I'll be the man

8 0 0
                                    

"Sorry. Bigla kasing nagpasundo si mama. Kaya hindi na kita napuntahan nun. Tapos kumain kami kaya di ako nakamessage sayo agad."-Yohan

Wala akong pake.

Hindi ko na siya nireplyan dahil bwisit pa din ako sa kanya.

"Akala ko ba wala kang phone."

Nireplyan ko na. Di ko mapigilan eh.

"Pinuslit ko lang saglit tong cellphone kina mama."-Yohan

Hindi ko na talaga rereplyan to. Pinagloloko lang ako neto. Nakakairita. Bakit kaya gustong gusto nating magpaloko? Anong klaseng utak meron ako?

Kaka-exam lang namin nung nakaraan tapos exam nanaman next week. Kailangang mag-aral para sa mas magandang buhay. Hayyy..

Sa totoo lang, wala akong masyadong nakakasama sa school bukod kay Shaira. Madami akong kakilala at barkada kaso college na kasi kami kaya hindi na pare-pareho ng schedule. Busy na din. Kung hindi man busy, wala. Para bang mawawalan ka lang talaga ng time dun sa ibang close friends mo.

Ang pinaka-goal lang ay makapagtapos ng college. Humihinga naman ako kahit wala akong jowa. Nakakakain naman ako kahit walang kasama.

Pero aaminin ko, mas masaya nga pag may kasama ka. Masaya ka nga pag kasama mo barkada mo, kasama mo pamilya mo. Kapag kasama mo mga kapatid mo o kahit iyong mga aso mo o kaya pusa mo. The more, the merrier. Naniniwala ako diyan.

Eh paano pa kaya kung kasama mo iyong taong mahal mo. Iyong taong mahal ka at mamahalin ka kung sino ka. Di ba mas masaya iyon?

Ang kaso, walang ganoon sa akin.

------------------------

"Ange ikaw na bahala dito ha. Aalis na ako."-Mommy

"Opo mommy. Ingat ka. "

"Di bale maaga naman ako uuwi bukas." Lumapit siya sa akin at nagbeso beso kami.

"Bye!" Sigaw ko sa kanya habang palabas siya ng gate.

Nag ayos na din ako ng mga gamit ko para pumasok sa school. Ang daming quiz ngayong araw. Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko hindi sapat iyong nireview ko. Hindi nga ako sigurado kung review ba iyong ginawa ko. Hay bahala na!

"Nagreview ka?" Tanong sa akin ng isang classmate namin na si Kaye.

"Nagbasa lang. Kinakabahan nga ako eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Sus kayang kaya mo iyan! Ikaw pa!" Wow, kaye bilib na bilib sa akin ah. Sana all.

"Salamat ah pero feeling ko talaga wala akong nareview." Hawak hawak ko ngayon iyong libro ko.

"Oh sige na, magreview na tayo."-Kaye

Pagkatapos ng quiz, dinismiss na kami nung prof namin. Minor subject lang din kasi pero 30 items. Nakakaloka. Madami na iyong 30 items HAHAHA. Nairaos ko naman kahit papaano. Wala na lang sabihan ng score at nakakahiya naman.

"Shai saan ka punta?" Tanong ko kay Shaira at maaga pa naman para umuwi. 3pm pa lang naman.

"Ewan ko."-Shaira

"Hintayin mo ba si Gela? Sabay ba kayo?" Tanong ko ulit sa kanya. Si Gela kasi barkada niya na friend ko din naman pero sa ibang course.

"Oo teh. Alam mo naman yun."-Shaira

"Ay okay. Sige mauna na ako. Bye!" Nagpaalam na ako kay Shaira kahit hindi ko alam kung saan ako mapapadpad.

Binuksan ko ang cellphone ko habang naglalakad. Tamang tingin muna ng taong kukulitin sa messenger at wala pa din akong balak umuwi. Wala pala si mommy sa bahay ngayon. Ayos lang malate ang uwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon