CHAPTER 1: Strangers
"Sir, crush po ni Jasmine si Patrick!" shit. eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Bakit kasi sinabi ko pa sa kanila, nalaman na tuloy ng iba.
"Hangal! Kwento mo Ayen!" tara na't mag deny.
Two weeks after...
"Jas, ikaw na magmake-up sa mga characters ha?" It was my classmate. May event kasi ngayon sa school.
"Okay! Sinong next?" sigaw ko sa mga classmates kong kailangan ng make-up.
"Ako.." Si Patrick
Sinimulan ko na siyang ayusan. "Pikit ka lang, Pat"
Biglang nag-ingay yung puso ko. Anong problema nito?
Ang ganda ng hugis ng mukha niya, yung mata niya, yung ngiti niya. parang may kakaiba sa kanya
I want to know him better..
Nakatulog na ang halos lahat dahil sa pagod sa pag-aayos at pag-aasist sa mga students. Yung iba sa loob ng classroom samantalang yung iba sa corridor lang.
At ako, eto sa labas nakatayo at hinihintay siya...
SIYA na hanggang ngayon inaasahan ko na babalik sakin.
"Jas, upo ka oh." sabay bigay ng upuan sakin at biglang tumalikod. Gentleman pala si Patrick.. ung puso ko.. bakit ganito?
AYUN! Nakita ko na siya! Naglalakad sa 3rd floor kasama yung 'kaibigan' niyang babae.
I was hoping na sana ako na lang yun
Ako na lang yung kasama niya
Ako na lang yung kausap niya
yung tipong parang dati lang.
I miss him so much. His voice, his face, his hands, his laugh. I miss everything about him.
sana maibalik pa yung nakaraan.
"PUMASOK NA KAYO DITO SA LOOB! MAGLILINIS NA TAYO!" as usual si Ms. President sumisigaw na naman.
Busy na silang lahat pero si Patrick hindi. Para siyang tanga na sumasayaw, parang walang pakialam sa mundo, ang saya niyang tignan lalo na kapag ngumingiti
"matunaw, bakla!" eto na naman po sila -_-
I have six close friends dito sa room. Sila yung mga babaeng parang hindi babae. If you know what I mean
Si Ayen na madalas kong kasama. Mabait siya pero sobrang daldal. Maldita like me and she's the famous one.
Pranka, makulit, grade concious, seryoso sa mga bagay bagay and NBSB that's Thea
Ang clown ng grupo, laging may hirit na kwento tungkol sa boylet niya harhar and our dearest Beauty Queen, si Shaina.
Dana, the great martyr I've ever met.
Everytime I heard the word 'k-pop' siya lang ang pumapasok sa isip ko, it's Venice. She is very independent I love her personality.
Si Elyn, sa kanya ako naiinggit kasi meron siyang Edcel na mahal na mahal siya. She's our 'Ate' in the group.
At syempre ako na hindi pa pala nagpapakilala simula ng magumpisa itong story na 'to.
I'm Jasmine Estrada the 'strong' girl. Ako yung pinaka moody, suplada, mataray and straight to the point sa amin. And I don't care kung sinong naiinis sa ugali ko, I'm not born to please everybody.
"Maganda yan be. Siya na lang Para makalimutan mo na si Eljay" hay nako Shaina. Please, not now.
"Eljay? Sino yun?" pero kanina lang hinahap ko siya -__-
"May mga bagay kasi na kailangan mong tanggapin na wala na. Hindi ikaw ang nawalan. Siya ang totoong nawalan kasi hindi niya pinaglaban yung babaeng minahal siya ng totoo"
eto na naman ang mga luha ko. Nagbabadyang tumulo, napaka traydor talaga nila.
Siguro panahon na para i-let go ka. One day magigising na lang ako, hindi na kita mahal at hindi na kita muling mamahalin pa.