Chapter 40

103K 1.9K 666
                                    

Chapter 40
***

"Let's have a round of applause to Mr. Archer Teo Toretto."

Nag palakpakan kaming lahat habang naglalakad sya papunta sa podium Kung saan mag tatalumpati sya.

Pinaningkitan ko sya ng Mata ng Hindi matanggal ang tingin nya sakin. Nginitian nya muna ako bago nilibot ang tingin sa paligid.

"Mommy? Magsasalita si daddy?" Tanong ni Achilles na nakaupo sa tabi ko.

Nginitian ko sya at tumango. Hinalikan ko ang nuo nya at nag angat na ng tingin Kay Teo na masayang nakatingin pala samin bago ilibot ulit ang paningin at nag simula ng mag talumpati.

Mangha Kong pinanuod ang asawa ko na seryosong nag sasalita sa harap ng maraming tao.

Sa sobrang seryoso nya Hindi mo aakalain na minsan may sayad sya sa utak. Mahina akong napakagat labi para pigilan ang tawa ng maalala ko ang kabaliwang ginawa ng mag ama ko.

Parehas silang may suot na brief sa ulo habang kunwari ay nag babarilan sila pero ang gamit nila ay ketchup.

Imbes na magalit ako nag pipigil ako ng tawa at nag kunwaring galit. Agad na nag sumbong si Achilles na si Teo ang pasimuno at aapila Sana si Teo pero nginusuan nalang ako.

Mas makulit pa sya kaysa sa anak nya.

Napayuko ako para pigilang tumawa ng malakas ng maalala ko iyon.

Napaangat ako ng tingin sa stage ng tumigil si Teo sa pag sasalita. Gulat ko syang tinaasan ng kilay ng maabutan ko syang nakatingin sakin.

"You okay baby?" Tanong nya habang nag aalala akong tinitignan.

Namumula ang pisngi ko sa sobrang hiya dahil may iba na tumitingin sakin. Tinanguan ko sya at pinanlakihan ng Mata para tumuloy na sya sa pag sasalita.

Madiin nya muna akong tinignan bago tumuloy na sa pag sasalita.

Tumayo na ang iba para tumaas na ng stage at tanggapin ang diploma nila. Nang oras na para kami naman ng mga classmates ko ang tumaas ng stage tumayo na kami.

"Stay here Achi, hmm?" Sabi ko sa anak ko at hinalikan sya sa nuo.

Tumango sya at hinalikan ako sa tungki ng ilong ko. "Yes mommy."

Nag lakad na ako at habang nag lalakad kami papunta sa stage may narinig akong pinag papantansyahan si Teo.

"Ang pogi ni Mr. Toretto"

"Ang hot nya."

Sabi ng dalawang babae at Sabay silang kinilig. Huminto ako sa likod nila at tumikhim para makuha ang atensyon nila.

Matamis ko silang nginitian ng gulat nila akong tinignan.

"S-sorry po Mrs. Toretto." Sabi nila at hilaw akong nginitian.

Nginitian ko nalang sila at inilingan bago sumunod na ulit sa pila. Matapos mag propose ulit ni Teo Alam na ng buong school Kung saan ako nag aaral na matagal na kaming kasal.

"Celine Savannah Cullen Toretto, Summa Cum laude." Tawag sakin. Tumaas ako ng stage at nakipag kamay at nag pasalamat.

"Mr. Toretto." Tawag ko Kay Teo ng sya naman ang kakamayan ko. Inabot ko ang kamay ko sakanya at hinintay na abutin nya pero nagulat ako ng hatakin nya ako sa bewang at hinalikan sa labi.

"Congratulations, Mrs. Toretto." Aniya habang mag kalapit parin ang katawan namin.

Nahihiya Kong tinignan ang babae na sumunod sakin at hinihintay na makipag kamay Kay Teo.

HAVING CEO'S BABY [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon