Kabanata 35

295 7 1
                                    

Kabanata 35

Space

As expected, I was asleep the whole flight. Basty woke me up and I saw that the sun was about to rise when the plane landed. Bitin pa ang tulog ko dahil maging sa cab papunta sa tutuluyan namin ay tulog ako. To my horror and Basty’s obvious amusement, I found myself using his shoulder as a pillow when he woke me up from my sleep again. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya nang inasar niya ako tungkol doon.

Bumaba kami sa harap ng condominium kung saan makikita ang units na nirenta ni Basty para sa amin. I made a mental note to ask for his bank account number later to pay him for that.

We could have stayed in a hotel para makaptipid pa but Basty said it’s better we should stay near the land. Wala sa aming dalawa ang may sasakyan at madalas ang pagpunta namin sa lupa kaya mas mabuting malapit kami doon. And this condominium is only a few blocks away from it according to Basty.

“Akin na,” he said and took both of my big bags when I was about to carry them on my shoulders.

Napanguso ako habang pinagmamasdan siyang buhatin iyon at naunang maglakad papasok sa loob. Natira sa akin ang maleta ko na hinila ko’t sumunod na sa kanya. Pati kanina sa paliparan ay binuhat niya ang mga gamit ko para sa akin. Siguro iniisip niyang magtatagal lang kami kung hindi niya ako tutulungan kaya kahit labag sa kalooban niya, binuhat niya ang mga gamit ko. Tss.

Totoo nga ang sinasabi ng karamihan. It is so hard working and forcing yourself to be with your ex. I never knew it because I never experienced it until now. Basty was my one and only ex. Maliit na bilang lang at swerte ang nakakatuluyan ang first and only love nila. But what if it ends? What now? Kung gaano kaswerte ang pakiramdam, ganoon rin ang mararamdaman na kamalasan sa oras na natapos na ang relasyon. Dahil sa kanya ka lang kumakapit, pero bigla ka na lang walang makakapitan, dahil wala na, tapos na, bumitaw ka na.

Gustuhin mo mang kumapit sa iba, iba pa rin talaga kapag siya.

Tahimik lang kaming dalawa sa elevator. Basty is using his phone habang ako ay pinapanood ang repleksyon namin sa harap, may parang salamin kasi doon. I look so stiff and tensed. Inayos ko ang pagtayo. May malapit kayang spa dito? I want to get a massage or something. Just to ease how tense I am.

“Where’s my unit?” tanong ko kay Basty nang buksan na niya ang unit niya gamit ang keycard.

“We only have one unit.”

Namilog ang aking mata. What?

“Hah? Then where would I stay?” tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

Pumasok na si Basty sa loob ng unit habang ako ay nanatili sa labas. Bakit isa lang kinuha niyang unit? Akala ko dalawa at tig-isa kami, syempre!

“Malaki na to para sa ating dalawa, Macy,” he said.

“Akala ko dalawa ang kinuha mo?”

“Wala akong sinabi. Sabi ko kumuha ako ng condo unit para sa ating dalawa. I never said two units.”

Nag-angat ako ng kilay. I feel like I was outsmarted. Basty sighed and massaged his temples. “Macy, get inside already.”

“Hindi ba pwedeng kumuha ako ngayon din? Meron pa sila panigurado.”

“Don’t be so difficult. Sayang ang pera,” he said like he doesn’t have a lot of those.

Wow! Sobra na nga na parang nagfifield trip kaming dalawa pero kailangan pa naming magbahay-bahayan?

“I will sleep on the couch. You take the bedroom. You are making this a big deal. Pagod na ako, I want to sleep,” sabi niya habang tinatanggal ang sapatos. Pagkatapos ay nahiga siya sa sofa at tinakpan ang mata gamit ang braso.

Playful Melodies Book 2: Precious MiraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon