magtrabaho sa france. Gustong-gusto kong sumama pero di ko naman makikita si William.

"Pag-iisipan ko" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tara na kasi!" Sabi niya at para siyang bata na nagwawala sa kama. Tawa ako nang tawa sa ginagawa niya.

Hayss kahit na graduating na kami ay mukha pa rin kaming immature.

"Oh siya, susunduin ko pa si William" sabi ko at nagpaalam na ako sa kanya.

"Sana all"



***

Halos ilang minuto akong nag-antay sa labas ng room nila at sakto na ring naglabasan na sila. Inaantay ko siyang lumabas ng room pero hanggang sa huling taong lumabas ay di ko siya nakita.

"Si William ba nakalabas na?" Tanong ko sa isang lalaki na nakakalabas lang ng room.

"Si William? Matagal na po siyang di pumapasok"

Bigla na namang tumigil yung mundo ko sa narinig ko.

"Salamat" sabi ko sa kanya.

(8:00 pm)

Shooting Stars | Short Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon