Chapter 6 [He died]

5 0 0
                                    

Chapter 6 [He died]

"Mommy, San ba nagpunta si daddy?" nakatitig ako sa sunset na nangyayari ngayon sa manila bay. Nang may marinig akong boses sa likod ko.

"Baby, nasa heaven na si daddy.." bigla akong napalingon sa katabi ko sa kaliwa. Nakakita ako ng cute na cute na batang around 3 years old. Nakasuot siya ng jumber na may tatak na spongebob.

"Mommy, pangarap ko din pumunta sa heaven para maging kagaya din ako ni daddy" tinitigan ko lang ung bata habang nakangiti sa nanay niya. Ang saya saya niya para kahit na wala na yung daddy niya. Pero ako eto ang lakas makonsensiya. Buti pa ung bata may puso tapos akong taong bato. Hays

"Nakikita mo ba 'to?" Tinuro nung nanay ung langit at sinabing "Nandiyan si Daddy at binabantayan ka niya" niyakap niya yung anak niya at hinalikan sa noo.

Konting push na lang po tita tutulo na ung sipon ko bakit ba maiiyak pa ako sa sinabi nyo sa anak nyo. Ganun ba ako ka iyakin para iyakan ung mga ganung bagay?

"PANGIT NA NGA, TUMUTULO PA UNG SIPON" napahawak ako sa ilong ko kung tumulo ang sipon ko. Bigla kasing may lalaking nag abot sakin ng panyong itim.

"HALA PUKENAENAE" Nagmadali akong punasan ung tulo ng sipon ko at napatingin ako sa lalaking nag abot sakin ng panyo. "EDI GAYAHIN MO AKO. APAKA PAKIELAMERO MO MUKHA KA NAMANG PALAKI" tinulak ko siya at agad umupo ng maayos sa bench na inuupuan ko habang kumakain ng ice cream ni manong.

"Sarap naman niyang ice cream, patikim" agad niyang inagaw ung ice cream at dinilaan ito ng maigi.

"Hoy' napasigaw na lang ako ng sandali at napatitig na parang inagawan ako ng mundo ko sa nakikita ko ngayon.

"Ang sherep.. lssssp" pinapanuod ko siya habang dinidilaan niya ung ice cream sa harap ko. Habang tumutagal ay enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya at ako naman etong inis na inis.

"Pudayna kang mokong ka, saksak mo yan sa baga mong kulay pink. BADING!" agad na akong tumayo at pumunta ulit sa bilihan ng ice cream pero wala na dun si manong na nagtitinda ng Follow your heart-creams

"Hoy babaeng hukluban, san ka pupuntaaa." Agad akong hinabol ni jared at tinabihan ako sa paglakad. Habang kinakain ung ice cream ko.

"Bakit ba ang hilig mong umalis kahit hindi ka naman pinapaalis?" Bigla niyang inumpisahan ang usapan namin sa pag-iinis malamang. Whats new sa lalaking katulad niya.

"Bakit ba ang hilig mong sumulpot kahit hindi ka naman kailangan" sinagot ko din siya sa paraan ng pagtatanong din.

"Wow thank you chill ha. Nakaatouch ka" tinapik niya ung balikat ko at inalog alog ito. Napupuno na ako ng lalaking palaka na'to ha. Kanina niya pa akong iniinis at nagtatagumpay siya.

"Oh ayan bagay sayo yan. Kamukha mo na si dagul." Sinungalngal ko sa kanya yung binili kong ice cream kanina at naglakad na palayo. Tinatawag niya ako pero hindi ko siya nililingon. Nakakainis talaga siya. Kelan kaya darating ung panahon na magiging ok din kami. Jusko. I need miracle.

"Hi miss" bigla may humablot saking lalaki at hinawakan ako sa braso.

Nabigla naman ako kaya napasigaw ako "Ahhhhh" paglingon ko sa paligid ay walang katao tao parang zombie land ganun. Bakit ngayon pa

"Nako miss sandali lang 'to" pilit niya akong hinahatak pero hindi ako nagpapahatak sa kanya, hawak hawak niya parin ang braso ko at naghahatakan kami pareho.

Paglingon ko ay nakita kong paparating si Jared. Kaya agad ko siyang tinawag para tulungan ako " Jared, tuloooong" narinig naman niya agad ako sa pagtawag ko pero huminto lang siya at biglang tumawa.

"HOY JARED SABI KO TULONG HINDI TAWA, BOBO KA TALAGA" pilit pa din ako nagpupumiglas sa lalaking nanghablot sakin. Halos 2 minites na kaming naghihitakan at 2 minutes na din akong tinatawanan ni jared.

"HOY BABAENG HUKLUBAN ANONG GINAGAWA MO HAHAHAHAHAHA" Yun lang ang sinasabi ng palakang lalaki na ito. Imbes na tulungan ako ay pinagtatawanan ako ng putayna na lalaking ito.

"NAGSASAYAW JARED NAGSASAYAW. NAKIKITA MO NAMAN DIBA NAGPUPUMIGLAS MALAMANG" nagsisigawan kami ni jared habang nagpupumiglas ako sa lalaking humatak sakin.

"BOBO KA TALAGA EH MANGHUHULA YAN HINDI RAPIST HAHAHA " nanlaki ung mata ko at agad na huminto sa kabulastugan kong ginawa. Agad kong tiningnan ung lalaki at nahiya kuno

"Ano ba yan manong akala ko rapist kinabahan pa ako" hinawakan ko ung dibdib ko at agad na humingi ng paumanhin sa lalaking manghahatak

"Nako miss ang OA mo naman masyado kaya ka nasasakatan eh" aray ko eh. Sapul. Bulls eye. 100 ka na kuya. Alam na alam mo na. Isa kang alamat.

"Eh gago po kasi ung kasama ko hindi ako tinulungan" agad naman akong lumingon kay jared para magparinig ng mga senyales ko at agad naman siya nagsalita.

"Bakit kita tutulungan eh mas matapang ka pa nga sa kape" tumawa nanaman siya at inasar nanaman ako.

"Kayong mga kabataan talaga masyado kayong umaasa sa taong nasa tabi nyo" nabaling naman ung tingin ko kay manong

"Nako manong kanina kapag humuhugot. Lalim na nung hukay uy dandahan lang po" tinitigan ko ung mga ginagawa niya sa isang tabi. Totoo nga ung sinabi ni Jared na isa siyang manghuhula.

"Pumili ka ng baraha" nilatag niya ang mga ibat ibat klase ng baraha sa harap ko at tinignan ko lang ito.

"No. Hindi po ako naniniwala sa ganyan pasensiya na po" aalis na sana ako sa mga kahibangan niya ng bigla niyang sinabi na

"HE DIED" napalingon ako sa kanya at tinititigan niya ako. Hinawak ko na sa kamay si Jared at aalis na sana kami bago niya sabihin ang mga salitang yun.

"What the fck po manong, wala pong mamatay okay? Nakakatakot po kayo. Wag naman po ganun" pinagsabihan ko siya at naglakad na kami palayo ni jared ng bigla nanaman siyang sumigaw.

"He died for you" hindi ko na siya pinakinggan at naglakad na kami pabalik sa restaurant.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Died (Unsweetened love)ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon