10

17 0 1
                                    

"Ba't ganyan mukha mo?" Tinawanan ako ni Tricia pagpasok sa bahay, kasunod niya si Nicole. Mag-iisang oras na akong nakadapa sa sofa, nag-iisip. Putangina naman kasi nila Zeke at Chase.






"Baka nastress sa dalawang varsity." Umiling-iling pa si Nicole. Umupo sila sa sofa sa harap ko.






"Ano na?" Tinaasan akong kilay ni Tricia. Antagal ko silang hinintay makauwi para lang makapagkwento ako.





"Tangina kasi." Umayos akong higa, "Nagsagutan si Zeke at Chase kanina sa tapat ng field."






"Tapos?"






"Tinatanong ni Chase kung anong problema ni Zeke, istorbo raw siya. Akala ko nga magsusuntukan eh."






"Kapal naman ng mukha mo para isiping magsuntukan sila para sa'yo. Ganda ka teh?" Nagtawanan sila ni Tricia.





"Tangina niyo." Inirapan ko sila. "Hindi ko sila maintindihan."






"Manhid mo kasing gaga ka." Binatuhan akong unan ni Tricia.






"Paano ako naging manhid?"






"Hindi mo ba nakikita? Gusto ka ni Zeke."






Paano naman mangyayari ulit yun? Eh nakamove on na nga yun sa'kin. Lasing lang talaga siya nung isang gabi kaya niya natanong ang mga yun.





"Ulol." Yan lang nasagot ko.






"Ulol ulol ka diyan. Yan kasi ayaw mo maniwala." Binato pa ulit akong unan.






"Hindi ako gusto ni Zeke, okay? Andaming babae non at andaming nagkakagusto sa kanya so bakit naman ako ang magugustuhan niya? Bulag ba siya?"





Totoo naman kasi. Ang daming naghahabol doon kaya bakit naman ako ang pipiliin niya? Kung tutuosin kayang-kaya niyang magpalit ng babae everyday and the girls would be fine with it.






"Eh si Chase? Alam mong gusto ka ni Chase?"






"Chase? Dafuq? Okay lang kayo?" Tiningnan ko silang masama. "Ang suplado ng lalaking yun! Dami ngang nagkakagusto sa kanya pero wala naman siyang pinapansin."





"Eh ba't nagiging malapit kayo recently?" Tinaasan ako ni Nicole ng kilay.






Tinaasan ko rin siya, aba akala niya ha. "Kasi may project kami at pair kami doon."






"You're dumb as fuck, Alyxa." Sabi ni Tricia.






"In denial siya, sis." Nagtanguan sila.






"Yeah, I'm dumb." Sabi ko tapos nagtakip na lang ng mukha gamit kamay. I want to cry.






"Stop blocking out the feelings, Lyx." Marahang sabi sa'kin ni Tricia.






"I can't. It'll hurt." Sabi ko.






"Huwag mong pilitin." Bulong ni Nicole pero rinig ko pa rin.






Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa, nagising ako around 10 PM na at hindi pa rin ako nakakakain. Pagbukas kong phone, marami akong unread messages.





Lans Ezekiel: Nakauwi ka na?






Lans Ezekiel: Hoy






The Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon