Chapter 9
Sinabi saakin ni Devon na sa susunod na buwan ang kanyang alis papuntang manila. Pero January 29 na ngayon at dalawang araw nalang ay february na. Dalawang araw ko nalang makakasama si Devon.
At ngayong andito ako ngayon sa kotse ni Devon . Ihahatid niya ako sa bahay namin. Gabi na rin kasi. Ewan ko ba. Napakasaya ko ngayong araw na to. Hindi man ako tanggap ni Ma'am Belle ay tanggap naman ako ni Devon.
Matatanggap rin naman siguro ako ni Ma'am Belle. Pero di pa sa ngayon lalo na't aalis si Devon para sa business nila.
Habang nagdadrive si Devon ay kinuha niya yung kamay ko at marahan niya itong hinawakan at hinahalik-halikan.
Tumingin ako sa kanyang perpektong mukha. Wala na akong mahihiling pa. Pero kinakabahan ako pagdating sa magulang ni Devon. Matatanggap kaya nila ako? Girlfriend ni Devon ay isa lamang katulong at hindi pa nakapag tapos ng pag-aaral.
"Sweetheart what are you thinking?" Tumingin siya saakin sandali at binalik ang tingin sa daan.
"Masaya lang ako dahil gusto mo rin pala ako Devon" kita kong kinagat niya yung labi niya at ngumisi.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Nagulat ako ng makitang may kuryente na kami.
Tinigil ni Devon sa gilid yung sasakyan niya kaya bumaba na ako sakanyang kotse at hinarap yung bahay namin? Pano? San nakuha ni Mama yung pera pambayad ng kuryente?
Narinig ko yung yapak ni Devon hanggang nasa likod ko na siya. Hinawakan niya yung bewang ko at niyakap ako patalikod.
"Pumunta ako dito nung isang araw. Nakita kong wala kayong kuryente kaya nung umalis ka papunta sa bahay ay binayaran ko yung kuryente niyo" paliwanag ni Devon.
Lumayo ako ng unti sakanya at tinignan siya ng hindi makapaniwala. Ginawa niya yun?
Huminga muna ako ng malalim at tumingin ulit sakanyang mukha.
"Devon hindi mo na dapat yun ginawa, nag tatrabaho ako para magka pera. Binabayaran niyo naman ako ng tama" sabi ko.
Nakitang sumimangot siya sa sinabi ko. Ang kyut. Napangiti tuloy ako.
"Pero sa susunod na buwan pa yung sahod mo. Ano? Sa susunod na buwan rin kayo magkakakuryente? Hell no! Ayaw kong may kumagat na lamok sayo" maktol niya.
Napailing nalang ako sakanyang ginawa. Pinapasok ko siya sa bahay namin pero sabi niya ay kailangan na niyang umalis dahil may lakad pa siyang importante. Di ko na siya pinilit pa.
"See you tomorrow" ani niya at hinalikan ako sa labi ng mabilis.
"See you, ingat ka sa daan" pumasok na siya sa kanyang kotse at pinaharurot na ito palayo.
Ilang araw lang kaming magkakilala tas naging mag jowa na kami. Wala ka na talagang magagawa pag itong puso na mismo ang tumibok.
Pumasok ako sa bahay ng may ngiti sa labi. Nakita ko si Mama na kumakain ng kung ano habang nanonood ng T.V.
Napabaling siya saakin at agad naman siyang tumayo ng makita ako."Nak andito ka na pala." Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa kwarto ko. Wala na ako sa mood kausapin siya ngayon.
Ilang sandali pa may kumatok sa sira kong pintuan.
"Nak pwede ba tayong mag-usap?" Napabuntong hininga nalang ako at binuksan yung pinto. Nakita kong hindi makatingin saakin si Mama.
BINABASA MO ANG
La Hacienda [COMPLETED]
Короткий рассказIsa lamang trabahador sa Hacienda si Alliah nang makilala niya ang dalawang magkakapatid na Estabillo. Nung una ay hindi naniniwala sa Love at First Sight si Devon pero nung makita niyang nawalan ng malay si Alliah ay nakita niya ang pinakamagandang...