Feel ko na medyo bitin yung story. Kaya lalagyan ko ng epilogue. Continuation lang to and sana di kayo ma disappoint >__< Enjoy :)))
-nezzyah
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
After Luhan pulled away, he gently tugged on my arm at dinala niya ako sa backstage habang patuloy pa rin sa pag cheer yung mga tao. Maya maya, sumunod na sa backstage yung mga ka-members niya at isa isa niya silang pinakilala sa'kin.
All the while, hawak hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. "Nice to meet you!" Sabi nilang lahat.
"A-ah, hello." Namumula ko naman na sabi.
"Alam mo ba, lagi kang bukambibig niyang si Luhan hyung." Pangaasar naman ni Sehun at namumulang tinulak siya ni Luhan. I laughed at them. Para lang silang mga batang naglalaro.
"Dun ka na nga! Shoo! Maguusap pa kami!"
"Sus!! Gusto mo lang masolo si Yasmin!" Dagdag pa ni Chen at pinagtulakan pa rin sila ni Luhan. Nakakatuwa talaga sila tignan.
"Oh tama na yan. Tara na. Andyan na si manager hyung." Sabi naman ni Suho at isa isa na silang lumabas. "Luhan?"
"Susunod na lang ako sa dorm." Hinawakan ulit ni Luhan yung kamay ko at namula ako. Umalis na din si Suho kasunod ang iba pa nilang mga members.
Nung napagisa na kami, he hugged me tight, bringing his lips to my ears. "God I miss you so much."
"I missed you too," sagot ko naman. Medyo kinakabahan ako. Then I took a deep breath. "And Lu,"
"Yes love?"
"Someone's waiting for you at home."
Humiwalay siya sa'kin at tinitigan ako sa mata. His face was a mask of confusion and curiosity at tumango ako sa kanya. "Kamukha mo siya. A-at.. Kamukha ko din. But he mostly got your eyes," medyo naluha ako. "And, and he's 4 years old now."
"Yas...? Are you telling me that..." Hindi naituloy ni Luhan ang sinasabi niya at tinitigan lang niya ako. I nodded, wiping a tear that slid from my eyes.
"Yes Lu, y-you're a dad."
Akala ko magugulat siya. Akala ko hindi niya matatanggap at babawiin niya lahat ng sinabi niya kanina kapag nalaman niyang may anak kami. That what happened between us five years ago grew to be something beautiful. Oo, may anak kami. At mahal ko ang anak ko. Anak namin.
Five years ago, pagkatapos ng operasyon ko, the doctor congratulated me dahil successful ang operasyon. At sa doctor din mismo nanggaling na may bata palang nasa loob ng tiyan ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. I felt so happy na malaman ko na may anak na ako. At ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na ipalaglag ang bata dahil siya na lang ang magiging alaala ko kay Luhan.
Just when I thought that Luhan would take away everything, he suddenly hugged me tight, tears were streaming down his face. "Yas, I, oh god.." Hindi siya makaimik. He looked straight in my eyes and kissed me passionately. "Yas you don't know how happy I am right now! I'm a father!" Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. And there was that childish grin on his face as tears flowed down his cheeks. "May anak tayo!"
"Yes Lu. May anak ka. May anak tayo." Naluluha kong sabi and I hugged him back. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko!
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Uh, hindi muna ako uuwi diyan sa dorm."
"Ha? Bakit? Miss ka na daw ni Sehun!!"
BINABASA MO ANG
Don't Go
Fanfiction"Sabi mo... Sabi mo hindi mo ako iiwanan." "Sinabi ko lang yon." "Pero nangako ka sa'kin. Nangako ka na --" "Luhan. It's over."