Chapter 8

331 8 1
                                    

Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig ang malamyos na musika galing sa orchestra. Napakasarap sa pandinig. Hindi ko maiwasan na sundan ang pinagmulan nito. Bumangon ako mula sa aking malambot na kama at pinaradahan ang tingin sa kabuohan ng kwarto.

Masyadong malaki ang kama na ito para sa isang tao lang. Marami rin ang palamuti na nakasabit sa kisame na sinabayan pa ng mga nakakamanghang maniobra. Halos masilaw din ang aking mata sa mga kulay ginto na paligid. Mabuti na lang talaga at may mga bulaklak na naka-paso ang siyang umaagaw sa atensyon ng silid.

Hindi ko alam kung kaninong silid ito. Pero sa palagay ko'y kasya ang tatlong tao sa loob.

Binuksan ko ang pinto at hinanap ang pinanggalingan ng musika. Kahit pala sa labas ay nagkalat din ang mga gintong bagay at bulaklak.

I stun when I saw people dancing graceful. They are wearing an elegant medieval dress. Sa gilid nito ay ang orchestra na masayang pinapatugtog ang malamyos na musika. Para akong masa loob mg eleganteng palasyo dahil sa lawak at ganda ng paligid.

The whole place were shade with gold. Maging ang dalawang hangdanan pababa ay nababalutan din ng kulay ginto at pinatungan ng pulang carpet. May malaking salamin na nakapaligid, at kitang-kita ko mula rito sa taas kung gaano kasaya ang bawat tao sa lugar na ito.

Nang mapansin nilang nakatanaw ako sa kanila ay agad na napukaw ang kanilang atensyon at marahan na yumuko. May iba na nagbigay pa sa akin ng mga bagong pitas na bulaklak habang binabati nila ako. Hindi ko masyadong marinig ang kanilang sinabi. Hindi naman maingay. Kung tutuosin ay napakatahimik ng paligid. Maging ang myembro ng orchestra ay walang nagtangka na putulin ang katahimikan.

Hanggang sa nakaabot ako sa gitna. Nag-umpisa nang tumugtog ang piano at sinundan ng plawta hanggang sa nabuo ang isang napakagandang piyesa. Mula sa malayo ay natatanaw ko ang pamilyar niyang mukha. Yvan was wearing a plain white polo, at nakalukot ang sleeve nito. He's hair were brush and gel. He was smiling at me like he have been waiting for me to see. He was like a disguise prince in the middle of crowd, taking everyone's attention.

He bow at me at ask my hands to dance. Kusa ko rin namang tinanggap ang kaniyang kamay. In the middle were I have forgotten how dangerous he is, I still found my way back to him.

Hindi kumibo si Yvan. Nanatili ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin hanggang sa natapos ang musika. Bigla siyang lumuhod, all the lights were off. Ang nanatiling bukas lamang ay ang ilaw na nakatuon sa amin. Napatingin ako sa malaking salamin.

I couldn't found his reflection on the mirror. I don't know where everyone go. Bigla na lang kasing tumahimik ang lahat. Para bang naging abandonado bigla ang kaninang kasiyahan.

"Mr. Yvan?" tawag ko sa kaniya. Malakas na umihip ang hangin.

"Mr. Yvan?" ulit ko nang hindi siya kumibo.

Lumapit ako sa kaniya pero halos takasan ako ng katawang lupa ko nang bigla na lang may nagsalita.

"You have to finish him, Jasmine."

Natagpuan ko ang babaeng nasa likod ni Yvan. Nakaupos sa mahabang sofa, may hawak itong red wine habang naka ikis ang mga paa. Nakasuot din ito ng red satan's dress.

Sinubukan kong tanawin ang mukha nito pero tila naging malabo ata ang paningin ko at naka-focus ang lahat sa mapupula nitong labi at pangil.

"Who are you?" tanong ko sa kaniya.

She moves her hands and in a glimpse, nakaupo na ako habang pinapatugtog ang piano. Agad na kumunot ang noo ko hindi ko man lang mapigilan ang mga kamay ko na gumalaw. Pabilis nang pabilis ang pagkilos ng daliri ko na para bang naghahabol ako sa piyesa.

"I am talking about Yvan, Jasmine. You have to kill him and avenge our race, Jas."

Marahan siyang lumapit sa akin bago niya inangat ang kamay ko. Panapahinto ako sa pagtugtog ng piano ko. Tinitigan niya likod ng palad ko kung nasaan ang hugis yin at yang.

"The countdown of your life has begun, Jas. Kill Yvan or else we're both dooms." She said.

"What do you mean?" Nilapit niya ang mukha niya. My whole attention were on her lips.

"Patayin mo siya upang maputol ang sumpa. Hindi mo maipaggaganti ang mga tao mo kung nakabuntot sa 'yo ang taong papatay sa 'yo." Tinuro niya ang tattoo.

"He won't kill me." Ganti ko sa kaniya.

"Gaano ka kasigurado? He's a monster, kid. You're not even special to him to make an exception," the lady fire back.

Mabilis kong binawi ang kamay ko at tiningnan siya. "Shut up! I won't kill him!"


Isang matinis na pagtawa ang pumuno sa buong silid na nanggaling sa kaniya. "Don't make me laugh again, Jasmine. You like Vincent right?"

Agad na nakita ko ang mukha ni Vincent na nakangiti sa akin. Ang expression niya noong nakita niya ako sa bathroom na may dugo, hanggang sa humantong noong sinakal siya ni Yvan. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Poor Vincent. I can see he loves you too," malambing niyang sabi.

"Who are you?" mariin kong tanong sa kaniya habang nakakuyom ang kamao ko.

"Does it matter?" She moves her hand again, and without another word, isang dagger ang biglang lumitaw sa aking kamay.

Napatingin ako rito. May bakas ito ng dugo, pero hindi ko alam kung ganino ito galing.

"How did you..."

"I am you, Jasmine." Putol niya.

Unti-unti ay naging malinaw ang kaniyang mukha. I saw her face. Para akong nanalamin.

Naglakad siya papunta kay Yvan na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin sa sahig at hindi kumikibo. He's still facing the floor. What is wrong with him?

Pumwesto siya sa likod ni Yvan. Hinawakan niya ang leeg nito at marahan na pinaharap sa akin. Napahakbang ako. Napatingin ako sa tila salamin na nakaharang sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko nang bigla na lang niyang dinilaan any mukha nito, pababa sa leeg. Hinalikan niya ang labi ni Yvan na agad din namang ginantihan ni Yvan. They both looking at me. She looks at me and smirks. Biglang nagsumon siya ng dagger and without other words, she slide her hands giving a deep slit on Yvan's neck.

"No!" Halos magwala ako nang makita ang dugo na nanggaling sa leeg ni Yvan.

"Mr. Yvan!" Sinubukan kong basagin ang salamin, pero masyado itong makapal.

"Mr. Yvan!" Tawag ko

Napatingin ako sa babae nang magsalita ulit ito. "Just accept it, Jas. I am you. Kapag namatay ka ngayon na hindi mo man lang nababawi ang kaharian natin, I swear aagawin ko ang lahat ng nasa iyo. And I'll fucking enjoy to slit Yvan's neck all over again and again."

"Kaharian?" Bigla kong sambit nang mag-umpisa nang mag unahan ang mga luha ko.

Is this a kind of joke!? Ano ba ang ibig niyang sabihin.

"Uh, the innocent Jasmine. Yes dear, you hear it right. Our kingdom. Our Ozz kingdom." Hinawakan niya ang kamay ko't binigay ang punyal.

"Hindi mo pa ba naalala kung saan ka nagmula?" She give me a mocking smile. "Hmmm. Time is ticking, Jas." Bigla na lang siyang naglaho.

"Ozz kingdom." Napapikit ako.







Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Sinalubong ako ng yakap ni nanay Rona nang nakita niya ang pagmulat ko. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto. Nandoon rin si Miss Joanna at si Sebastian nakasandal sa pader.

"Jas, hija."

Marahan niya akong inalalayang tumayo. Sapo ko ang ulo ko bago umupo.

"A-ano po ang nangyari?"

"Sa dami ng nawalang dugo sa iyo, you passed out," sabat ni Miss Joanna.

"How long have I been slept?"

"Three days," sagot ni nanay Rona.

Agad na naimulagat ko ang mga mata ko.

"Three days!?"

Napahawak ako sa ulo ko nang mapansin ko ang nasa likod ng palad ko. Suddenly, I remember my dream...I don't know if I consider it a dream because it was so real to me.

"Ozz..." bigla kong bigkas.

Napansin kong bigla na lang silang natigil sa kinatayuan nila.

"S-saan m-mo narinig iyan, hija?" utal na tanong ni nanay Rona.

Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot iyon. "I'm not sure, though."

Tiningnan ko si Miss Joanna nang mapansin kong kanina pa siya nakatitig sa akin.

"Did you know this tattoo?" Tukoy niya sa tattoo na nasa likod ng palad ko.

"I-I'm not sure Miss Joanna. But that day...all of my body was tainted with white and black...Bigla ring sumibol ang kakaibang sakit na para bang may gumuguhit sa palad ko."

"It's the symbol of a curse from the 69 Corporation," Sebastian said.

"Sumpa? Paano nila napasa ang isang sumpa na iyon sa isang mortal?" Tumayo si nanay Rona habang nakakuyom ang kamao.

"A-ano ba ang ibig ninyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Ang 69 Corporation ang siyang nagbibigay ng mga sinyales kung kanino at kailan nila ipapasa ang tinatawag nilang sumpa. Ang sumpa na iyon ay exclusive lamang sa mga may dugong hybrid o hindi kaya ay mga werewolf. Kahit kailan ay wala pa akong narinig mula sa taas na may nakatanggap ng sumpa galing sa mortal. It will risk both parties if an Alpha have a mate from mortal realm. The Corporation's job was to find a helper. Pero halos lahat ng mga nakukuha ng corporation ay hindi nagtatagal sa mundo namin. That's why you're still lucky," seryoso niyang paliwanag.

Lucky? Nagpapatawa ba siya? Lucky pa ba matatawag 'tong sa sitwasyon ko ngayon?

Halos manlumo ako sa sinabi na iyon ni Sebastian. Upon hearing those revelations from Sebastian I feel like I have lost hope of getting out of this place and into the hands of Mr. Yvan.

"Does that mean, I'm going to die?" Nangilid ang mga luha ko.

"No. You're blood was special. Although you smells like a human but I can feel you're not just an ordinary, Jas," sagot niya sa akin.

"Is there anything I can do to get away from this fate? Please sabihin niyo sa akin...I don't want to be with that kind of monster... I don't wanna be trapped in him forever." Humagulhol ako ng iyak, niyakap ako ni nanay Rona para patahanin ako.

Hindi ko matanggap ang lahat. Ayaw kong makulong sa lalake na iyon. I want my life back desperately.

"Shhh, I know...tahan na, hija." Nanay Rona comfort me.

"May isang lunas pa para sa sumpa." Biglang sambit ni Sebastian. Tiningnan ko sila ni Miss Joanna nang pigilan siya nitong magsalita si Sebastian.

"The Queen of Ozz." Biglang sumibol ang kakaibang lukso ng puso ko.

"Siya ang nasa tuktok ng lahat ng mga uri ng mga witches sa mundong ito. Hindi masukat ang kaniyang kapangyarihan, kahit pa ang pinakamalakas na Alpha na si Yvan ay hindi niya kayang tapatan ang kapangyarihan niya. Pero ang problema nga lang ay, hindi pa rin nahahanap ang reyna. After na ipinanganak ng inang ina nila ang sanggol ay agad din naman itong naglaho. The kingdom is still, that only means buhay pa ito at nagtatago lamang," Sebastian retorted.

"Pero wala na tayong sapat na oras para hanapin pa siya. Malapit na ang eclipse. Ilang gabi na lang at matatalaga ng Luna si Jasmine." Mas lalo akong nanlumo sa pinaalala na iyon ni Miss Joanna.

Lumipas ang mga araw na pilit kong iniiwasan na magtagpo ang landas namin ni Yvan. Nasa mansion pa rin ako at sa kasamaang palad ayaw nilang paalis dito dahil may pamahiin sila na kapag lumabas ang luna ay maaring ikamamatay rin niya ito dahil na rin dami ng gustong mag-interest. Bilang na lang ang mga araw at sasapit na ang kaarawan na ng tinatawag nilang alpha, at ilang araw na lang din ang natitira para sa akin bago mag eclipse at maging Luna ni Mr. Yvan.

Napasinghap ako bago napatingala sa buwan. Ang ganda sana ng gabi pero paano ba ako magiging masaya kung alam kong ilang gabi na lang ay hindi ko na hawak ang buhay ko?

"This is our fate," bulong ko habang dumadaloy ang luha sa mga mata ko. Marahan akong napahawak sa dibdib ko.

"You still have the chance to escape." Halos takasan ako ng kulay ko nang marinig ang malamyos na boses na iyon. Agad kong nahanap ang isang bulto ng lalake mula sa madilim ba parte.

He's like the Yvan summon straight from my dream. And about sa panaginip ko, hindi ko alam kung babala ba iyon o pananakot lamang. Masyadong naging occupied ang utak ko sa lahat ng mga sinabi nila sa akin tungkol sa pagiging Luna ko para kay Yvan, kaya naman hindi ko na rin napagtutoonan ng pansin iyon.

He steps closer to the light while looking at me. Pansin ko rin ang mapupungay nitong mata at ang amoy ng alak na nanunoot sa ilong ko. He's wearing a white polo while he was rolling his sleeves. Nakapamulsa rin siyang naglakad sa akin.

I step back when he steps closer. "No matter what happen, I will never accept you as my half bond. Kahit na ikamatay ko ang pagtanggi sa 'yo ay gagawin ko!"

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mukha sa ginawa ko, pero nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa tinukod niya ang kamay biya sa balkone habang naka suporta naman ang kaniyang palad sa kaniyang cheek.

"I regret being an Alpha." Simula niya. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"I regret being the curse hybrid vampire. I regret everything that I have. But do you know what I don't regret? When I found out you were my appointed Luna. But I think I regretted that too because I ruined freedom...I ruin your freedom...my Precious's Freedom."

Ramdam ko ang bawat sakit sa mga salita niya na para bang pagod na ito sa kaniyang buhay. Unti-unting pumatak ang mga luha ko kasabay ng ulan. Napapikit ako.

Akmang aalis na sana ito nang pigilan ko. "I hate you."

"I know and I hate myself too," sabi niya bago siya nawala sa paningin ko.

Pumasok ako sa loob. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mukha niya noong sabihin niya ang mga kataga na iyon. Napatitig ako sa kandilang nasa harapan ko. Kapag kuwan ay mabilis kong kinuha iyon at lumabas sa kwarto. Dahan-dahan akong naglakad sa pangatlong palapag. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makatapak ako sa palapag na ito. Ramdam na iyong kaba sa dibdib ko.

Bakit nga ba ako pumunta rito!? Pagkastigo ko sa sarili ko. Napatingin ako bigla sa glass na nakasabit sa dingding.

"This is your chance to kill him!" she said.

Nagulat ako nang makita ang babaeng nakita ko sa panaginip. Pula ang damit nito at pulang-pula rin ang labi na siyang kabaliktaran ko. Nakangisi ito sa akin habang may hawak na patalim. Nabigla ako nang may hawak na akong patalim.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang mapahinto ako sa pinakadulong pinto. Napabuga ako bago ko tinulak ang pinto na gumawa pa ng ingay. Tumulak ako sa loob nang mapansin ang mga painting na nakakalat sa buong silid. Nabitawan ko ang punyal na hawak ko habang nakatitig sa pinakamalaking painting na halatang hindi pa tapos. Madilim man sa lugar na ito pero dahil sa buwan ay tila nabubunyag nito ang mga obrang nagkalat.

Nakita ko ang mukha ko na nakaukit sa mga canvas. Mayroong nakangiti ako, nakasimangot at umiiyak, pero ang labis na nakaagaw ng pansin sa akin ay ang painting niyang kasing laki at kasing haba ng dingding.

"What's this?" bulong ko. Lumapit ako doon at nakita ang mga brush sa sahig.

Nilibot ko ang tingin ko nang makita ko ang isang puting tela na tila may tinatakpan iyon. Maingat kong inalis ang tela at agad na nakita ang mga picture. Halos manghina ang tuhod ko at napaatras ako nang mapansing iisang mukha at iba-ibang damit mula sa iba't-ibang taon ang nandoon.

Tila may kung anong humaplos sa puso ko nang makita ang isang sulat na nakaipit doon.

"I'll find you, My Luna." Basa ko

Iyan ang nakasulat sa maliit na papel na tila ba ay paalaala iyon sa kaniya araw-araw.

Pinaradahan ko ng kamay ang bawat picture na nandoon hanggang huminto ako sa isang larawan...Isang larawan na nagpaalala sa akin noong bata ako.

Agad na tumakas ang luha sa mga mata ko nang mabasa ang maliin na papel na nandoon.


Bigla kong nabitawan ang larawan nang may magsalita mula sa likod ko.

"I found you, Luna." Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at agad na nagtama ang mga mata namin.

"Like I promise."

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero nakita ko ang makintab na likido na pumatak mula sa mga mata niya.

"S-sino ka ba talaga?" nangingig na tanong ko sa kaniya.

"Kill him, Jas before he will corrupt your mind!" A voice from my head said.

"Ako ito, ang nangako sa iyo na iharap ka sa dambana sa ika-500 taon." He smiles. I still couldn't digest on what he said.

"Don't listen to him, Jasmine!" The voice inside me persuade.

Napatakip ako sa tainga ko sa matinis niyang boses. Agad naman akong nilapitan ni Yvan at inalalayan nang bigla na lang manlambot ang tuhod ko. I still smell here liquor but I can feel him calm.

"Those pictures, what's the meaning of those!?"

"And this?" Ipinakita ko sa kaniya ang litrato ko noong bata pa ako.


"Bakit meroon ka nito?" Naguguluhan na ako. Bakit kailangan na makita ko ito ngayon. Ngayon na buo na ang loob kong patayin siya, tulad noong pinakita ng kamukha ko ang ginawa niya.


"Precious," aniya sa lamambing na boses.

Napatingin ako sa mga mata niya at nagsimula nang maghipnotismo ang mga mata niya.


Minulat ko ang mga mata ko nang marinig ang huni ng mga ibon. Agad na tumambad sa akin ang kalangitan na pupuno ng ulap. Maganda ang panahon, hindi ganoon kainit. Napupuno ng mga bulaklak at napaka-presko ng hanging dumadampi sa aking balat.

Nasaan ba ako?

"Precious be careful." Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nakita ang mahahabang ornaments grass sa palibot. Ikinusot ko ang mga mata ko at tumayo upang hanapin ang boses na tumatawag sa pangalan ko.

Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Yvan.

Mula sa kinatatayuan ay tanaw ko ang magkasintahang naglalaro sa lawa.

"Bilisan mo, Van!" Natatawang tawag ng isang babae sa kasama niya. Nagulat ako nang makita ang mukha nito. Hindi nga ako namamalikmata at ako nga ang babae na iyon... Sinundan ko nang tingin ang tinatawag niyang Van.

"I'm coming. I'm coming." Inikot niya ang mga mata niya pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang nakaguhit na ngiti sa labi niya. Walang pinagbago sa kaniya, pwera na lang sa mga ngiti nitong nagpapasigla sa buong paligid.

"Mr. Yvan," bigla kong bulong. Napalingon naman siya sa direksyon ko bago niya ibinalik ang tingin niya sa kasama niyang babae.

Sinundan ko silang dalawa, hanggang Sa makarating sila sa pinaka gitna ng gubat. Agad na naglatag si Van ng malaking tela at inilapag ang mga dala pagkain. Naglabas naman ng libro ang babaeng kasama niya bago siya humiga sa kandungan ni Mr. Yvan.

"Ang ganda ng araw ngayon." Dinig kong sabi ng babae.

Hindi ko masasabing ilusyon ang lahat na nandito, masyado itong totoo. It's obvious that this is one of Yvan's past. Pero bakit nasali ako rito?—I mean bakit naman magkasama kami ni Yvan?

"Mas maganda ang araw habang kapiling ka." Nilaruan ni Yvan ang hibla ng buhok ng dalaga habang hindi pa rin mabura ang mga ngiti niya.

I have never seen Mr. Yvan so happy before. And her eyes, so beautiful. His eyes are very different now compared to when we were facing each other. There is no danger, so fragile and carefree. You don't have to worry about getting hurt every time you touch his hand or you won't be upset if he's around. Far from the Yvan I met.

"Malapit na ang kaarawan mo, may hiling ka bang gusto?" Humarap ang kamukha ko kay Mr. Yvan at hinawakan ang mukha nito.

Napaisip naman si Mr. Yvan sa tanong na iyon. "Hmmm...wala naman akong ibang mahihiling dahil nasa akin na ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat."

Nag-usap pa silang dalawa, mga plano nila sa buhay at panghuli ay inalok na ng kasal ni Van ang babaeng kaharap niya. Hindi naman tumanggi ang dalaga dahil kitang-kita ko kung gaano niya kamahal ang lalaking nakaluhod sa kaniya.

Lumipas ang umaga at nasaksihan ko kung paano isukat ni Precious ang —ang kamukha at kapangalan ko ang damit. Pero ganoon nalamang ang pagtataka ko sa damit na suot niya. Pamilyar ito sa akin. Doon ko lamang naalala ang damit na isinukat ko bago kami nagpunta sa bayan ni nanay Rona. Ang damit na tinatawag nilang sumpa.

Ipinarada niya ang kamay niya sa damit habang hindi mabura sa labi niya ang ngiti at pananabik. Napadaing ako nang bigla na lang may kung anong tumusok sa gitnang daliri ko. Napatingin ako kay Precious nang nakitang ganoon din ang reaksyon niya habang nababahiran ng dugo ang puting damit nito.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at niluwa doon ang isa pang babaeng may dalang stick. Maganda siya pero may napapansin akong kakaiba sa kaniya.

"What bring you here, Glenda," tanong ni Precious sa bagong dating.

"Well, I heard that my step-sister is getting married and I'm here to congratulate her." Her voice was screechy when she laughs.

"You are not invited, Glenda," matabang na sabi ni Precious.

"Tsk. Tsk. Tsk. Para namang wala tayong pinagsamahan, Precious. Nasabi mo na ba kay Van ang tungkol sa iyo?" Abot hanggang langit ang ngiti ni Glenda nang bigkasin niya ang mga iyon.

Ano ang tungkol sa kaniya?

"Never cross your line, Glenda. I am warning you!" pagbabanta ni Precious sa kausap niya.

Ano ba ang tungkol sa dating kasintahan ni Mr Yvan?

Biglang naiba ang paligid. Halos mapahawak ako sa aking tuhod nang nakaramdam ako ng panglalambot ng tuhod dahil sa usok. Usok? Saan galing 'yon?

"Alpha, you are wounded." Napatingin ako sa lalaking gumagapang papalapit kay Mr. Yvan na halos maligo na sa dugo.

Napatingin ako sa paligid, mga bangkay na nagkalat, mga tahanan na nasusunog, mga sigawan, iyakan. Halos manlumo ang puso ko sa nakita kong sitwasyon ng bayan.

"I'm okay Seb. Where's my Luna!?"

Hinanap ng mga mata niya si Precious. Maging ako ay gusto ko siyang tulongan. Naiiyak ako habang sinusundan si Mr. Yvan, napupuno ito ng galos at halos wala na ito sa sarili habang sinisigaw ang pangalan ko.

Wasak na rin ang dating pinuntahan nila kung saan nag-propose si Mr. Yvan. Hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit nagkaganoon. Napatingin ako sa kalawakan nang mapansin ang mga aninong lumilipad doon. I saw Glenda riding her brooms while enjoying tearing down the whole place. Marami itong kasama na siyang tumulong upang wasakin ang buong lugar.

"Run Precious! Run!" Sigaw niya. Nakita rin ata siya ni Mr. Yvan kaya mabilis siyang tumakbo upang sundan si Precious na tumatakbo papunta sa kagubatan.

"Precious!" Sigaw ni Mr. Yvan nang maabotan niya ang dalaga.

Sapo ko ang dibdib ko sa pakikisabay kong pagtakbo sa kaniya. Naabutan kong niyakap ni Mr. Yvan ang dalaga pero huli na upang mailigtas niya si Precious dahil isang malaking espada ang tumama sa likod niya. Tiningnan ko kung kanino iyon galing pero hindi ko na nakita ang mukha nito dahil mabilis siyang tumakbo papasok ng kagubatan.

"No! No!" Halos madurog ang puso ko habang nasa bisig niya si Precious. It so awkward seeing yourself near in death. Hinawakan ng dalaga ang mukha ng binata bago ito nagbigkas ng mga salita.

"Please find me in other life..."

"Promise me." Napadaing si Precious bago lumabas ang dugo sa gilid ng bibig niya.

"No, don't say that. Magsasama pa tayo..."

"Pro-promise me..."

"Promise, I will be your man in the second life...I'll find you."

Napatakip ako sa bibig ko sa nasaksihan ko. I saw Mr. Yvan crying and suddenly turn into a beast. Napaatras ako nang malakas itong umalulong.

Napatingin ako sa buwan. The moon was cover with blood.

--

Napakurap ako nang mabasa ang pisngi ko ng luha. Agad na tumambad sa akin ang mukha ni Mr. Yvan nakatingin lang din sa akin.

Napaatras ako sa kaniya nang pinahiran niya ang luha ko. Napalubog ako nang makita ang lahat na iyon. Napatingin ako sa mga larawan.

Hindi pa ganoon kalinaw sa akin ang lahat pero may mga idea na akong nabubuo sa utak ko. Pero hindi ko lubos maisip na ganoon ang naging buhay ni Mr. Yvan at sa kasintahan niyang, si Precious.

Yvan was promised to find Precious, who happened to be somebody who have a the same faces like mine. Is this the reason why I qualified the company standards and suddenly sent me her, just to grant Mr Yvan's wishes? This is kind of mistakes.

"Precious..."

"Do not come closer!" I shouted at him.

Hindi pa rin kaya ng isip ko na tingnan ang mga ipinakita niyang alaala.

"I promised you, that I will find you—"

"I-I'm not her!" putol ko sa kaniya.

"Every thing is just a big mistakes...I...I know nagkataon lang na magkapareho kami ng mukha at pangalan but, I am not her." Mabilis akong lumabas sa kwarto niya bago bumamaba at ni-lock ang pinto ng silid ko ko.

"T-this can't be..." Mabilis kong kinuha ang jacket at cellphone ko.

Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang hakbang, but one thing is for sure, I am not her and I am not living for him. Sapat na ang mga naranas ko upang itigil ang lahat na ito. Vampire? Werewolf and now I witches? All of this doesn't exist in my world.

I am ready to leave when my balconies door suddenly open with a strong wind. Mabilis kong inilipat ang tingin ko nang mapansin ang isang presensya mula doon.

"Going somewhere?" Said a cold voice and laugh that bring shiver down my spine.

Her voice is familiar... "Glenda," bigla kong naibigkas.

Oo nga at siya nga iyon. But what bring her here?

"Oh, you remember me?" nagagalak na sagot ni Glenda sa akin.

Mabilis akong umiling at umatras. "I don't care who you are, but no matter what your purpose here, let me go. T-take everything you want."

Natawa naman siya sa sinabi ko na iyon at naglakad papalapit sa akin. "You amaze me, Precious. Alam mo ba kung anong gusto kong kunin ngayon?"

Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. "Your heart."

Napatulala ako ng bigla na lang tumilapon si Glenda sa sahig. Napatingin ako sa lalaking nasa likod ko.

"No one can get her heart, just me. I am the only one who owns it."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Glenda nang makita niya ang pag-iibang anyo ni Mr. Yvan. From his human size turn into a beast, same beast I saw when his Precious girl die in his arms. He have a thorn and his eyes turn into gold, his nails are growing as will as his fangs, his body was exposed. Nagulat ako nang makita ang pagtubo ng mga pakpak nito sa likod niya na hindi ko nakita noong una.

"A-Alpha," nauutal na sambit ni Glenda habang nakayuko.

"Spare my life, Alpha!" But Mr. Yvan ignore her request and suddenly lock her neck using his hands. Napapikit ako ng makita ang pangil ni Mr. Yvan.

Mariin kong pinikit ang mata ko nang magwala si Yvan. Naidilat ko na lamang ang mga mata ko nang hawakan niya ang baywang ko ay mabilis na tumalon. Napasigaw ako dahil sa takot nang makarating na kami sa tuktok ng mansion, napayakap ako kaniya nang ibinuka niya nang malaki ang mga pakpak niya at mabilis na lumipad sa kalawakan. Napahigpit ang hawak ko sa kaniya dahilan para alalayan niya ang likod ko.

"Don't let me go, Precious. I'm begging you."

Dahan-dahan kong tiningnan ang mga mata niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang nakita ko noong kasama niya si Precious. Labis na nagagalak at hindi ko matukoy kong ano nga ba eksaktong kulay ng mga mata niya dahil mabilis ito nagpalit-palit. From grey, to red to gold.

Nagulat ako nang pahiran niya ang pisngi ko.

"I love you until the last breath of the earth. You are my Precious," he said and kiss my forehead.


6969 CorporationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon