Chapter 5

26 4 1
                                    


Cindy's POV

Ang bilis ng panahon.. after 3 years ay nakabalik na rin ako sa pilipinas. Sobrang dami kong namiss dito at ang hirap isa-isahin.

Sa 3 years na yun ay marami na rin akong nalibot na iba't ibang bansa kasama sina Mama at Papa. May naipundar na rin akong bahay at kotse.

"Tara na!" Sobrang excited si Eunice na libutin ulit tong lugar na to.

"Magshopping muna tayo para tayo ang pinakamaganda bukas"

Hays isip bata pa rin talaga tong si Eunice kaya walang nahahanap na jowa e.

"Let's go!" Sigaw ko at tuwang-tuwa kaming dalawa na parang kakalaya lang sa preso.

Pipili kami ng dress para bukas at ang gusto ni Eunice ang pinakabongga sa lahat. Gusto niya na kaming superstar hahahahahahahaha.

"Alin maganda dito?" Tanong niya at pinapili niya ako sa dalawa.

"Gaga puting dress daw bat may pula" sabi ko.

Lumipas na yung panahon pero makulit pa rin kaming dalawa.

Ring... ring...

Nakita kong tumawag si Mama sakin kaya sinagot ko muna.

"Ready na ba kayo para bukas?" Tanong niya sakin.

Lagi naman kaming ready ni Eunice. Baka nga malate pa sila bukas dahil sa sobrang tagal magmake-up ni Mama.

"Opo" sabi ko.

"Ready ka na ba talaga?" Tanong niya ulit sakin pero may kasama nang pangangasar.

Biglang lumawak ngiti ko sa sinabi ni Mama. "Syempre ako pa ba"

Nagpaalam na siya sakin at pinatay na rin yung tawag.




***

(Wedding Day)

Nakarating na kami sa venue at suot-suot ko yung regalo niyang necklace.

"Cindy!" Sigaw sakin ni Tita.

Sobrang ganda na ngayon ni Tita para na siyang may-ari ng isang hacienda.

"Naku Tita grabe sobrang ganda mo na" pambobola ko sa kanya.

"Syempre ako pa ba" at sabay-sabay kaming nagtawanan.

"Tita pwede ko bang makita yung bride?" Sabi ko sa kanya.

Gusto kong makita kung magkasing ganda kaming dalawa.

Tinuro ni Tita sakin yung isang room. Iniwan ko muna saglit para puntahan siya.

Kumatok ako at saka ko binuksan yung pinto.

At hindi ako nadisappoint sa pinili ni William hahahahaha marunong talaga siyang pumili. Masasabi kong maganda siya pero hindi naman ako magpapatalo.

"Hi!" Medyo nahihiya pero excited yung pagkakasabi ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya para mas magkausap pa kami.

"Ikaw ba si Cindy?" Nagulat ako nung alam niya yung pangalan ko. "Lagi kang kinukwento sakin ni William" masayang kwento sakin.

Baka kung ano-ano sinabi ni William tungkol sakin ah.

"Ah wag kang mag-alala, hindi ko kayo guguluhin" linaw ko sa kanya.

Hinawakan niya yung kamay ko katulad lang kung pano ako hawakan ni William. Mukhang tinadhana talaga silang dalawa.

"Alam ko. Nagpapasalamat pa nga ako dahil isa ka daw sa nagpabago sa kanya."

Mygosh ang drama naman pala ng asawa ni William. Medyo na-awkward ako habang sinasabi niya yun sakin.

Ewan ko kung mararamdaman ko, medyo magaan sa pakiramdam pero sobrang sakit naman.

Magaan dahil nakahanap si William na katulad niya pero masakit dahil hindi ako yun.

"Ikaw ang dahilan ng lahat" makikisabay na lang ako sa dramahan na to. Di naman kasi ready sa ganito.

"Okay na po maam" biglang sabi nung isang lalaki. Hudyat para handa na ang lahat para sa kasal.

"O siya, ito na ang pinaka-iintay niyo"

Tumango siya sakin at umalis na rin ako pagtapos. Pero habang naglalakad ako bigla akong may naramdaman na basa sa pisngi ko.

Umiiyak na pala ako.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Eunice na kakaupo ko lang sa tabi niya.

"Ang drama kasi nung bride" pagdadahilan ko.

Nakita ko si William na nakatayo sa harapan at inaantay ang bride. Di pa rin nagbabago yung itsura niya at sobrang gwapo niya pa rin.

Nagsimula na rin yung kasal, ang kasal na pinaka-aantay ko para sa kanya. Kita ko yung ngiti niya at yun ang pinakamagandang ngiti na nakita ko mula sa kanya.





*

"Mabuhay ang bagong kasal!!" Sigaw ng bawat isa sa amin.

Isa silang perfect couple at sigurado akong napakaganda ng inaanak ko niyan.

Ilang oras na rin kaming nandito at nababagot na ako. Puro lang kasi kwentuhan sina Mama at Tita. Si Eunice naman di matapos-tapos kumain.

Magpapasundo na lang ako sa kanya.

Mabuti pa dito sa balcony, sobrang lamit at nakakasama ko pa yung mga stars.

"Kumusta ka na?" Nagulat ako ng may biglang may nagsalita.

Syempre di ko makakalimutan yung boses niya.

"Ayos lang, congrats pala" sabi ko kay William. Ba yan Cindy ang corny talaga ng mga sinasabi mo.

3 years rin ng muli ko siyang maka-usap.

Tumingin siya sa taas kaya napatingin na rin ako doon.

"Hays ang ganda ng ending na to" sabi ko sa kanya pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Nakita kong may dumaang shooting star. "May wish ka?" Biglang tanong niya sakin.

Para saan pa ba ang lahat ng wish ko.

"Sana ito na yung happy ending natin pareho." Yan ang wish ko kay shooting star.

"Sigurado akong matutupad yan"

Nakatingin siya sakin at sobrang ganda ng ngiti niya.


"Ms. Cindy" biglang may tumawag sa pangalan ko. Naka-formal attire at mukhang siya na yung taong inaantay ko.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit.

Yung hawak na hindi ko na siya bibitawan.

"Si Dave pala, boyfriend ko"

Almost 1 year na rin nung sinagot ko siya. Halos 4 years ba namang kaming magkasama ni Dave sa ibang bansa.  Di siya napagod kakakulit sakin hanggang sa na-inlove na lang ako.

Pinakilala ko na rin kay Mama at Papa at syempre kay Eunice. At ngayon napakilala ko na rin siya kay William.

Ngumiti si William nung sinabi ko yun at alam masaya na rin siya para sakin.

THE END...

*

"Anong miss Cindy?" Nakunot na tanong ko habang papaalis kami sa venue.

Nilapit niya yung mukha niya patungo sa tenga ko.

"Malapit ka na rin maging misis"

"Sira ka ba!" Binatukan ko siya pero deep inside kilig na kilig ako sa sinabi niya.

"Uyyy" nagulat kami pareho nung pumagitna samin si Eunice. Hinawakan niya pareho yung kamay namin. "Hindi niyo pwedeng gawin yan ng wala ako"

Hahahahahahahahahahahahaha...

"Let's go!" Sigaw naming tatlo.

Sobrang saya na dumating sila sa buhay ko.

Shooting Stars | Short Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon