Thank you for supporting my story.
Special Chapter
5 years later.
"Nak pasok ka na sa trabaho?" Tanong ni Mama saakin. Naglagay ako ng lipstick sa aking labi at tinignan siya sa salamin.
"Opo ma" simpleng sagot ko. Tumango si Mama saakin.
"Bilisan mo dyan at gising na siya" umalis si Mama sa kwarto ko.
Napangiti ako dahil gising na yung taong mahal na mahal ko. Inayos ko muna yung buhok ko at tumayo na. Bumaba na ako at pumuntang kusina. Nakita ko siyang kumakain ng paborito niyang ulam. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisnge.
"Good Morning sweetheart" I said. Ngumiti naman siya saakin ng matamis.
"Mama!"
Natawa ako sa reaksyon ng anak ko. Yes I have a child. Nabuntis ako ni Devon dun sa Estabillo Falls. Siya ang naka una tas buntis agad ako. Napailing nalang ako sa aking naisip.
"Dervon be a good boy while mama is not at home okay?" Bahagya namang siyang tumango saakin habang patuloy na kumakain.
Si Dervon ang bunga saaming pagmamahalan ni Devon. Kamukhang-kamukha ni Dervon ang kanyang ama. Seryosong mukha pero napakasweet
Tinignan ko si Mama na naghuhugas ng mga plato.
"Ma, may mga katulong naman tayo, sila na bahala dyan at magpahinga ka muna" sabi ni ko. Lumingon saglit si Mama saakin.
"Hay nako nak okay lang ako ano ka ba hindi naman ito mabigat 'tsaka mas maganda saaming matatanda pag may ginagawa dahil pag wala kaming gagawin sa tingin namin ay magkakasakit kami" sabi ni Mama. Tumango ako sakanya at lumapit.
"Ma pupunta po ako dun" napalingon saakin si Mama at tinigil muna ang paghuhugas.
"Anong petsa ba ngayon?" Tanong niya.
"January 31"
"Isasama mo ba si Dervon?" Lumingon siya sa anak kong busy kumakain habang nakakunot yung noo.
Umiling ako sakanya kaya tumango ulit siya saakin.
"O siya mag-iingat ka ha?"
Hinalikan ko yung pisnge ni Mama at Dervon bago lumabas na ng bahay."Hey miss beautiful" napairap ako dahil kita ko na naman yung ngiti niyang malapad.
"Aga mo ata ngayon Cairo?" Sabi ko sabay tawa.
"Of course makakalimutan ko ba tong araw na ito?" Pinagbuksan niya ako ng pinto sakanyang kotse. Napatitig muna ako sandali dahil may naalala akong lalake na pinagbubuksan ako ng pinto sakanyang kotse. Devon.
Sumakay na ako sa kotse ni Cairo at ilang sandali pa ay nakarating na kami dito.
"Ay damn! Nakalimutan kong bumili ng bulaklak!" Bahagya kong ginulo yung buhok ko. Natawa naman si Cairo sa ginawa ko.
"Chill alam kong makakalimutan mo yan kaya bumili na ako ng bulaklak bago tumungo sa inyo" tinuro niya yung backseat at nakita ko dun yung bulaklak. Napahinga naman ako ng maluwag dahil dun.
Nang maipark na ni Cairo yung kotse at bumaba na ako sakanyang sasakyan dala yung bulaklak.
Lumapit ako sakanya at nilagay ang bulaklak sa harapan niya, tumayo lang si Cairo sa tabi ko. Hindi nagsasalita.
"Hi Sweetheart, musta ka na dyan?" Tumulo yung luha ko dahil sa naalala 5 years ago.
"Devon thank you ha? Dahil sayo naranasan ko maging isang prinses kahit sandali lang. Naranasan kong kahit hindi kami mayaman ay may nagmamahal saaking totoo. Masakit man dahil iniwan mo ko o kami ay hindi ko pa rin matanggap na ganun ka nalang kadaling nawala sa piling ko" humikbi na ako.
"Devon salamat dahil sayo may Dervon ako ngayon. Kung sana andito ka para sabay natin siyang palakihin. Sana andito ka para marinig yung first word niya na sinabi" naalala ko yung araw na unang lumabas sa bibig ni Dervon ay yung salitang "Dada" umiyak ako nun dahil sa labis na tuwa.
"Mahal na mahal kita Devon," huminga ako ng malalim.
"Hinding-hindi kita makakalimutan sa puso ko pero ngayon. Papakawalan na kita." Napalakas yung hikbi ko dahil sa sakit na naramdaman.
"Sana maging masaya ka sa disesyon ko dahil may mahal na akong iba" sabi ko at hinawakan ko yung kamay ni Cairo. Oo nagmamahalan kami ni Cairo 2 years ago. Niligawan niya ako.
Niyakap ako ni Cairo at marahang hinalikan yung buhok ko.
5 years ago. Nang mawala si Devon ay ilang araw ang lumipas may dumating sa bahay namin na abogado at sinabing pinangalanan ni Devon saakin yung Estabillo Falls at ibang lupain ng Estabillo. Nagkaroon din ako ng negosyo ng mga piña, saging, at iba pa. Tinulungan ako ni Cairo kung paano e handle ang pag b-business. Hanggang sa inamin niya saakin na gusto niya ako. Nung una hindi ko matanggap dahil kakawala pa lang ng taong minamahal ko pero lumipas ang ilang taon ay pinatunayan saakin ni Cairo kung gaano niya ko ka mahal kaya di ko alam na nahuhulog na pa rin ako sakanya. Tinulungan niya rin ako nung buntis ako kay Dervon. Siya gumastos ng lahat ng gastusin namin.
Halos lahat ng tao sa eroplano ay namatay kabilang na dun ang mga piloto. Ang sanhi ng pag pag sabog ng eroplano ay bigla daw sumabog yung mga wire kaya nagbunga ito ng sunog habang nasa himpapawid. Hindi agad naagapan dahil sa takot ng kanilang naramdaman kaya bumagsak yung eroplano.
Siya rin yung nasa tabi ko nung mga oras na nagdurusa ako sa pagkawala ni Devon. Hindi ako naniniwala pero nung nakita ko yung mukha niya sa lapida ay napaiyak ako ng sobrang lakas nun. Namimiss ko yung sweet niya saakin. Yung gaano niya ko minahal sa ikli ng panahon.
Dinala ang katawan ni Devon sakanilang Mansion at dun ako nakilala ng magulang ni Devon. Akala ko susumbatan nila ako pero mas lalo akong umiyak nun nung niyakap ako ng magulang ni Devon. Pinatira nila ako sa Mansion dun pero lumiban ako at nagsimulang tumayo sa sarili kong paghihirap at ngayon nakagawa na ako ng sarili kong Hacienda at Mansion dahil sa tulong ng binilin ni Devon saakin.
"Salamat Devon dahil natutunan ko kung pano magmahal" sabi ko sa huling pagkakataon. Salamat sa lahat Devon at hinding-hindi ako magsasawang magpasalamat sayo dahil sa ginawa mo saakin. Ngayong handa na akong umibig ulit ay labis ang saya ng naradaman ko.
Ilang sandali sa pananatili dun ay niyakap lang ako ni Cairo sa buong oras na yun. Hinahalikan yung buhok ko at hindi nagsasalita.
"Let's go?" Ayaw ko sakanya. Ngumiti siya saakin at tumango.
Tinignan ko ulit yung puntod ng taong pinakamamahal ko.
Paalam Devon my Sweetheart.
BINABASA MO ANG
La Hacienda [COMPLETED]
ContoIsa lamang trabahador sa Hacienda si Alliah nang makilala niya ang dalawang magkakapatid na Estabillo. Nung una ay hindi naniniwala sa Love at First Sight si Devon pero nung makita niyang nawalan ng malay si Alliah ay nakita niya ang pinakamagandang...